Parang mas lalo pang humina si Bunsoy. Kaya hindi rin s'ya pwedeng ilabas nang nagpunta kami kanina sa clinic. Hindi raw pwedeng mag-stay kaya pinaalis din kami agad. Sinungitan na nga ni Ginoong Soul iyong babae, pero wala rin naman kaming nagawa. "Aurora, nakapasok ka na ba sa mall?" tanong ni Ginoong Soul sa akin. "Mall?" "For sure hindi pa. Tara sa kabilang bayan. May mall doon." "Ano ba iyong mall?" "Tara, para malaman mo kung ano ba ang mall." Ginagap nito ang aking kamay. Tapos nakipag-usap ito sa lalaking may-ari ng tricycle. "Tara na!" yaya nito. Inalalayan n'ya akong makasakay saka kami umalis. Masikip sa tricycle pero ayos lang, si Ginoong Soul naman ang katabi ko. Panay ang linga ko, unang pagkakataon na lumayo ako sa lugar na tanging kinasanayan ko. Nang maratin