S q u a r e F o u r ( S H E )

2451 Words
May emergency meeting sa bangko si Eric kaya pagkatapos naming mag-coffee sa Tiffany's, hindi na ako nagpahatid sa office. "Good morning, madam." Bati ng mga empleyado. "Good morning!" masiglang bati ko. "This came yesterday afternoon. They're planning to purchase one of the major mortgage plans we have in Paris." Halos kakaupo ko lang sa station ko nang biglang sumulpot 'tong si Medusa. Hindi ko siya namataan kahapon. Siguro ganoon talaga kapag maganda ang panahon, walang masamang hangin. "Thanks. Leave it there." "Madam, you need to check this now because these Japanese men are waiting for a response. And they have to get it as early as 9am." Lumingon ako sa kaniya. "I said, leave it there. I'll take care of it." "Why can't you just check it now while waiting for that damned computer to turn on?" Aba, impaktitang 'to! Napalingon ako sa paligid namin at medyo nagtitinginan na ang ibang mga tao. Kagagahan man na gawin siyang head sa Customer Intelligence Department (CI), unfortunately for me, things are working out quite productively in that area simula mailagay siya. She's really doing her job. It's the only reason I'm keeping her anyway. At kapag ganitong nag-i-in-English na naman ako sa isip ko, alam niyo na. "You have to understand that you're working as a head of your department. As the one who leads your group of people, it is important that you show them how you are as a role model. If you can't respect me as your leader or even as a person in general, how would your team respect you? If you can't be an innovative team member, how else would you become an effective leader?" Nakipaglaban siya ng titigan sa'kin. "Get back to work or you're fired," mahinahon na pagkakasabi ko. Binagsak niya ang folders sa table ko at umalis na kasunod ng mga mata ng mga emplayado sa floor ng Loss Mitigation Department (LMD). Nang magsara ang pinto pagkalabas niya, biglang nagpalakpakan ang mga abnormal na tsismoso't tsismosa na nakapaligid sa'kin. "Show's over. Get back to work," utos ko. Madalas maganap ang ganito kapag wala si Eric sa opisina. Minsan na kasi niyang binara si Medusa kaya ayaw nang umulit ni gaga. Paano ba naman kasi, kwento ni Eric, hinawakan daw siya sa mga balikat ni Medusa habang hinihintay ako dito sa station ko. E, alam niyo naman si impakto, ayaw na nahahawakan ng iba kahit dulo ng kuko. Ayon, na-sermon galore si Medusa tungkol sa work ethics, code of conduct, and proper office etiquette. Sabayan niyo pa ng tumataginting na love letter para sa Incident Report. Iba talaga si boss. "Nag-lunch ka na ba?" Pinatay ko ang screen ng computer pagkatapos mag-send ng napakaraming emails at binitbit na ang report ni Medusa pababa sa floor nila. Masakit na rin ang mata ko. "Hindi pa. May dadaanan ako saglit tapos lunch na. Ikaw?" tanong ko kay impakto sa phone. "Ah... Ano... Lunch ka na after diyan, ha? May inaayos pa kasi ako dito. See you later." Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagduda sa sagot niya. Siguro dahil hindi naman nauutal 'tong si Eric kapag nag-uusap kami ng casual sa phone. O baka dahil inaasahan kong pagalitan niya ako dahil 2pm na at ayaw niyang nalilipasan ako. O kaya naman siguro, dahil sa isang sulok ng utak ko, inaasahan kong yayain niya ako. "Okay," alanganing sagot ko. "Take care." 'Yun lang at binaba na niya ang phone. Hindi ko alam kung saan ako unang mabu-bwiset. Do'n ba sa pagbaba niya ng phone nang hindi man lang hinihintay ang sagot ko? O dahil hindi siya nag-I love you? Either way, it's too late to think about which because I'm already pissed off. See? I'm in English mode again. "Ma'am, may two pesos po kayo?" Inabutan ko ng dalawang piso ang cashier ng 7-eleven. Pagkatapos mabadtrip sa tawag ni Eric, naisip kong hotdog sandwich at Mogu-Mogu lang ang gusto kong i-lunch para makabalik agad sa trabaho. Sa pantry na lang siguro ako kakain. Pagkalabas ko sa store nila, bigla akong kinabahan. Alam niyo 'yung pakiramdam na parang may nakatingin? Tae. Ang creepy lang. Dahil dito, napalingon ako sa paligid ko. Nakakapagtakang mas kinabahan ako nang wala akong makitang tao dahil isang busy place ang BGC at never nawawalan dito ng tao. Natakot ako dahil baka may mangyari sa'king 'di maganda tapos walang makakatulong sa'kin. Naglakad na lang ako ulit nang mabilis. Mahirap nang baka ma-rape ang beauty ko dito, hindi ko pa natitikman ang yummy na katawan ni impakto. Maya-maya pa, naramdaman kong may tumakip sa ilong ko gamit ang isang panyo... Pakshit. Ngayon ko lang naramdaman 'yung mawalan ng malay dahil sa epekto ng kemikal na nakalagay sa tela. Nawala na ako sa ulirat at nang magising, nasa loob na ako ng isang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ako makagalaw, ang sakit ng ulo ko. Naisip ko bigla si Eric. Naalala ko, huling usap namin kanina, hindi ko nasabing mahal ko siya. Baka huling pagkakataon ko na 'yon, hindi ko pa nasulit. Parang mas naiiyak tuloy ako dahil do'n kesa sa sitwasyon ko ngayon. "s**t," wala sa loob na nasabi ko habang sinusubukang i-angat ang kamay para masapo ang noo, pero walang laban na bumagsak lang muli ito. Nasaan ba ako? Hindi ko alam, malamang. Pero alam kong kwarto 'to at alam ko rin na nakahiga ako sa isang kama. Sosyal na kidnapper 'to, pinagpahinga muna ako. Sana hinayaan niya din munang maubos ko 'yung hotdog sandwich ko, 'no? Habang nag-iisip ng kung anu-ano, hindi ko namamalayan na nawalan na naman ako ng malay. Pangalawang beses na, siguro hindi pa nawawala 'yung epekto no'ng kemikal na 'yon. Nang magising na naman ako, at saka lang nag-sink in sa'kin lahat... HOLY s**t, I'M KIDNAPPED! Dito na ako nag-umpisang kabahan nang sobra. Thankfully, nakakagalaw na ako. Isang maliit na lampshade lang ang nakailaw sa bedside table kaya hindi nito naiilawan ang buong kwarto. 'Yung puso ko parang any moment now, tatalon na palabas sa dibdib ko. Ano bang nangyayari dito? Tae. Nilibot ng mga mata ko ang paligid. Naghanap ako ng mga pwede kong gamitin pang-self defense kung sakali. Masyado atang cliche kung 'yung lampshade ang gagamitin kong panghampas sakaling may magtangka. Pero iisipin mo pa ba 'yon kung nandito ka na sa ganitong sitwasyon? Pucha ang gandang kwarto naman nito para pagtaguan ng na-kidnap. Ba't naman kasi ako napunta dito? Hindi naman ako isang importanteng tao. Hindi rin ako anak mayaman dahil wala namang ibang nakakaalam na anak ako ni Alfred Mariano. Maliban sa babae ako, wala na akong maisip na dahilan para ma-kidnap and this fact consumes my whole body in horror. Hindi kaya...? "Princess Ariel Inoue Mariano." What the... He knows me?! Nagsumiksik ako bigla sa kanto ng kama nang marinig ang isang malamig na boses ng lalaki. Tuyo na lalamunan ko pero nagawa ko pang lumunok nang makailang beses bago ako nakasagot. "S-sino ka? N-nasaan ka? Anong kailangan mo sa'kin?" Wala sa sariling hinawakan ko 'yung lampshade sa base nito. Bahala nang cliche. Kesa mamatay akong walang laban dito magiging horror at thriller pa ang kwento ko. Hindi ko siya maaninagan pero alam kong nasa madilim na bahagi siya ng kwarto. "Relax. I wouldn't harm you," sagot naman niya. In fairness sa kidnapper na 'to, nag-i-English at ang sexy ng boses. Unless iniutos niya sa iba ang kidnapping scheme. "Sino ka nga? Alam mo, hindi ako magdadalawang-isip na saktan ka kapag may ginawa kang hindi maganda. Magpakita ka," pananakot ko pa. Bigla siyang natawa. "Oh, I'm scared, alright." Nang marinig ko 'yung parang tunog ng tumayo mula sa bakal na silya, napalingon ako sa direksyon na 'yon at unti-unti akong nakakita ng figure ng isang matangkad na lalaki na naglalakad palapit. Kasing tangkad siguro ni Eric. Pero hindi ko makita ang mukha niya dahil tumigil siya sa eksaktong pwesto kung saan nagfe-fade 'yung liwanag. Hinawakan ko nang mas mahigpit 'yung lampshade. Tae, 'wag naman po sa ganitong paraan. Patayin niyo na lang po ako sa konsumisyon kay impakto ko 'wag lang sa ganito. "You have an unseen stranger in an enclosed room and your idea of self-defense is a lampshade?" mapang-guyang tanong niya. "I'll take my fvcking chances," sagot ko pa in English. Minsan, naiisip ko, hindi lang Bipolar Disorder at OCD ang nakakahawang sakit sa'kin ni Eric. Pati Englishititis niya, sinasalo ko na. "Really, Princess. You don't need that, I guarantee. It's no use if I had a gun or a knife, anyway." "Sorry, ha?" sarkastikong sagot ko rin habang pilit pa rin siyang inaaninagan. "I-inform mo naman ako sa laman ng imagination mo. Did you really think that a random customer from 7-eleven will actually fish out guns from her pocket during her interrogation after being abducted? What, did you expect me to be James Bond? Stupid," I can't hide the tenacity in my voice. Bigla na lang akong nagalit at natakot na magkasabay kaya siguro ganito ako katapang sumagot ngayon. And seeing Eric in the back of my head, thinking how he would react if he was here, ganito ang naging resulta. This is very Eric of me and I find myself too proud of my bravery. Indeed, being Eric in a situation like this will make you an impatient man's target in less than a minute. "Oh, come on, Princess. We both know you're not just a random customer from 7-eleven," makahulugang  banat niya. Biglang bumigat ang kabog sa dibdib ko. Tinutukoy niya ba ang pagiging Mariano ko? "How's your family?" tanong pa niya. Weird. I've never been asked about family after a person establishes that he knows my real name. Ibig sabihin lang nito, biological family ko nga ang tinutukoy niya. Kailangan kong kumalma. Hindi ko pwedeng ipakita na natatakot ako. "Anong kailangan mo sa'kin?" matapang na tugon ko habang umiiwas sa tanong niya. Tae. Ang hirap kumalma when you're anything but. "I'm asking you exactly what I want. How's your family and why are you not with them? Do they know who you are?" Kung hindi niya binanggit agad ang pangalan kong may 'Mariano' sa dulo, unang papasok sa isip kong na-kidnap ako dahil kay impakto. Money matters, mga ganiyan. Syempre kalat na kalat sa magazines at kung saan-saan pa na nasa top twenty-five eligible bachelors and business tycoons ang fiance kong bugnutin. Hindi na nakakapagtaka kung may mga dumating na threat sa buhay ko dahil sa pagmamahal ko sa kaniya at kasama na 'to sa mga katotohanang niyakap ko nang maintindihan ko ang nangyayari sa pagitan namin. Pero para mamatay ako dahil sa iniisip nilang isa akong Mariano, ito ang hindi ko matatanggap. Una, wala silang mapapala. Pangalawa, kailanman hindi ko na muling ikinunsiderang isa akong Mariano. Tae, sana hinintay muna ng ulupong na 'to na maikasal ako para naman mamatay akong masaya. "Kapag sinagot ko ba ang mga tanong mo, papakawalan mo 'ko?" Alam kong bihirang may nangyayari sa mga kidnapan scenes na pinapakawalan pa ang biktima pero kailangan kong subukan. After all, kung papatayin man niya ako, gagawin pa rin niya whether I ask this or not. But in the back of my head, I have this silly feeling that he's really not going to hurt me. I feel like he just needs something that I'm not sure if I can give. "Sagutin mo man o hindi, papakawalan pa rin kita. Anong tingin mo sa'kin, kidnapper?" Wala sa loob na napaikot ang mga mata ko. For a moment, nawala sa isip kong kidnapping victim ako dahil parang nakakalimutan din niyang kidnapper talaga siya. "Gago ka ba? Anong tawag mo dito sa ginagawa mo?" Bumalik ang kaninang kaba nang bigla siyang kumilos muli palapit sa kama. Tae, sa lahat naman ng kidnapper, ito lang ang hindi naka-pormang pang-goons. Naka-suit pa talaga. Black pants, white shirt, at black suit. Samahan na natin ng black shoes at black tie. At nang makalapit na siya sa paanan ng kama... "Holy fvck," I gasp in shock. Sinong hindi mabibigla? Makakita ka ba naman ng Adonis sa gwapong kriminal, baka masabi mo na lahat ng mura. Kasing edad lang ata niya si Eric. Hindi ko tuloy malaman kung nai-intimidate ba ako kaya ako kinakabahan o dahil natatakot pa rin akong baka may gawin siyang masama. Kahit pa gwapo siya, kidnapper pa rin siya. At mas gwapo pa rin si impakto. "Do you mind?" Hindi pa ako nakakasagot, umupo na siya sa kama pero malayo pa rin ang distansya namin sa laki nito. "Ayan, nakikita mo na ako. Can you let go of that ridiculous lampshade now and answer my questions?" Napalunok na naman ako. May certain sound of authority sa boses niya na kagaya ng naririnig ko kay Eric when he's acting like the boss that he is. Wala sa loob na binitawan kong marahan ang lampshade at nagsumiksik muli sa isang kanto ng kama. Tae, ba't ba ako nakakakilala ng mga impaktong ganito? Konti na lang papangalanan ko na 'tong impakto number two. "Sabi mo kahit hindi ko sagutin, pakakawalan mo 'ko. So bakit ko pa sasagutin? Abnormal ka ba?" Ngumisi siya na parang demonyito at hindi ito umabot sa mga mata niya. Pamilyar. Pamilyar ang mukha niya. "You will answer my questions because I'll be answering yours in exchange. Questions like who am I, and why I brought you here." Deep down, alam kong napukaw niya ang atensyon ko. May isang bahagi sa'kin na nagsasabing kailangan kong malaman kung sino siya dahil hindi siya magdadaan sa ganitong gulo kung trip lang niya. Lalo't mukhang may pinag-aralan siya. Tae, ano bang isasagot ko sa ulupong na 'to? "Hindi nila alam kung sino ako pero si Aurora, alam niya. Sino ka ba?" "Aurora? That's your sister, right?" Napa-cross arms ako. Wala na, hindi na ako masyadong kinakabahan. Parang feeling ko, medyo in control ako sa sitwasyon ko. "One answer, one question. Sino ka?" pag-uulit ko. Napangisi na naman siya. "Fair enough. Let me start off by saying that Alfred Mariano is not your real father." Inayos niya 'yung kwelyo ng suit niya bago nagpatuloy at sinabing... "I'm Katsuo Ichiro Fujiwara San Juan... your biological brother from another mother." Natulala ako sa sinabi niya. Fujiwara? Pakiramdam ko, nawala ako sa Earth. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko o kasali ang hallucinations sa side-effect no'ng na-singhot ko kanina. Kung hindi ako nagkakamali, F stands for Fujiwara sa isang Japanese-Filipino organization na kinabibilangan ni daddy, FIMSS Org. Nang manatiling seryoso ang mukha niya, dito ko na na-realize na nagsasabi siya ng totoo. Sa mga mata pa lang namin, kahit hindi ako tumingin sa salamin ngayon, alam ko nang malaki ang pagkakahawig namin. Sa isang iglap, namanhid ang buong katawan ko. WHAT. THE. HELL. My whole life was a lie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD