Chapter Nine "A-te, pabili po ng isang supot ng asin." Nangingilid ang luha ko. Lunod na lunod ang puso ko sa labis na lungkot. Pero ganoon talaga ang buhay. May darating at may aalis din. Kailangan lang talagang tanggapin na ganoong ang kapalaran nang na buong pagkakaibigan sa pagitan naming dalawa. Inilagay ng ale sa supot ang asin. "Kulang pa ito." Masungit na ani ng ale. Inabutan ko ito ng sampung pisong barya. Tiyak ako sa bilang ko kaya naman nagtakang tinignan ko ito. "Kompleto po ang bilang ko, Ale. Sampu ang halaga ng iyong paninda. Akin na po ang binili kong asin." Mahina ang tinig na ani ko rito. "Paano mo nasabi? Marunong ka bang magbilang? 'Di ba, taong bundok ka? Bobo kayo." Ani nito. Hindi ko alam kung bakit kailangan akong tratuhin ng ale ng ganoon. Patas naman ako