Hindi ako makatingin ng diretso kay Helena habang magkaharap kami sa hapag-kainan at kumakain. Para akong kriminal na may ginawang kasalanan kaya heto, guilty at uneasy ang aking pakiramdam. May ginawa naman talaga akong kasalanan pero siyempre hindi ko ito aaminin.
Sinikap kong pakalmahin ang aking sarili para walang mapansin ang mga kaibigan ko at maging siya dahil mahirap nang mabuko nang wala sa oras. Ang lakas pa naman ng pang-amoy ng mga kaibigan ko at baka may mapuna sila ay maging dahilan pa ito para matuklasan ni Helena ang kabalbalan na aking ginawa sa kanya.
Lahat kami ay nakaharap sa mahabang hapag-kainan. Kumakain habang pinag-uusapan ang tungkol sa business trip na pupuntahan namin sa susunod na buwan. Si Helena ay tahimik lang at panaka-nakang sumasagot kapag may tinatanong si Storm o sino man sa mga kaibigan ko na may itatanong sa kanya.
Si Blue ang nagbigay ng pwesto sa akin at swerte dahil natapat ako paharap sa pwesto ni Helena na mukhang hindi nagustuhan na magkaharap kami.
Tss! Pasalamat siya at hindi ako umupo sa tabi niya. Ang gusto ko pa naman sanang mangyari ay makatabi ko siya sa pagkain. Ayos naman na ako sa ganito dahil hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ng katawan ko kapag nakatabi ko siya. Baka hindi ako makapagpigil ay ibalik ko siya sa kanyang kwarto at doon ay gawin ko sa kanya ang gusto kong gawin. Lalo na at nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko sa aking nakita. Gigil na gigil ako at mabuti na lang ay nagawa ko pang magtimpi kanina at hindi siya pinasok sa loob ng banyo at ginawa ang gusto kong mangyari.
Pasalamat talaga siya dahil nagawa kong magpigil lalo na at pakiramdam ko naipon na ang libog na nadarama ko para sa kanya. Hindi ako titikim ng iba para lang ilabas ang init ng katawan ko. Tiyaga na lang muna ako sa pagmamaryang palad kaysa bigyan ko si Helena ng doubt para pagkatiwalaan akong muli.
"Huwag mong masyadong titigan, pare. Baka matunaw, sige ka...baka hindi mo matikman," tudyo ni Blue na katabi ko sabay siko sa akin kaya naman nagising ako sa mula sa pagkakatulala sa magandang mukha ng aking sinisinta.
Nagtawanan ang iba naming kaibigan habang si Helena naman ay umirap naman sa gawi ko at saka umismid.
Ngumiti lang ako sa kanya habang sinisipat ko siya ng tingin pailalim. Natapat ito sa dibdib niya at hindi ko napigilan na mapalunok nang maisip ko ang pink niyang u***g na nakita ko kanina.
Kaagad kong inalis ang tingin sa kanya bago pa niya mapansin ang malalagkit kong tingin sa kanya. Siguro naman hindi niya napansin na nawawala ang underwear niya. Sabagay, hindi naman niya ako paghihinalaan lalo na at hindi naman niya nakita na pumasok ako sa kanyang kwarto. Huwag lang magbabanggit ang mga loko kong kaibigan na inutusan ako ni Storm na puntahan siya sa kanyang kwarto at gisingin. Dahil malalagot ako kapag nakumpirma niya na ako ang humalik sa kanya oras na magbanggit ang isa man sa kanila.
"Manahimik ka na lang diyan, pare. Mamaya ma-badtrip si Helena ay mawalan pa ng ganang kumain," ani ko naman kay Blue na ginantihan siya ng pagsiko. Tapos ay muli kong binalik ang atensyon ko sa aking kinakain at panaka-naka ay tumitingin sa gawi ni Helena habang kinakalma ang pagtayo ng aking sandata.
Nilubayan naman ako ni Blue at hinarap ang sarili niyang plato. Mabuti at tahimik din iyong iba naming kaibigan dahil kung sabay-sabay nila kaming tutuksuhin ni Helena ay alam kong hindi magiging kumportable ang babae.
Hinarap ko ang plato ko at sumubo. Buttered shrimp ang nasa plato ko at mabagal ko itong binabalatan dahil lumilipad ang utak ko dahil sa mga nakita ko kanina.
Tiningnan ko ang plato ni Helena at nakita kong pareho ng laman ng plato ko ang plato niya.
Naks! Meant to be talaga kami ng aking mahal! Pati sa pagkain ay pareho yata kami ng hilig.
"Bakit ka nga pala natagalan sa pagbaba kanina, pare? Sabi ko gisingin mo si Helena pero bumaba ka na hindi siya kasama," usisa ni Storm na akala ko ay mananahimik na lang.
Natigilan tuloy ako sa pagsubo at aligagang nilingon ang gawi ni Storm. Mabuti na lang at abala siya sa kanyang plato kaya hindi niya makita ang aking reaksyon.
Kainis! Bakit kasi nagtanong pa siya. Mukhang siya pa ang magkakanulo ng kabalbalan na aking ginawa.
Napatingin si Helena sa gawi ng Kuya niya na salubong ang kanyang kilay at saka siya tumingin sa gawi ko na nagtataka habang kunot pa rin ang kanyang noo.
Patay! Ano ang sasabihin ko?
"May tumawag kasi bigla sa akin. Sinagot ko muna ang tawag dahil emergency," paliwanag ko na alam kong lulusot. Hindi naman ito ang totoong nangyari at hindi na nila dapat malaman na galing ako sa kwarto ni Helena at nabosohan ko siya.
"Oh, I see. I thought—" tumawa si Storm at nilingon ang kanyang kapatid na nagtataka pa rin.
"Nakalimutan ko nga siyang gisingin at mabuti na lang ay magkasunod pala kaming bumaba," dagdag ko pa na akala ko ay hindi na lulusot ang palusot ko. Tumango-tango lang si Storm. Si Helena naman ay ramdam ko na nakatingin pa rin sa akin habang malalim pa rin siguro ang gatla sa kanyang noo.
Safe ang sagot ko sa Kuya niya but I know, may nahalata siya at marahil nag-c-conclude na ang utak niya sa sitwasyon na nasa isip niya.
Bahala siya! Basta ako ay hindi aamin sa kasalanan na aking ginawa kahit ano ang mangyari. May souvenir pa akong iuuwi sa bahay at sisiguraduhin ko na hindi malalaman ni Helena na ako ang kumuha ng kanyang underwear.
"Oh, okay. Sabagay, pwede ko namang i-review ang record ng CCTV dito sa bahay namin para makasiguro ako na nagsasabi ka nga ng totoo," ani ni Storm sabay ngisi sa akin.
Napalunok ako ng sarili kong laway sa aking narinig.
"f**k! May CCTV sila? Lagot! Mahuhuli niya akong nagsisinungaling!"
"Knowing you, alam ko kung paano mo gustong lapitan ang kapatid ko. Sinasabi ko na sa iyo ay hindi ka makakaisa kapag narito ka sa pamamahay namin."
Bigla akong namutla sa sinabi ni Storm at lumingon sa gawi ni Helena na nalaglag ang panga. Ngunit kaagad ko ring inayos ang reaksyon ng mukha ko para hindi nila makita na magkapatid na guilty ako. Sa sobrang hectic ng trabaho niya ay alam kong mawawala ito sa isipan niya at hindi na niya maalala. And for Helena, wala siyang patunay na pinasok ko siya sa kwarto niya dahil hindi naman niya ako nakita. Isipin man niya na ako ang humalik sa kanya ay wala naman siyang proof para ituro ako.
"Yeah, you can check, pare. I am not guilty or what. I-check mo lang, sige lang para maniwala ka sa sinasabi ko," ani ko na pinipilit maging kaswal ang aking tono. But deep inside of me ay gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang kaba.
Habang si Helena naman ay kumunot na ang noo at nagtanong sa kanyang Kuya Storm na nagtataka.
"Kuya, kailan pa tayo nagkaroon ng CCTV dito sa mansion?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya habang si Storm naman ay humagalpak ng malakas na tawa.
"Wala pa. Plano ko pa lang naman, little sis." ani niya sa kapatid na natatawa pa rin. Tapos ay nilingon niya ako na tila naging estatwa na lang ako sa aking kinauupuan. Paano, nakatingin sa akin ang lahat ng mga kaibigan namin at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi ni Storm.
"Kinabahan ka ba, Justin?" ani niya habang tawa nang tawa.
Hindi ako umimik. Sinulyapan ko lang si Helena na titig na titig sa mukha ko habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
Putangina! Pinaghihinalaan niya ako na may ginawang kabalbalan sa kanya! Kainis! Pahamak itong si Storm! Nanghuhuli lang pala!
"W-why would I?" I said stammering. Hindi ko napigilan dahil ang lakas ng t***k ng puso ko. Akala ko talaga ay may CCTV camera rito sa mansion nila.
"Wala akong ginawang masama kaya ipanatag mo 'yang isip mo," sabi ko na labas sa aking ilong. Hindi ako aamin hanggang wala siyang ebidensiya.
"Sabagay, may tiwala ako sa iyo at sana ay huwag mong sirain ito."
Tumango ako at nag-thumbs up. Pero guilty ako nang makita kong nakatingin pa rin sa akin si Helena. Matiim ang titig niya sa akin at tila binabasa niya ang laman ng aking utak
"I won't do it, pare. Promise, I will love her so much once na naging kami," seryoso kong sabi. Tumingin ako sa gawi ni Helena at nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi sjya nagkomento this time at ipinagtataka ko ito.
Samantalang noon ay halos talakan niya ako kapag nagsasabi ako ng ganito. Na parang sukang-suka siya at diring-diri sa akin.
Sana naman paniwalaan na niya ang idinudulog kong damdamin. Nagbago na ako at hindi na ako ang dating doktor na una niyang nakilala sa maling impresyon.
Natapos ang hapunan na tahimik kaming lahat. Nagkayayaan kami na mag-inuman habang si Helena ay umakyat na ng kanyang kwarto pagkatapos.
Gusto ko man siyang makausap ay hindi na ako nagpumilit pa para hindi na mas madagdagan ang inis niya sa akin. Iniisip ko rin na nag-iisip siya ng masama tungkol sa akin lalo na at nagbanggit si Storm sa hapag-kainan kanina na umakyat ako para gisingin siya. Alam ko, pareho kami ng iniisip. At hindi ko siya masisi na ganito siya mag-isip lalo na at hindi niya mapagkakatiwalaan ang katulad ko.
Nag-take advantage ako sa kanya kanina habang tulog siya at kung nahuli niya ako sa mga oras na iyon ay alam kong masisira na naman ang diskarte ko. Mas lalo niya akong aayawan at baka hindi na ako makaporma at makalapit sa kanya nang tuluyan.
Hindi ako masyadong naglasing dahil uuwi pa ako ng bahay ko mamaya. Isang oras ang biyahe at baka makatulugan ko ang pagmamaneho kapag nasobrahan ko ang pag-inom.
Hindi na talaga bumaba si Helena sa kwarto niya at nalulungkot ako na hindi ko siya masisilayan. Sabado pa naman bukas at alam kong day off niya hanggang linggo. Lunes ko na siya makikita at alam kong sobra kong mamimis ang presensiya niya.
Pero ayos lang, may souvenir naman akong dala at hindi na ako makapaghintay na amuyin ito at makatabi sa aking pagtulog mamaya.