“Diba paa lang naman ang dapat kuhanan?” paninigurado niya kay Jelain. Tinignan ni Jelain si Hot Temptress kung tawagin.
“Oo,” alanganing sagot nito sa kanya.
He placed his thumb under his chin while staring at the model.
“So maybe she could wear something not revealing? My shots only focused on her heesl, not on her body.” may pagka-estrikto niyang utos kay Jelain na ikinaawang naman ng bibig nito.
Nai-intimidate siya sa totoo lang. Feeling niya there is something in this Hot Temptress na kina-aayawan niya. Pakiramdam niya konektado 'to sa kanya kaya kahit siya ay naguguluhan.
Hinintay niya lang na matapos kausapin ni Jelain ang stylist. Nakita niyang agad din namang pinalitan ng suot itong model.
Naka-dekwatro siya sa isang fordable chair. Nanliliit ang mga mata niyang singkit habang pinagmamasdan ang model pero hindi rin tumatagal ang paninitig niya sa tuwing sumasagi sa isipan niya si Justin.
Kanina niya pa ito hindi nakikita at parang gusto na niyang tapusin ang photo shoot para mapuntahan niya ito sa condo unit nito.
Nababalais siya dahil hindi niya sinasadyang marinig kanina na hindi daw ito makakapasok ngayon na siya naman sanang ini-expect niyang makita ngayong araw.
Kagabi lang sila nag hiwalay pero nami-miss na agad niya ang amoy ni Justin.
“Let's shoot one more time, Rik.” untag sa kanya ni Jelain kaya biglang bumalik ang wisyo niya.
“Okay, then.” aniya sabay tayo. Pinunasan niya uli ang lens ng kanyang camera. While the model is quietly poses hindi niya mapigilang pasadahan ito ng tingin. Naakit siyang titigan ito. Gustong-gusto niyang hablutin ang maskarang nakatabing sa mukha nito para masiyahan siyang makita kung sino ba talaga ang babaeng ito sa likod ng mapanlinlang na maskara.
“Straighten your leg before raising the heel of your shoe slightly,” mando niya sa naka-maskarang modelo. Sinunod naman siya nito. Sinipat niya ulit ang anggulo pero mukhang hindi parin siya kontento. Napa-iling siya bago hinayaang nakasabit ang camera sa kanyang leeg.
Napatingin sa kanya si Jelain ng akmang hahakbang na siya para sana siya ang aayos ng anggulo pero alertong humakbang si Jelain!
Hinarangan siya nito at ito ang nag squat para ayusin ang gusto niyang anggle.
Natigilan siya at basta napa-urong. Parang bigla siyang napahiya pero kailangan niyang ayusin ang trabaho niya para just incase hindi naman siya mapahiya kung sakali.
“Okay na?” naka-thumbs up na tanong sa kanya ni Jelain. Tumango siya bago na kontento na sa pagkuha ng ilang shot's.
Ngumuso siya habang nire-review niya ang mga nakuha niyang litrato.
“Great, let's wrap up.” ani ni Jelain nang makitang ayos naman lahat ng mga kuha niya.
“W-wait,” habol niyang imik kaya napatingin si Jelain.
“If you don't mind pwedi ko bang mahingi ang contact number ni Justin?” lakas loob niyang sabi.
Napatingin si Jelain sa mga stylist na kasalukuyang inalalayan ang modelo para makatayo. Ibinalik ulit nito ang paningin sa kanya.
“Sure.” sambit nito sabay kuha ng cellphone sa bulsa nito.
He is content now that he knows Justin's phone number.
Mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit. Nilagay narin niya ang kanyang laptop sa bag niya bago mabilis na tumungo sa elevator.
Nasasabik siyang puntahan si Justin. Na-miss na niya ito at gusto na niyang mayakap ang babae.
Minutes passed, dumaan lang siya sa isang flower shop. He wants to surprise Justin kaso nangangati itong kamay niya dahilan para tawagan ito ng gano'n kabilis!
“Hey...asan ka?” aniya nang makapasok sa loob ng kanyang sasakyan.
“N-nasa labas ako, Rik, why?”
Naningkit ang kanyang mga mata. Sa halip na paa-andarin na niya ang kanyang kotse biglang umurong ang mga kamay niya.
“Saan ka?”
“May kinita lang akong kaibigan. Bakit? Pauwi narin naman ako.”
“Sino, saan?” iritado niyang tanong.
Nababarino siya ng gano'n kabilis without knowing the facts and whys. Napahilot siya sa kanyang magkabilang sentido.
“I'm driving Rik at malapit na ako sa condo. Will talk later, okay?” ani nito.
Napabuntong hininga siya nang makitang call ended na ang tawag.
Barino man siya ay nagawa niya paring tumuloy papunta sa condo ni Justin. Mayroon sa sistema niya na kailangan lamang ma-kontento ito kapag nakita niya si Justin.
Sunod-sunod niyang pinindot ang doorbell. Gahis na gahis na siyang makita si Justin dahil simula kanina nag o-overthink na siya kung sinong nilalang ba na kaibigan ang kinita nito.
Damn! He is frustrated right now!
Biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa kanya si Justin na hindi pa nakakabihis. Inisang hakbang niya ang pagitan nila. Namilog ang mga mata ni Justin nang basta niya ito idinikit sa ding-ding. Ang isa niyang kamay ay hawak-hawak parin ang bulaklak samantalang ang isa ay nakahapit na ngayon sa bewang nito habang mariin niya itong hinahalikan.
Naging agresibo siya sa hindi malamang dahilan. Nagiging bastos na siya sa tuwing naiisip niya palang si Justin! He is not like that before! Naadik siya sa amoy nito kung kaya't nagugulo ang isipan niya pati ang sistema niya.
“A-ano bang problema mo at bakit ura-urada kang ganyan?” naguguluhang tanong sa kanya ni Justin nang ito mismo ang kumalas sa panghahalik niya. Umagwat ito ng ilang dangkal mula sa kinatatayuan niya.
“Hindi ko rin alam, Tin. Nami-miss kita at nag didilehiryo ang utak ko nang sinabi mong may kinita kang iba.” depensa niya bago iritadong napayuko.
Napatingin siya sa suot na sapatos ni Justin at kung hindi siya nagkakamali ay iyon din 'yong style na kinuhanan niya kanina.
Strange pero sa tuwing maaalala niyang hindi imposible na magkaroon ng gano'ng sapatos si Justin dahil alam niyang empleyado naman ito sa kumpanyang iyon.
“Nagiging marahas kana, Rik.” parang dismayadong saad ni Justin sa kanya.
Naiangat niya ang kanyang paningin. Hawak niya parin ang bulaklak at parang nawalan siya ng lakas para ibigay iyon kay Justin.
“Nami-miss kita Tin, hindi mo ba halatado 'yon?” aniya habang pigil ang sarili na hindi maging iritado.
Napamaang si Justin pero tuwid paring nakatingin sa kanya.
“So required na dapat kapag nami-miss mo ako magiging gano'n ka karahas?” kalmado nitong saad. Natameme siya. Para siyang basang sisiw na basta napayuko.
“Feeling ko katawan ko lang naman ang nami-miss mo,” mahinang sabi ni Justin dahilan para mas lalo siyang matigilan at matahimik.
Well siguro totoo naman.
“Aminado akong nagiging bastos na ako dahil sa'yo. Binigyan mo ako ng dahilan na masarapn sa'yo Tin, and I'm sorry kung gano'n ako. S-sa'yo lang naman ako nagiging ganito..” bulgar niyang pagkakasabi at wala siyang paki-alam kung ano man ngayon ang paningin sa kanya ni Justin.
He got a heat that only Justin can give to him. Si Justin lang ang nagpapatígas ng kanyang kalamnan at kahit iniisip niya palang ang mapupulang labi nito ay tinitigasan na agad siya!
“Adik ka sa sēx ang ibig mong sabihin.” may diing sabi ni Justin bago siya nito nilampasan. Nagmura siya ng mariin ngunit mahina.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang umupo ito sa sofa.
“Alam ko at dahil 'yon sa'yo. Binibigyan mo ako ng dahilan para uminit sa'yo.” bulgar niya ulit na pagkakasabi. Nanatili siyang nakasandal sa ding-ding na inalisan ni Justin.
Pinaningkitan siya nito ng tingin na para bang binabalaan tungkol sa pagiging bulgar niya.
Naiiling na hinubad ni Justin ang suot nitong latest model na Hot Temptress at sa huling pagkakataon titig na titig na ulit siya kay Justin.
Sumagi sa isipan niya ang nakamaskarang modelo kanina.
Naguguluhan siya sa mga puzzle na naiisip niya.
In the way Justin takes off her shoes, he is as attracted as he felt earlier to the masked model.
Bigla siyang napalunok bago paman manigas ang kanyang lalamunan. Nanalaytay na naman ang kamunduhan sa kanyang sistema! Adik na nga talaga siya dahil iniisip niya na si Justin at yoong modelong naka-maskara kanina ay parang iisa lang!
Hindi naman kasi siya mag-iisip ng ganyan kung hindi niya parehas na nararamdaman ang mga bumabagabag sa kanyang kaisipan.