“Mukhang masaya tayo ngayon ah!” bati sa akin ni Lheng kinabukasan nang pumasok ako sa BSC. Kasalukuyan kaming nasa labas ng coffee shop at hinihintay ang pagdating ni Ma’am A. Pang-umaga kasi kami ngayon at masyado lang akong napaaga ng alis sa bahay. Hindi ako nagpasundo kay Rusty dahil alam ko namang pagod din siya kahapon sa lakad namin. Umaapela pa nga siya pero wala pa rin naman siyang nagawa nang lambingin ko na siya. Naaawa rin naman ako sa kaniya ‘no. “Hmmm, medyo,” nakangiti ko namang tugon kay Lheng. Hindi ko masyadong close si Lheng kasi iba rin ang set of barkada niya sa BSC. Pero mabuting magkaibigan naman kami sa trabaho. “Uyyy, in love ka na ‘no?” usisa pa niya sa akin saka binangga ang aking braso ng braso niya nang makaupo na ito sa aking tabi. “Aray! Grabe naman sa