Chapter 1

1123 Words
Tiningnan ko si Lilac at nakangisi lang siya sa 'kin. Hindi ako natutuwa at ngayon ang usapang magkikita ang pamilya namin. Si Lola ang nag-host ng dinner kaya wala na rin akong magagawa. Nagsuot lang ako ng puting tight shirt at jeans na pinaresan ng sapatos. Nag-away pa nga kami ni Lilac kasi gusto niyang magsuot ako ng dress eh ayaw ko nga. Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok at ganoon lang. Ayaw kong mag-expect sila sa 'kin. "Let's go girls," aya ni Papa sa 'min. Tumayo naman si Lilac at nilapitan ako. "Tara na, mukhang hinihintay ka na ng future husband mo," kinikilig niyang saad. Napaikot ko naman ang aking mata. Gusto ko siyang sakmalin loko siya. "Tikom mo 'yang bibig mo at hindi ako natutuwa." Umalis na nga kami at pumunta sa bahay ni lola. Kinakabahan ako pero kinakalma ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng mapahiya roon lalo naman sa walang hiyang Jeremiah na iyon no. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang pambabasted niya sa 'kin noon. Lintik lang ang walang ganti. "Lalim ng iniisip ah. Ini-imagine mo na ba ang meeting niyo?" wika ni Lilac at may panunukso pa sa boses. Inis na inambahan ko siya ng suntok. "Mommy! Ayan na naman si Ate oh. Ang gaan-gaan ng kamay. Kalalabas ko lang ng hospital mambabatok na naman," reklamo niya. Kaagad na sinamaan ako ng tingin ni mama. "Wow!" inis kong saad at tumingin na lamang sa labas habang nagbibiyahe. Pagdating nga namin ay lalo akong nawala sa mood. May isang hindi pamilyar na sasakyan ang nakaparada. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Kaagad na nagbatian silang lahat. Umupo lang ako sa gilid at nag-busy-busy-han sa phone ko. Ayaw kong makipag-usap nino man. Hindi ko lang lubos maisip na sa isang iglap lang bigla na lang nilang kinontrol ang buhay ko. Naiinis ako pero ano ba ang puwede kong gawin? "Daisy halika," tawag sa 'kin ni Mommy at Daddy. Tamad na tumayo naman ako at lumapit sa kanila. Sinadya ko talagang mag-cellphone para ma-turn off sila sa 'kin. Para ayawan nila ako para sa anak nila. Iyan na lang ang nakikita kong paraan. "Daisy, mamaya na 'yang phone. Meet your Tita Sarah and Tito Jerome. Balae, ito naman ang eldest ko si, Daisy. Your soon to be daughter in-law," pagpapakilala ni mommy sa 'kin. Ngumiti naman ako nang tipid sa kanila. Mukha naman silang mabait pero gusto kong bad ang impression nila sa 'kin. "Ang gandang dalaga. Siguro magaling ito sa eskuwela. Naaalala ko kasi nu'ng elementary pa 'to laging kasama sa mga top notchers," wika ni Tita Sarah. Naaalala pa niya 'yon? Nahihiyang ngumiti naman ako. Gone all those days. Hindi na ngayon. Isa na akong palamon na estudyante. Lamon ang bumubuhay sa 'kin hindi grades. "Hello po," tipid kong bati. "My son is here also. Tumulong lang sa kusina at mahilig talagang magluto. Oh he's here, Aya!" Napalingon naman ako at lumabas ng kusina ang lalaking nakasuot ng baston jeans at puting polo na nakatupi hanggang sa siko niya. Matangkad at prominente ang tayo. Makinis ang balat at napakaguwapo ng mukha. Para siyang anghel kahit wala naman talaga akong idea kung ano ang mukha ng anghel. "Ahem, bawal titigan baka matunaw," pahapyaw na saad ni Lilac. Pinanlisikan ko naman siya ng mata. Tawa lang siya nang tawa. Kung hindi lang kasi siya isa't kalahating KSP siya sana ang nasa kinatatayuan ko ngayon. "Hello po Tito, Tita," bati niya. Ngumisi naman ang mga magulang ko. Ang pa-plastic talaga. Halos sambahin na lang nila sa papuri. "Hello Daisy," aniya sa 'kin. Hindi ko naman siya tiningnan at kumaway lang saglit. Pabalik na sana ako sa upuan katabi si Lilac nang pigilan ni mommy ang kamay ko. "Jeremiah, mag-usap muna kayo nitong anak ko. Balita ko kasi eh binasted mo nu'ng elementary kayo kaya masama ang loob," saad niya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mommy. "Mommy, ano ba?" untag ko. Nakakahiya. Gusto kong matunaw sa pinagsasabi niya. Humalakhak naman si Lilac sa narinig. Humanda sila sa 'kin mamaya talaga. Tiningnan ko si Aya na nakangiti lang. Kaagad na sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag kang feeling. Bata pa ako noon. Hindi ko pa alam ang kaibahan ng mga lalaki," depensa ko. Hindi siya nagsasalita pero naiirita ako sa ngiti niya. "Huwag kang ngumiti at para kang tanga," sabi ko at tinalikuran na siya. Umupo na ako sa couch. Ang tagal magsimula ng dinner. Nagulat naman ako nang umupo siya sa kaharap kong upuan. "You didn't change. Still the grumpy Daisy I used to know," aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "FYI, 'di tayo close. Huwag ka ring umasa na magiging close tayo," sagot ko. "We will, kailangan nating magkaintindihan dahil ikakasal na tayo," sambit niya. "Neknek mo," sagot ko at itinuon ang pansin ko sa cellphone. "Hi Kuya, pagpasensiyahan mo na ang Ate at mukhang apektado pa rin sa nangyari noon eh," saad ni Lilac. Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang balakubak ko sa ulo sa sinabi niya. "Lilac," I warned her. "Sus! Kunwari pa si Ate eh titig na titig ka pa nga kanina kay, Kuya eh. Akala mo siguro hindi namin napansin no? Ang pogi niya ano?" Lintik na kapatid na 'to. Talagang makakatikim siya sa 'kin mamaya. "Magkaiba ang titig sa tingin. Huwag kang maniwala sa kaniya, Jeremiah at baliw 'yan. T'saka mas bagay kayo sa totoo lang. Sabihin ko kaya kay, Mommy at Daddy? Tutal mukhang close rin naman kayo eh. Mas mabilis kayong magkasundo. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay ko. Oo nga pala Jeremiah, ano payag ka ba? Ako na ang magsasalita mamaya. Sure naman ako maiintindihan nilang lahat," saad ko. Mabilis na sumagot naman si Lilac. "Ito naman hindi na mabiro...chill lang kasi eh. Napaka ano mo," wika niya at mabilis na umalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Aya. Nag-cellphone na lang ako at ayaw ko siyang tingnan. "What makes you agree to this set up?" tanong niya. "Hindi ba halatang pinilit nila ako? They blackmailed me into marrying someone na hindi ko naman kilala," sagot ko. "You know me now," saad niya. "I don't care." "You really took it to heart. We're too young before. Hindi ko naman alam kung ano ang..." "Naniniwala ka talaga sa pinagsasabi nila? I'm a mature woman now. Ano ba sa tingin mo? I don't hold grudges over petty things. Isa pa, ang tagal na nu'n. Sinabi mo nga we're too young before. Hindi ko pa alam ang talagang gusto ko sa buhay. And honestly speaking I don't want to marry you. Napilitan lang akong um-oo dahil iniipit nila ako, okay?" Wala na akong pakialam kung ano ang iniisip nila sa 'kin. Talagang nananaig ang inis ko sa lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD