Episode 6

1187 Words
NAPATITIG ako sa lalaking nakatalikod. Namimili ito ng mga prutas. Parang pamilyar kasi ang pigura ng lalaki. Parang nakita ko na ito. Hindi ko lang alam kung saan at kailan ko nakita. Isang tapik ang nagpatigil sa pagkatulala ko. “Sinong tinitingnan mo diyan? May nakita ka bang kakilala natin sa Pilipinas?” tanong ng kaibigan ko. Nakitingin din siya sa tinitingnan ko. Mukhang tapos na itong mamili ng pagkain na iuuwi naming pasalubong sa mga kaibigan at pamilya namin. Umiling ako. “Tinitingnan ko lang ang mga tinda nila.” Inginuso ko ang mga tindang prutas. Wala na ang lalaking kanina ko lang tinitingnan. Saan kaya nagpunta iyon? Ang bilis naman. Luminga-linga ako upang hanapin ang bulto ng lalaki ngunit bigo siyang makita ito. Napabuntonghininga siya. Bakit ko ba pinagkakaabalahan isipin ang likod ng lalaking iyon? Nagtingin-tingin pa kami ng ilang bibilhing mga pasalubong sa mga kaibigan namin sa Pilipinas. Sa susunod na araw uuwi na kami ng kaibigan ko. I decided to go home as early as I had planned. Napag-isipan kong kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko ng wala ang e-boyfriend kong walang ginawa kundi saktan lang ako. Iinog ang mundo ko kahit wala ang lalaking iyon. He’s not worth crying for. Bilang babae kailangan ko ding pahalagahan ang sarili ko at hindi dapat matitinag sa mga pagsubok ng buhay. “Ay t*t*ng malaki!” gulat na sabi ko nang itulak ako ng kaibigan ko. Napasubsob ako sa dibdib na matigas. Napayakap pa nga ako sa katawan ng estranghero. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng taong niyayakap ko. Unti-unting akong napatingala. Bumungad sa aking mga mata ang butas ng ilong ng lalaki! Naitalak ko ang lalaki ngunit nagulat ako nang ibang parte ng katawan ng lalaki ang naitulak ko. Nakahawak pa nga ako doon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung anong bahagi ng katawan ng lalaki ang hawak ko. Mahaba at matigas! Sa gulat ko ay napisil ko iyon ng mariin! “Rahat!” sigaw ng lalaki. “Oh my god!” bulalas ko habang naitakip ang kamay ko sa aking bibig. Gulat na gulat ang reaction ko at hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan. Ang lalaki naman ay parang nasaktan sa ginawa kong pagpisil nang mariin sa kanyang ano. Nakangiwi ang kanyang nguso. “Sorry, Frenny!” hinging paumanhin ng kaibigan ko nang lapitan niya ako. Hindi na ako nakapagtaray sa kaibigan ko dahil sa kabiglaanan sa ginawa ko sa ano ng lalaki. Diyos ko naman pinisil ko ang ano niya! Napasinghap ako nang bumaling ang tingin nito sa akin. Seryoso ang tingin niya sa akin at mukhang kakainin niya ako ng buhay. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit? “De unde eşti?” nangunot ang noo ko sa tanong niya. Ano daw? Tumikhim ang kaibigan ko. “We are from Philippines,” bigla ay napabaling ang tingin ko sa kaibigan ko. Kailan pa nakakaintindi ang kaibigan ko ng romanian? Hindi ba ilang araw palang naman kami dito? “Bine ați venit în țara noastră.” Diyos ko hindi ko maintindihan. Ako naman ay tumikhim. “Can you speak in English? So I understand you, sir.” Sabi ko. Diyos ko dudugo ang ilong ko hindi dahil sa english ang salita kundi sa ibang lengguwahe naman. Napangiti ang lalaki at napansin ko ang pagtitig niya sa akin na parang nakita na niya ako. Ngayon ko lang naman nakita ang poging ito. Yes, pogi siya ngunit my god hindi ko siya kilala ng lubos. Ayoko na ng lalaki. Kahit nasa kanya na ang hinahanap ng babae ay balewala na iyon. Dahil sa naging issue ko sa dati kong nobyo. Hinila ko ang kaibigan ko. “ Umalis na tayo dito. Hindi dapat tayo nakikipag-usap sa stranger, okay?” bulong ko rito. Bahagya niyang tinapik ang balikat ko. “Ano ka ba? Pinag-iisipan mo na ng masama ang tao? Kaya nga tayo nandito sa bansang ito para makakilala ng ibang tao?” “Nandito ako para sa bansang ito para mamasyal at maka-move on sa lalaki, hindi para maghanap ng lalaki at masaktan muli. Umuwi na tayo. Nabili naman na natin ang mga kailangan natin.” Sabi ko at saka hinila ang kaibigan ko. Napapatingin pa ang kaibigan ko sa lalaki. Nakatingin lang ito sa amin. Inirapan ko ang lalaki nang ngumiti ito sa amin ng kaibigan ko. Kahit guwapo siya hindi ko siya type! Ang laki ng butas ng ilong niya! “Ano bang problema mo, Trina at hindi Tuna?” Napairap ako sa biro ng kaibigan kong si Georgina. Palagi na lang kasi niyang ginagawang katatawanan ang pangalan ko. “Masama ang vibes ko sa lalaking iyon. Diyos ko, butas palang ng ilong nakatatakot na. Paano pa kaya ang ugali?” Napairap ang kaibigan ko dahil sa sinabi ko. “Butas lang ng ilong hinusgahan mo na? Bakit ang ex mo hindi mo nahulaang magloloko? Huwag mo namang lahatin ang mga lalaki. Iba-iba naman sila ng pag-uugali. Saka wala naman akong naramdamang bad vibes sa lalaki.” Anito. Inirapan niya ako. “Ah, basta hindi mo ako mapipigilan kung anong gusto kong sabihin sa lalaking malaki ang butas ng ilong.” “Ang OA mo, no? Ang ganda kaya ng ilong ng lalaki. Ang tangos.” Hindi na lang ako umimik dahil baka lumaki pa ang diskusyon naming dalawa. Knowing her hindi papayag na may masabi sa sasabihin ko. Palagi itong against at hindi sumasang-ayon. ISANG araw na lang kami dito sa Romania at babalik na kami sa Pilipinas bukas. Ayos naman na ang pakiramdam ko at hindi na masakit sa akin ang nangyari. Kaya ko ng harapin ang buhay kong wala ang ex-boyfriend ko. Napatingin ako kay Georgina. May hawak siyang bugkos ng bulaklak. Nangunot ang noo ko nang ibigay niya sa akin iyon. “Nag-abala ka pang bilhan ako nito? Para saan naman ito?” nagtataka man kinuha ko ang bugkos ng bulaklak na hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak. May white at yellow color. May nahalo din na color pink. Maliliit lang ang petals nito. “May nagpapabigay sa iyo.” Aniya saka umupo sa tabi ko. “Paano mo namang nalamang para sa akin iyan? Baka naman nagkamali ka lang na para sa akin ito?” Umawang ang labi ng kaibigan ko at ang isang kamay nito ay nakalagay sa ibabaw ng kanyang dibdib. “Ano ako tanga para tumanggap ng bulaklak na hindi ko alam kung kanino? May pangalang nakalagay. Tingnan mo kaya, hindi iyang pinagagalitan mo ako na parang kasalanan ko pa na may nagbigay sa iyo ng bulaklak. Aba, kung ayaw mo akin na lang iyan.” Napanguso ako. Ang dami na niyang sinabi. Binasa ko ang tarhetang nakasiksik sa bulaklak. Nagtatakang napatitig ako sa pangalan ko. TRINA DAMASO! Hindi naman galit ang nagsulat nito? Ang lalaki ng letter na nakasulat at may exclamation point pa. Sino naman kaya ang nagbigay sa akin ng flowers? Hindi kaya iyong lalaking nakainuman ko last time? Baka sa sobrang kalasingan ko naibigay ko sa kanya ang pangalan ko? Hindi ko pa naman maalala ang mukha ng lalaki dahil sobrang lasing ako ng mga panahon na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD