3rd Person's Point Of View*
Tumatakbo ang isang batang babae papunta sa garden at nakita niya ang isang lalaki doon na kaedad niya lang na nagbabasa ng libro.
Namangha siya sa kagwapuhan nito kahit bata pa siya ay nagkaka gusto na siya nito.
"He's handsome.. ayy!"
Bigla siyang nadapa dahil sa bato na nasa daan na hindi niya napansin. Napakagat siya sa labi niya at pinipigilan niya ang kanyang pag iyak dahil nakakahiya sa lalaki ang nangyari sa kanya.
Napatingin naman sa kanya ang batang lalaki na ka edad niya at binaba nito ang librong hawak nito at bumaba sa upuan at nilapitan siya.
"Why are you running, hmm?" mahinhing ani ng batang lalaki sa kanya at pinatayo siya at pinagpag ang kanyang dress at mas lalo siyang namamangha nung makita niya ng malapitan ang lalaki.
Nakita naman ng batang lalaki ang teary eyes nito kaya kinuha nito ang panyo at pinunasan ang luha niya.
"Don't cry, okay?"
Pinunasan din nito ang pisngi nito na kinapikit nito at natawa naman ang batang lalaki habang nakatingin sa kanya.
Bou na ang pasya niya habang nakatingin siya sa batang lalaki.
"Uhmm, please marry me!" kahit bata man ang kanyang boses ay sinabi pa din siya iyon sa haraoan ng lalaki.
Mahina namang natawa ang batang lalaki at lumapit siya sa kanya at pinat ang ulo niya.
"Hindi pwede."
"Bakit naman? Dahil bata pa ako? Lalaki naman ako at magiging kasing ganda kami ni Mom ko sa hinaharap."
Napangiti naman ang batang lalaki at pinawakan nito ang malambot na pisngi nito.
"Hindi pwede dahil.... Tito mo ko."
Agad napabangon si Miles sa mahimbing na pagkakatulog niya dahil sa malakas na kalabog ng pinto. Napahawak siya sa ulo niya dahil palagi na lang niyang napapaginipan ang bagay na yun at di niya maalala kung sino yun. At naramdaman din niya ang sakit sa ulo niya ngayon dahil may lagnat pa din siya.
"Ano ba, Miles! Kailan ka pa tatayo diyan! Umagang umaga na di ka pa nakakaluto!" rinig niyang sigaw ng umampon sa kanya.
Kahit ampon nga siya ay parating pinamumukha sa kanya na hindi siya kasapi sa pamilyang iyon at nakiki tira lang siya kaya gagawin niya ang lahat ng inuutos nito.
Lumabas siya sa kwarto niya na nasa basement at tiningnan niya ang nagagalaiting mukha ng Madrasta niya.
Miles Point Of View*
"Tita, pasensya na po natagalan po ako ng gising. Nilagnat po kasi ako kagabi hanggang ngayon po."
"Anong lagnat! Nag iinarte ka lang! Magluto ka na! Ang dami pang excuse. Tsk! Hindi kita pinatira dito sa mansion ko para mag inarte ka!"
Tinuro turo niya ang ulo ko na kinapikit ko dahil mas lalo akong nahihilo.
"Wag niyo po akong hawakan."
Natigilan naman ito sa sinabi ko.
"Ano't! Sumasagot sagot ka na ngayon!"
At akmang hahambalusin niya ako ng walis ay agad akong nagsalita.
"Ang sabi ko po wag niyo kong hawakan baka po mahawaan po kayo. Kalusugan niyo po ang importante ngayon, Tita."
Natigilan naman ito at agad napalayo sa akin.
"Mas lalong hindi ka pwedeng magluto baka mahawaan kami sayo! Wag kang lumapit sa amin at mag linis ka na para makaalis ka na sa harapan ko."
"Okay po..."
Ang mean niya na umalis ako ay papasok ako sa school. Mukhang kailangan ko pa ding pumasok sa school dahil hindi naman ako mahilig umabsent.
Agad kong nilinis ang boung bahay at kahit nahihilo pa din ako. Napasandal ako sa dingding at napatingin ako kay Manang na kakapasok lang galing sa garden.
"Eh? Miles, bakit ang pula pula mo?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang noo ko.
"May lagnat ka! Bakit ikaw naglilinis diyan. Magpahinga ka nga."
Pinaupo niya ako sa upuan at binigyan niya ako ng tubig.
"Uminom ka muna at kukuha muna ako ng gamot. Teka lang."
"Salamat, Manang."
"Kailangan mong alagaan ang sarili mo. Jusko kang bata ka. Dalhin na lang kaya kita sa Hospital."
Nanlaki ang mga mata ko at agad nanginig ang katawan ko. Pag nakakarinig ako ng Hospital ay nagiging ganito ang katawan ko lalo na pag pumunta ako doon. Di ko alam kung bakit.
"Okay, hindi ka pupunta doon. Kukuha na lang ako ng gamot.
Kumuha siya ng gamot at binigay naman niya yun sa akin at ininom ko iyon at napapikit dahil nahihilo na naman ako. Malaki ang pasasalamat ko kay Manang dahil siya ang isa sa mga naging kakampi ko dito sa mansion.
Oo nga at marami silang katulong pero ako pa din ang trip utos utusan ni Tita. Sabi niya sa akin na malayong kamag anak na daw niya ako pero bakit ganito sila sa akin?
Hinawakan ni Manang ang kamay ko at nakikita ko na iiyak siya habang nakatingin sa akin.
"Darating ang araw na makaka alis ka din sa ganitong buhay, Miles anak. Kapit ka lang talaga at malalagpasan mo din ito. Malapit ka ng makatapos ng pag aaral. Matapos nito ay may trabaho ka na kaya umalis ka na sa impyernong lugar na ito."
Napangiti ako at hinawakan ko din ang kamay niya.
"Yes, Manang. Dadalhin ko din po kayo once maging mayaman na po ako."
"Ikaw talaga. Sarili mo lang ang isipin mo, Miles Anak. Masaya na ako once maabot mo ang pangarap mo."
Napangiti ako at tumango.
"Sige po, maghahanda na po ako sa pagpasok."
"Papasok ka? Wag ka munang pumasok kasi may lagnat ka."
Nakita ko ang pag aalala niya sa akin at napangiti ako at umiling iling.
"Manang, kaya ko po ang sarili ko at naka inom na po ako ng gamot oh."
"Sure ka? Sige magbihis ka na at bumaba ka agad dito dahil hindi ka pa nakakain at pag lulutuan muna kita once makaalis na sila Madame."
Napangiti ako at tumango.
"Thank you po."
At umalis na ako at lumakad papunta sa kwarto ko. Napatingin ako sa higaan ko at naalala ko ulit ang panaginip ko na batang lalaki sa panaginip ko. Wala naman akong nakikilalang ganun. Baka siya ang future Husband ko! At nakikita ko lang siya sa panaginip ko.
Haysss... hanggang panaginip na lang siguro yun.
By the way, I'm Ophelia Miles Parkins, 20 years old. Kagaya ng sinabi nila ay ampon nga ako dito at matalino ako at maganda yun sabi nila at malapit na din akong makatapos ng pag aaral. Matatapos na ako sa katapusan at gagraduate na ako sa College at aalis na ako sa mansion na ito once makahanap na ko ng trabaho.
Nakabihis na ako at kumain na ako ng almusal at kasabay ko si Manang at ang ibang mga katulong dito sa pagkain hanggang sa matapos.
"Bye manang!"
Tumakbo na ako at sumakay na ng bisikleta at nararamdaman ko pa din ang hilo habang nagbibisekleta ako kaya napapikit ako sandali at napamulat ako ay nanlalaki ang mga mata ko nang nabunggo ako sa likod ng isang mamahaling sasakyan na kinatumba ko.
Bumilis ang t***k ng puso ko lalo na may lumabas na bodyguards sa loob ng sasakyan at napatingin sila sa gasgas sa likod.
"Miss, are you alright?"
Napaiyak na lang ako baka pababayaran nila sa akin ang ginagawa ko! Waaa kasalanan ko naman yun pero wala pa akong pera!
"P-Pasensya na po! Nagasgasan ko po ang sasakyan ninyo."
Umiiyak na ani ko sa kanila. At naramdaman ko pa ang sugat sa tuhod ko.
Biglang may lumabas na isang lalaki sa sasakyan at naka business suit pa siya nun at nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
Ang gwapo niya!
Napatingin siya sa gasgas sa sasakyan niya at napatingin siya pabalik sa akin. Napalunok ako dahil sa tense na pagtitig niya na malamig sa akin. Napaiyak na lang ako at kasabay pa nito ang umiikot ulit ang paningin ko at biglang umitim na ang paningin ko at napahiga ako sa lupa habang hinihingal pero hindi tumama ang ulo ko dahil may humawak nun.
"She's sick," ani nito.
Kahit nangingitim ang paningin ko ay naririnig ko pa din sila at napaiyak na lang ako at naramdaman ko na binuhat niya ako papasok sa sasakyan.
"To the Hospital."
Napayakap ako sa kanya dahil ang bango niya. Nakaupo pa din ako sa lap niya at kahit nakapikit ako ay komportable pa din ako sa position ko. At di ko na inisip ang mga sinasabi nila.
"Sir, let me hold her."
Pero wala akong response na narinig at mahigpit niya akong hinawakan lalo na at ang lamig ng aircon ng sasakyan niya at napayakap ako sa kanya dahil nanginginig ako sa lamig.
"Turn off the aircon."
"Boss..."
"I said turn off."
Hanggang sa nawalan na talaga ako ng malay sa bisig niya.
Nagising ako at nasa hospital ako at may dextrose ngayon na nakakakabit sa akin at agad kong nilibot ang boung lugar at napalunok ako dahil biglang nanginig ang katawan ko.
"B-Bakit nasa Hospital ako? Ayoko dito!"
Agad niyang tinanggal ang dextrose sa kamay niya at agad siyang nahulog sa higaan at napaupo siya sa gilid habang nanginginig at napatakip siya sa tenga niya.
"P-Paano ako napunta dito! Ayoko dito!"
Di din niya alam kung bakit natatakot siya sa Hospital. Napatingin siya sa kamay niya at nanlalaki ang mga mata niya dahil may dugo doon na mas lalong kinapanik niya at napasigaw siya at di na niya malaman ang nangyayari.
Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya at agad napalapit sa kanya ang mga Bodyguards.
"Miss, are you okay? Call the Doctors."
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip pa din sa tenga ko.
"Ayoko! Not the Doctors! I hate them!"
Biglang bumukas ang pinto.
"What happened to her?"
Napatingin ako sa kanya. Siya yung Boss nila.
"Nakarating kami dito dahil narinig namin na sumisigaw sigaw na siya, Boss. Di namin alam ang dahilan."
"She has Nosocomephobia."
Nagulat naman sila sa sinabi nito at lumapit siya sa akin. Bigla niya akong niyakap na kinatago sa dibdib niya.
"It's okay, don't be scared."
Kumalma naman ako at niyakap siya ng mahigpit at napaiyak na lang ako. Bakit ganito? Kumakalma ako sa kanya? Ngayon ko lang siya nakilala.
"Everything is gonna be alright."
********
LMCD22