Episode 19

1403 Words
PATINGIN-tingin siya sa akin habang abala ako sa pag-aayos ng mga papeles na nakakalat sa ibabaw ng table nito. “Ito ba ang trabaho ng executive secretary? Nag-aayos lang ng mga papeles?” sarkastiko kong tanong sa lalaking kanina pa pasulyap-sulyap sa akin. “Of course not! May magte-train sa iyo sa magiging trabaho mo. Sa ngayon pansamantala iyan muna ang gagawin mo. Nasa bakasyon ang magtuturo sa iyo kaya relax ka lang diyan.” Pagpapakalma niya sa akin. Irap lang ang tinugon ko. Bakit ba nasadlak ako sa sitwasyong ito? Ilang oras ang lumipas naiinip na ako dahil wala akong ginawa kundi ayusin ang maayos ng gamit at ang pagmumukha na lang ng lalaking ito ang nakikita ko. Ayaw naman niya akong palabasin dahil kesyo mawala ako at hindi na makabalik. Gusto niyang batukan ang lalaki ngunit pinigilan na lang niya ang sarili. Wala namang saysay kung saktan ko ang hambog na lalaking ito. Mukhang hindi tatalaban sa batok lang, e. Sa hindi inaasahan biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko. Sa lakas ay narinig ng lalaki ang pag-alburoto ng tiyan ko. Tumingin ang lalaki sa pambisig nitong relo. “ I think you are hungry,” anito nang may ngiti sa labi. Kinuha nito ang phone at may tinawagan. Hindi ko na lang siya pinakinggan at tinuon ang atensyon ko sa inaayos kong mga folder. Hindi yata marunong mag-ayos ng gamit nito ang lalaking ito. Well, mayaman nga naman kasi ito. Ano ang silbi ng mga katulong niya kung hindi sila ang gagawa. So it means katulong pala sa lagay ang role ko rito sa opisina niya at hindi executive secretary? Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang in-order na pagkain ng boss kong pogi pero ang burara sa gamit. “Come on kain na tayo.” Paanyaya niya sa akin. Mabuti na lang at naayos ko na ang nagkalat na papeles. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at umupo sa mahabang sofa. Nagulat ako nang tumabi ng upo ang lalaki. Napasulyap ito sa akin at malapad na napangiti. Ako naman ay naparolyo ng mata at hinarap ang masarap na pagkain. Wala akong ideya kung ano ang in-order nitong pagkain dahil parang hindi pamilyar sa akin ang hitsura ng pagkain. “Masarap itong in-order ko dahil itong food na ito ay traditional food sa Romania.” Anito. Napatingin ako sa nakahain na pagkain. Mukha ngang traditional food nila ito. Hindi pamilyar sa akin ang mga pagkain. Kumuha ako ng parang lumpia na may toppings na green. Mukhang parsley iyon. “Ano tawag nito sa inyo?” tanong ko. “That’s called Sarmale. Nahahawig siya sa lumpia dito sa Pilipinas. Ang kaibhan lang binalot siya sa cabbage pero minsan binabalot nila sa vine leaves. Put sour cream it’s delicious.” Binalewala ko ang huling sinabi nito. Ano kaya ang vine leaves? Tanong ng isipan ko. Hindi ko na lang tinanong dahil nagmumukha akong inosente sa pagkain ng lalaking ito. Meron ding parang skinless longganisa. Gusto ko sanang tanungin kung ano ang tawag doon nanahimik na lang ako. Ano naman pakialam ko sa mga pagkain nila. Saka nagugutom na ako para magtanong nang magtanong sa pagkaing hindi ko naman alam. Tinikman ko rin ang parang skinless longganisa. Medyo nanlaki ang mata ko nang matikman iyon. Infairness masarap. Napatingin pa ako sa isa pang pagkain. Parang bell pepper ang nasa ibabaw, Mukha itong baked bell pepper. Ano ba naman ako panay ang tanong ng isipan ko. Kumain na lang ako kaysa stress-in ang sarili ko. Natapos ang tanghalian naming dalawa. Busog na busog ako dahil sobrang bigat sa tiyan ang kinain namin. Uminom ako ng malamig na juice. “By the way sinabi ko na sa Nanay mo na roon ka na titira bahay ko.” Naibuga ko ang iniinom kong juice dahil sa sinabi nito. “Ano?! Ngayon na talaga?” Tanong ko. Pinunasan ko ang bibig ko. “Ano naman masama kung magsama na tayo habang hinihintay ang kasal natin? Mas mabuti na iyan para masanay na tayo sa isa’t isa at wala ng ilangan.” Hindi makapaniwalang napatingin ako sa lalaki. “Hindi ba ako pwedeng tumanggi?” Tanong kong muli. Umiling ito at napangisi. Napairap ako sa inis. “Paano iyan wala akong damit?” reklamo ko. “Don’t worry may mga damit na sa bahay ko kaya wala ka ng problema kung iyan ang iniisip mo.” Napatitig ako sa kanya. Hindi makapaniwala. Talaga? Kanino naman kayang damit iyon? Baka isa sa mga babae niya at ipapagamit sa akin. Nanlaki ang mata ko. Magsasalita sana ako nang unahan niya ako. “Bago ang lahat ng iyon. At may panty at bra ka na rin doon.” Nanlaki ang mata ko. Panty at bra talaga? Hindi mo akalaing mayaman ang lalaking ito kung makasabi ng panty at bra, wagas! Parang nahiya naman ako ng slight dahil sa pagkabalahura nito. Natawa lang naman ang lalaki. Dumating ang hapon at uwian na. Naglakad kami sa hallway na magkalayo. Ayoko kasing malaman nilang fiance ko ang boss nila. Baka pag-isipan pa ako ng masama at sabihin gold digger ako. Napatingin siya sa akin nang mapansing ang layo ko sa kanya. Kunot ang noo nitong napatingin sa akin. “Mabaho ba ako at parang diring-diri kang mapalapit sa akin.” Napahinto sa paglalakad. “Ayoko lang ng issue.” Tipid na sabi ko. “Issue? Para saan naman iyan? You are fiance, so anong issue doon?” Hindi niya ba naalala ang usapan naming walang makakaalam na may relasyon kaming dalawa? Kaya nga pumayag ako dahil may kondisyon pa akong pinagawa sa kanya. “Nakalimutan mo na ba ang usapan natin? Walang makakaalam na meron tayong relasyon.” “Okay fine!” may inis sa boses niya. “Galit ka?” tanong ko at naghalukipkip ng braso ko. Napangiti nang pilit ang lalaki. “Hindi ako galit.” “Mabuti kung ganoon.” Napatingin ako sa relo kong pambisig. Malapit na palang mag-uwian. Maalala ko palang sa bahay na pala ako ng lalaki titira. Malalim akong nagbuntonghininga. “Ano’ng oras pala tayo uuwi?” tanong ko at napatingin ako sa laptop nitong naka-open sa harapan ko. “Mag-overtime tayo ngayon dahil kailangan kong tapusin itong report ko para sa meeting bukas.” Anito at may mapaglarong ngiti sa labi nito. Nangunot ang noo ko dahil sa ngiti niyang iyon. “Bakit ganyan ka makangiti? Parang may hindi ka gagawing mabuti, a?” “Kaya ba gusto mong umuwi na tayo para sa ating advance honeymoon? Don’t worry kapag nakauwi tayo sisimulan na natin para makarami tayo.” Sa sinabi niyang iyon ay nanlaki ang mata ko. “Ano’ng honeymoon? Siraulo ka! Hindi tayo magtatabi kahit sa bahay mo ako titira! I will never give myself to you anymore! Parang hindi ko na kakayanin!” Exagerated na sabi ko sa kanya. Nagmadali akong bumalik sa table ko na tila takot na takot dito. Natawa lang naman ang lalaki. “Let’s see,” anito na parang sure na sure siyang bibigay ako sa makamandag niyang kaguwapuhan. Dalawang oras ang nakalipas ay umuwi rin kami. Gutom at antok na ang nararamdaman ko kaya tahimik lang ako sa biyahe namin. Itong isa salita nang salita na parang baliw. Hindi ko kasi sinasagot ang tanong nito at ito rin ang sumasagot sa sariling tanong. “I’ll cook our dinner,” sabi nito nang makapasok kami sa loob ng bahay. Natigilan pa nga ako ng ilang segundo bago sumunod sa kanya. Pumasok kami sa kusina. Naupo ako sa stool at ibinaba ang bag ko. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding pagod sa maghapong pag-aayos ng papeles at pag-upo nang walang katapusan. Diyos ko nakakapagod rin pala ang pag-upo ng maghapon kahit wala namang pisikal na gawain. Nagulat ako nang may inilapag na malamig na baso ng juice sa harapan ko. Napalunok ako nang makita ang malamig na juice. Kulay green ang kulay. Agad kong ininom iyon at ilang sandali ay nakaramdam ako ng pagkaantok. Napatingin ako sa lalaki. Napangiti ito. Nangunot ang noo ko dahil lumalabo ang tingin ko at hindi ko na maaninag ang mukha ng lalaki. “A-Anong nilagay mo sa inumin ko?” Iyon ang huling salitang namutawi sa bibig ko nang magsimula na akong manghina at tila mawawalan na ng ulirat. “I am sorry for doing this. . .” Huling salitang narinig ko sa kanya bago ako mawalan ng malay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD