Kabanata 27. Huwag papapikot.

2031 Words

"Manong, tara na po!" tarantang sabi ko kay Manong Lito nang makababa ako sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan na susundo sa akin. Tumingin pa ako sa likuran ko dahil baka may nakasunod sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala akong makitang Doc Justin na sumusunod sa akin. Thank God! Natakasan ko siya! "Sige, Miss Helena. Pasok na at mukhang bubuhos ang malakas na ulan," wika ng matanda sabay bukas sa pinto sa likuran kung saan ako madalas nakaupo. Tumingala muna ako saglit sa langit dahil sa kanyang sinabi at nakita ko nga na madilim ang kalangitan. Nagbabadya na nga talaga ang malakas na pagbuhos ng ulan dahil malakas ang hangin na tila hudyat na may parating na bagyo. Sobrang dilim, nakakatakot at baka hindi kami makauwi nito kapag biglang bumuhos ang malakas na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD