Sooner or later, I have to leave Fuentebella Empire to run my father's with Ichiro's help. Pagkatapos ng iyakan moment ko with my real dad, I finally realize that this is a piece of him that he wants to pass onto me, and in return, I was able to convince him to accept the two of us. Ang ibig kong sabihin dito ay ang pagiging engaged namin ni Ichiro sa ibang tao. Inamin rin ni dad na tinanggap na niya si Mickey after offering her a huge amount of wager to stay away from Ichiro and she refused. But he's worried that it's Mickey who's not going to accept his apology.
Mabait naman si Mickey at nasisiguro kong maiintindihan niya ang lahat. Mahihirapan siyang mag-adjust sa klase ng buhay na meron si Ichiro but she'll eventually get used to it. Ang hindi ko sigurado dito, paano ako? Masasanay ba ako sakaling tanggapin ko na ang totoong buhay na meron ako? Paano si Eric? Hindi naman sa kailangan ko siyang iwan pero kasi, dahil sa mga katotohanang 'to, alam kong balang araw, kailangan kong gawin ang responsibilidad kong ipagpatuloy ang legacy ng totoo kong ama. But how do I take care of Fuentebella's mortgage and San Juan's businesses both at the same time when they're both players of the same competitions?
Malabo pa ang sagot ngayon. But one thing is for sure. I have to sacrifice one life to live another.
Sa ngayon, I'll prioritize the present. And speaking of, I need to keep my focus on Eric who doesn't seem to be in his usual self. Naninibago talaga ako kay impakto ngayon. Kung ano man ang hipnotismong ginawa ni Ichiro sa kaniya, natutuwa akong naisipan na niyang makipag-ayos sa pamilya niya.
"Basta 'wag daw tayong mawala sa Saturday kasi birthday celebration ni Fernandez," sabi ko kay Eric habang nilalagay ang phone ko sa bag.
Pagkatapos mai-park ang sasakyan sa garahe ng mga Fuentebella, pinagbuksan pa ako ni Eric ng pinto na parang akala mo, normal na normal sa kaniya ang maging gentleman. Sinalubong kami ng pagbati ng mga housemaids at ang isa sa kanila ay tinawag ang Mama niya na nasa third floor pa.
Magkasabay na bumaba sa unang living room ang mga magulang ni Eric. Lahat sila ay nagtatakang napatitig sa kaniya.
"Iwan ko muna kayo. Good luck, my mac." Humalik ako sa pisngi ni Eric. Tumango lang siya nang may alanganing ngiti, at ngumiti rin ako para palakasin ang loob niya. "Magandang gabi po, Mr. and Mrs. Fuentebella. Sa garden lang po ako."
Sinenyasan ko din ang mga nakaabang na housemaids na magpulasan muna kasi may 'confidential talk' na magaganap. At bilang pag-galang sa privacy ni Eric, sinara ko ang malaking pinto ng living room at naglakad papunta sa pool side. Dito ko natagpuan si Cash habang nakaupo at nakababad ang mga binti sa pool.
"Hi, buko," pagbati ko.
Lumingon siya sa'kin at ngumiti nang tipid. "Hi. Nandito ka pala. Kasama mo si James?"
"Oo. Nasa loob siya kasama ang Mama at Papa mo. Nag-uusap sila. Kumusta ka na?"
Nag-iwas siya ng tingin. Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang sigarilyo. "I'm okay. I'll be taking my pre-exams on Monday, a week after next. At kung papayag ang board, I'll pay any price para makapag-MCAT agad," seryosong sagot niya.
Hindi ko na rin napigilang itanong. "Is something bothering you? You have been... different lately."
Nagpakawala siya ng mapait na tawa. TAE NALASAHAN KO ANG PAIT. "Buko, napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Si Michelle lang ang pinoproblema ko. That's all."
Tinitigan ko siya. Alam ko kasing pinipilit lang niyang ipaisip sa'ming lahat na alam namin ang problema niya pero ang totoo, wala kaming idea. "This isn't just about Michelle, is it?"
Yumuko siya. "Whatever it is, can we just let it go? Can we just pretend that it's the only thing in my mind right now?"
Parang ang hirap naman atang gawin 'yon. Tama nga ako. May ibang dahilan pa. "Hindi na ikaw 'yung Cash na nakilala ko noon."
"That's funny because this is exactly how I used to be in here before you even met me."
Napakunot ang noo ko. "Ha?"
Tumawa na naman siya. "Wala. Nasaan na ba si James?" pag-iiba niya.
"Cash, anong problema?" pagpupumilit ko naman. If I was a Psychology student, I would not have forced him. But I took Political Science. My eagerness to dig into the truth hole is greater than my desire of becoming an icon for the understanding persona. OKAY NOSEBLEED.
"Please, let it go." Tumingin siya sa'kin at seryoso pa rin ang mukha niya. "Let this go, Ate Ariel."
Napukaw naman ang damdamin ko sa pagtawag niya sa'kin. Tae. Para bang ipinamumukha niyang sana maging parang ate muna ako ngayon na iintindihin na lang ang pagmumukmok niya at 'wag nang magtanong pa. "Tell me about it when you're ready, alright?" nakangiting sabi ko.
Tumango naman siya. "Alright. Thank you."
Habang naghihintay para kay Eric ay pumasok muna kami ni Cash sa second living room nila at napansin ko ang stack ng magazines sa center table. Naka-agaw ng pansin ko ang Gold Club Fifth magazine na nasa ibabaw ng mga 'to.
"Fishball? Gusto mo?" masiglang alok ni Cash.
"Tubig lang ako, buko," nakangiting sabi ko at umupo sa isang sofa katapat ng center table. Dinampot ko 'yung magazine.
Gray ang kulay ng magazine na 'to at pati ang cover model ay nakasuot ng gray suit. Black shirt sa loob, silver tie, at charcoal gray coat. Naka-set nang maayos ang buhok niya, nakasuot ng reading glasses na bagay na bagay sa hugis ng mukha niya, at may pilyong ngiti habang naka-hawak ang kamay sa necktie. Matalim din ang sulyap ng kaniyang mga mata na tila ba iisipin mong may ginagawa siyang hindi maganda sa isip niya. Halos malaglag na lang ang mga mata ko nang ma-realize ko kung sino 'to...
"CASH?!"
Sinundan ko ang pahina na sinasabi sa cover:
"Cash Fuentebella, one of the smartest eligible bachelors of Asia, tops the first place for the 'Five Highest Net Worth of the Year' in his young age. (See page 147)"
Manghang-mangha kong binuklat ang magazine hanggang sa makarating ako sa page 147 kung saan naka-lista ang Asia's Five Highest Net Worth of the Year...
•Doctor of Medicine Graduating Student of UST
•Free-Lance Model
•Sketching Enthusiast
•Front Man of UST's Best Dance Group, 'Hacienderos'
•Taguig City Mayor's Youngest Son
Cash Fuentebella takes the first place of the top five bachelors under 25 y/o in Asia with highest net worth. Outstanding two Chinese, one Japanese, and another Filipino, Cash earned about $9.7 Billion at the year-ender tally, exceeding his brothers who were also youngest of the Asia's Billionaires when they were in his age (with businessman 'Fuentebella Empire' owner, Engr. James Eric Fuentebella, of $7.8 Billion, and Dentistry Cetral of the Philippines professor and Dentist, Dr. Jace Eirin Fuentebella, of $7.7 Billion).
Twenty-four-year-old, Taguig City Mayor Romulo Fuentebella's son, Cash, is also a dancer, sketcher, model, youngest of the three siblings, and about to practice Neurosurgery in less than a year. Ladies, keep it together!
MAJOR TAE. Napakurap-kurap ako matapos basahin 'yon. Kasama sa page na 'to 'yung apat pang sinasabing youngest billionaires at hindi ko napigilang humanga kay Cash. Grabe, na-exceed pa niya 'yung record ni impakto at ni Jace no'ng ganitong edad sila.
Sa centerfold ng magazine ay isang full body shot ni Cash habang nakasuot ng white lab coat at may all-teeth showing smile habang naka-cross arms. Nakangising napailing na lang ako. Grabe. Ang gwapo ni Cash dito. Nakasalamin pa siya.
"O, para kang nakakita ng multo?"
Napasulyap ako sa kararating lang na si Cash na may bitbit pang tray ng pagkain tapos tubig. "OMG, Cash, nasa magazine ka na?!" halos hindi makapaniwalang reaksyon ko.
Tinawanan naman niya ako. "Sobra ka naman, buko. Kapag sila James ang nakikita mo sa magazines parang hindi ka nabibigla tapos kapag ako, parang hindi pwedeng mangyari? May discrimination, ganoon?"
Napailing ako ulit. "Cash, no'ng ganiyang edad ni Eric at ni Jace, hindi kayo magkasing-taas ng net worth."
Napasimangot siya at kumagat sa mansanas. "So?"
"So, mas masipag ka pa pala sa mga kapatid mo. Ba't ngayon ko lang nalaman lahat ng 'to?"
Sumandal siya sa kinauupuan niyang long couch na kaharap ko lang. "Hindi naman big deal 'yan. Buti ka pa nga, manghang-mangha ka diyan. Tumango nga lang sila no'ng nakita 'yan, e."
"It's a big deal for me," sabi ko. "It's not everyday that you get to see yourself being recognized as the top of the most productive people."
"Wala 'yan." Napangisi siya at randomly, kinuha niya ang isa sa mga magazine pero nilapag lang ulit ito at napailing. "Parang naubos na nga 'yung excitement nila kasi syempre ilang beses na bang na-feature 'yung mga kapatid ko sa ganiyan?" pabirong banat niya na nakuha ko agad ang ibig sabihin. May laman 'yon.
"Ang gwapo mo sa mga 'to," pag-iiba ko para lang hindi maging sentimental ang usapan.
"Actually kinolekta ko lang 'yang mga issue na 'yan para sa taon na 'to kasi nakakatuwang sa loob ng iisang buwan, naging centerfold ako ng iba't-ibang magazine," proud na sabi niya.
Lalo ko siyang pinandilatan. "Seryoso?!"
Tiningnan ko ang mga magazine na nakakalat sa center table, nakitang puro si Cash ang nasa cover, at sinilip ang mga centerfold. TAEBELLES. He's telling the truth.
Dito ko na-sense kung ano ang problema niya.
The whole world sees how greatly talented he is and how he's on the top of his game. But his family doesn't.
"Last na nga 'yan, e. Sabi ng Papa, puro publicity ang ginagawa ko. Mas liliit daw ang mundo ko kapag pinagpatuloy ko 'to which, I swear, I perfectly understood," tulalang nasabi ni Cash. Pumikit siya at sumandal. "Sabi naman ng Mama, parang wala daw akong balak magseryoso sa buhay. Siguro hindi nila nahalata na consistent akong lister, 'no?"
Narinig ko siyang nagpakawala na naman ng mapait na tawa. Pakiramdam ko, may kumurot sa puso ko. Hindi ko tuloy malaman kung paano siya tutulungan. Giving him my sudden reaction about his achievements must have triggered his painful burdens. Lalo na 'yung pakiramdam na shadow ka lang ng mga kapatid mo. Naipon lahat sa kaniya.
"Ang galing ko ngang sumayaw sabi nila. But everytime I expected my family to be there, to see me dancing, either something came up with James or Jace was having a heart attack. In the end, hindi ko alam kung magaling ba talaga akong sumayaw o papansin lang talaga ako."
Tahimik lang akong nakinig. Naisip ko lang na baka first time niyang mag-open up tungkol dito.
"Last month, I was awarded for the Best Thesis. It's a requirement to bring your parents or guardian. But, as always, they were busy with something else."
Nanliliit man ang boses ay sinubukan ko pa ring magtanong, "Sino nag-attend para sa'yo?"
"Parents ni Michelle."
I feel bad about it. Ako nahirapan din akong lumaki na walang magulang. Pero akalain mo bang mas mahirap palang lumaking may mga magulang pero hindi naman laging nandiyan para sa'yo?
"Nag-pretend na lang akong hindi ko nahalata but obviously, they forced me to stay away from them for quite some time last week, because they want to be stress-free. Napansin ko 'yon dahil ilang sunud-sunod na gabi akong sinabihan ng Mama na bawas-bawasan ang pagpapasaway bago lumabas 'yung idea na magbakasyon ako. Unfortunately, nagkagulo."
"Let's give them the benefit of a doubt. Galit ka ba sa kanila?" mahinahong sabi ko.
Napadilat siya at diretsong tumingin sa'kin. "Magkaiba naman 'yung galit sa lungkot, 'di ba?"
Mabagal akong tumango.
"Hindi ako galit. But I'm definitely sad."
Tumayo ako at lumapit kay Cash. Hindi ko napigilan. Naiyak ako. Kasi kung tutuusin, Cash is the perfect son. He never fails his student duties, hindi siya nagagalit sa mga magulang niya, wala siyang tampo sa mga kapatid niya. What more can you ask for?
Niyakap ko si Cash and he gives in. Naramdaman ko ang panginginig niya and I know he doesn't want me to see him crying. Hinagod ko ang likuran niya para pakalmahin siya and I whisper in his ear, "Don't be. Because being sad is a choice, Cash."
Kumalas siya at ngumiti sa'kin. After a shrug, he says, "Then I'd rather choose to get hurt all by myself than to grow hatred towards them."
Niyakap ko siya ulit at napaiyak ako lalo. Naawa ako bigla kay Cash. Parang ginagawa niya lahat para lang sa kanila pero walang makapansin sa effort niya.
Do you know what makes him sad? The fact that he's everything they wish him to be, but too blinded to see.
"Ariel?"
Kumalas agad ako sa pagkakayakap nang marinig ang boses ni Eric. Nagtaka man, tinawanan na lang ni Cash kasi naintindihan niya rin agad na baka magselos na naman si impakto sa kaniya. Kaya para kaming mga tanga na pagkatapos mag-iyakan, tumatawa naman ngayon.
Pagtingin namin sa pinto na nagdudugtong sa dining room nila kung saan naka-konekta rin sa first living room, pumasok na si Eric na may dalang flower vase tapos hindi maipinta 'yung mukha. Tumayo si Cash para kunin ito.
"Ako na diyan. Baka himatayin ka sa alikabok," natatawang sabi ni Cash.
"Jesus Christ. Why do you guys still keep these dirty antiques?" reklamo ni Eric.
"Because they're expensive, James," singit naman ni Jace na bigla ring pumasok mula sa dining room.
"Fishy!"
Napatakbo ako papunta kay ate Yomi nang maglakad siya papasok, kasunod ni Jace. Nagyakapan kami. Hindi rin maganda 'yung huli naming pagkikita kasi nga nagkaroon ng drama.
"Pwede namang i-maintain 'yan nang malinis-" napatigil si Eric sa sinasabi niya at biglang nabahing. Tinawanan lang namin ang namumula niyang ilong at saka bumahing ulit.
"Hindi pumapayag ang Mama na ipalinis sa mga maid 'yung mga koleksyon niya. Kaso lately, busy din siya sa ibang mga bagay kaya hindi niya maasikaso," sabi naman ni Cash na kakapasok lang ulit mula sa pinto na nagdudugtong naman sa garden.
"Sabi pala ni Mrs. Fuentebella, dito na tayo mag-dinner," nakangiting paanyaya ni ate Yomi sa'kin.
"Why do you girls keep on calling Mama a 'Mrs. Fuentebella'?" reklamo na naman ni Eric. Lumapit siya sa'kin at hinapit ako papalapit sa kaniya. "Soon, you'll be my Mrs. Fuentebella. Then there's three of you. You should start calling her differently so people don't get confused."
Namula ata ako sa ginawa niyang 'yon. Nakangisi lang siya kasi nahalata rin niyang tuma-tumbling na 'yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog.
"Ehem. May single dito," tumatawang sabi naman ni Cash.
Yumakap ako kay Eric habang tumatawa para makaiwas sa nakakatunaw na tingin niya. Tae, hanggang ngayon ba naman nagagawa niya pa sa'kin 'to? At lalo pa ata akong namula no'ng hinalikan niya ako sa leeg tapos humigpit 'yung yakap niya.
"Bilisan lang natin kasi may gagawin pa tayo," makabuluhang bulong niya.
Tinulak ko siya palayo. "Impakto ka talaga."
Pagkatapos ng dinner, dito na natulog sila ate Yomi at Jace sa mansyon ng mga Fuentebella. Nagpaalam naman si Cash na may pupuntahan daw sandali sa BGC at pinayagan naman ni Eric na gamitin ang kotse niya, which is so not him. We decide to stay late kasi wala namang pasok.
"Pwede ko bang itanong how your life was no'ng hindi pa tayo magkakilala?" biglang tanong ko as we walk hand-in-hand sa malawak na garden nila.
Tinawanan pa niya 'yung tanong ko na 'yon. "I was a mess. You know, with OCD and all. I take my time sorting things out in the bank, visiting the mortgage HQ every now and then, dedicating weekends to working out and the real estate. Despite being busy with the schedule, I actually find that life a little boring."
"Boring? I've never imagined the James Eric Fuentebella as an acquaintance of boredom. Baka naman hindi ka bored. Baka malungkot ka lang."
"I don't know. And honestly? I don't care. I'm happy now. My life is never dull ever since you jumped right at me on that damned train station in Magsaysay," nakangising sabi niya as he pokes the tip of my nose with his other hand. Well, that's Eric being a tad playful to you.
"Leche. Bandang huli parang clown pa 'yung dating no'n sa'yo," kunwaring reklamo ko kahit ang totoo, mamamatay na 'ko sa kelerg.
"I didn't say it was funny. It was painful, Ariel. But it was, everything and every day, worth it."
Natapos ang usapan namin ni Eric sa pamatay niyang linya na 'yan. I feel myself falling even deeply more in love with him. Kaya naman nang makauwi kami sa unit niya at aksidenteng nabuksan ko ang isang email habang nagtu-toothbrush si Eric, hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko. Kung tama lang ba ang pag-iinarte ko no'n o dapat magtiwala na lang akong everything is just business to him. Hindi ko naman gugustuhin kung babalik si Eric sa buhay niyang 24/7 na nagtatrabaho dahil tiyak na mawawalan kami ng oras sa isa't-isa kapag nagkataon.
From: Pamela Marie Cancio (pmcancio@fuentebellaempire.com)
To: Mr. James Eric G. Fuentebella (ownerjegfuentebella@fuentebellaempire.com)
Subject: HR
Boss,
I received a resignation letter from Mr. Heinz Gene Edwarson of Fuentebella Domaines with a 30-day post rendering of working days. What to do, boss?
Also, we already prepared the NTP announcement for temporarily closing the management of your bank. Operation will still run for the tech team, as you ordered, and the letter for Ms. Princess Aurora Mariano is at your disposal.
Sincerely,
Pamela Marie Cancio
FE Secretary