Jhoyce's POV "Pinapapunta tayo ng Daddy mo sa Company niyo," bungad na sabi sa akin ni Franco pagkalabas ko ng banyo. "Para saan na naman?" Nagkibit balikat lang ito at naghanap na ng damit na susuotin. Wala akong nagawa kung hindi ang mag-ayos na lang, dahil baka may importanteng sasabihin. Balak ko pa naman sanang puntahan si Ira sa condo unit niya. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakapunta sa kanila. Isang sasakyan lang ang ginamit namin kaya mabilis kaming nakarating sa company. Nang makarating ay inalalayan kaagad kami ng Secretary ni Daddy hanggang sa makapasok sa office nito. "Nandito na pala kayo," wika ni Dad. Napatingin sa akin saglit si Daddy, pero binaling niya rin ang tingin kay Franco. Umupo naman kami sa may couch habang kaharap namin si Daddy. "Bakit niyo po pa