S q u a r e T w e n t y ( S H E )

3071 Words
Parang isang self-help torture ang ginawa ko sa sarili ko. 'Yung sinasabi nilang pumupulot ka ng bato na ipupukpok sa ulo mo? Well, ako, pumulot ako ng kutsilyo at sinaksak sa sariling puso ko and unfortunately, buhay pa ako. Monday morning, tila zombie na naman akong pumasok sa trabaho. Dahil sa hindi inaasahang encounter ko kay Mommy no'ng Sunday sa ospital, hindi ako pinatulog ng pag-iisip. Tapos si Eric pa, sumusulpot sa imagination ko. Paglabas ko sa production floor ng Bankruptcy Department (BD) para umakyat sa usual station ko sa Loss Mitigation Department (LMD), namataan ako agad ni Cyrene na kasalukuyang hinahanap ang bagong station niya. "Pusheen! Where's my station?" Yumakap muna ako sa kaniya pagkakita kong nakatingin sa kaniya ang iba. After a brief introduction, tinuro ko sa kaniya ang magiging station niya sa Late and Delinquency (LD) and on our way to the elevator through the hallway, may namataan kami ni Cyrene na isang matangkad na guy. He's wearing a blue shirt and light gray slacks. Familiar na familiar 'yung bulto ng katawan niya kaso nakatalikod siya sa'min. Parang may binabasa siya sa phone siguro tapos binulsa niya 'yung phone niya at saka nag-suot ng gray suit jacket na kapares ng slacks niya bago tuluyang maglakad papunta sa elevator. Hinatak ako ni Cyrene para masabayan sa elevator 'yung lalaki pero pinigilan ko siya. Technically, kahit 'di pa kami nakakapag-usap ni Eric, hindi ibig sabihin no'n, maglalandi na ako sa iba. Loyal ata ako kay impakto ko, 'no, at alam kong hindi rin mambababae 'yon. Sasamain talaga siya sa'kin, subukan niya lang. Buti na lang at pinigilan ko si Cyrene dahil biglang bumalik ng lakad 'yung lalaki na parang may nakalimutan. Nang humarap siya, nagkatinginan kami agad ni Cyrene sa pagkabigla... OH MY GOSH. JUICECOLORED. SI ERIC. MY GOODNESS ANG GWAPO NIYA! Nagpa-gupit na siya! At... At... TANGAMA! Wala siyang salamin, naka-contact lenses na siya siguro ngayon. Bumata siya tingnan. TAE PARANG HIHIMATAYIN AKO. Buti na lang at hindi niya kami nakikita sa pwesto namin. Sinundan lang namin siya ng tingin habang papasok siya sa opisina niya. "Oh gosh, Pusheen. Si Papa James ba 'yon?" Hinatak ko ang dulo ng buhok ni Cyrene para naman kilabutan siya kahit konti. "'Wag mo ngang matawag-tawag na Papa 'yon. Sapukin kita diyan." Tinawanan naman niya ako. "Duh. In love na in love sa'yo 'yan kaya kahit anong pagpapaganda ko, hindi rin naman eepekto." I feel so proud of myself. Bigla na lang akong napangisi. "Buti alam mo." "Pero bakit parang nabigla ka? Ngayong umaga lang ba siya nagbago ng hairstyle? Gosh, Pusheen, ang gwapo niya lalo kapag ganiyan lang kaikli ang buhok niya. With or without glasses, bagay pa rin 'yan, for sure. Para kasi siyang bad boy kapag long hair." Napalingon ako ulit sa pinto ng office ni impakto, nag-iisip kung papasok ba ako para batiin siya or what. Pero syempre, tinuturuan ko nga siya ng lesson tapos ako pa 'yung parang susuko? Tae, parang tanga naman ako niyan. "But in fairness, sa lahat naman ng bad boy, si boss lang ang malinis tingnan. Ang bango siguro niyan- Aray!" Naputol na ang sinasabi ni Cyrene nang sabunutan ko siya ulit. Mas malakas na this time. "Stop checking him out. At 'wag mo ngang pagpantasyahan ang fiancé ko. Tara na," sermon ko sa kaniya. Tinawanan na naman niya ako. Buti na lang at hindi na siya nagtanong ulit no'n. Pagkabalik ko sa floor ng LMD, saktong nakasalubong ko si Eric at papalabas na ulit siya, papunta sa elevator. Ako naman, papasok pa lang sa production floor. Nang magtagpo ang mga paningin namin, nawala na ako sa ulirat. In fact, napatigil pa ako sa paglalakad, natulala sa kaniya. Nakatitig lang ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang ganito kami. Gusto kong maiyak na na ewan tapos yayakapin ko siya hanggang sa hindi na ako makahinga. KUNG BAKIT BA NAMAN KASI BALIKTAD ANG NANGYARI. DAPAT AKO ANG NAGKAROON NG PHYSICAL APPEARANCE IMPROVEMENT DAHIL AKO 'YUNG BABAE. TAE. NASAAN ANG HUSTISYA? "Hi," nakangiting sabi niya. At iyan ang isa pa sa pinakanakapag-pahina sa'kin. 'Yung ngiting pinapakita niya, walang halong pang-iinis o sakit. Isang totoong ngiti. 'Yung ngiti na ibinibigay mo usually sa taong gumagawa lang ng mabuti sa'yo araw-araw. And despite hurting Eric, he's still giving me that sweet special smile. Plano kong umiwas agad. Gusto kong mauna nang umalis para hindi niya isipin na lumalambot na ang puso ko at ready na akong bumalik sa masikip naming mundo. But absent-mindedly, kusang itinulak ng puso ko ang mga labi ko upang gumanti ng ngiti sa kaniya. Ang nasabi ko na lang, isang mahinang-mahinang, "H-hello..." Parang natigilan pa siya nang konti pero maya-maya, bumalik ang magandang ngiti niya. And just like that, nagpatuloy na siya sa paglalakad na parang casual lang ang lahat. I'm left there, standing, at hindi nagtagal, naramdaman ko na lang ang mainit na luhang bumabagsak mula sa mga mata ko nang lampasan niya ako. Tahimik kong tinahak ang clinic namin para sa monthly medical exam. Mababa ang dugo ko. Never mind the naughty comments from those Physicians noticing my hickeys. Tae. Parang naiiyak lang ako kapag naiisip na ang nag-marka ng mga 'to sa'kin ay sinasaktan ko sa mga oras na 'to. He's changed. In two days, nakayanan na niyang pakawalan ako. At hindi niya ako pinilit sa kahit ano despite showing a hint of defeat. Pagdating ng gabi, isang text ang dumating sa'kin mula sa isang taong inaasahan kong mangulit mula umalis ako. Pero ngayon lang siya nagparamdam at ni hindi man lang siya nagtanong o nagpumilit pa. Isang simpleng... I love you and good night, my one and only little mermaid. -AAA. My Prince Eric Iyak na naman ang peg ko. Nagkulong ako sa kwarto buong gabi at niyakap ang unan ko habang iniisip siya. Grabe, ako pa ang mas nahihirapan talaga. Halos 'di maubos ang luha ko. Kaya kinabukasan, hindi ko rin natiis at nagtext ako... I love you and have a great day, my one and only prince Eric. (Sent) At buong linggong naging ganito ang routine namin. Iimbatahan ko sana siya sa birthday celebration ni Fernandez kaso masisira ang plano. He sends me good night messages and it surprisingly lessens the pain I feel. His messages are helping me get through the almost sleepless nights and as a token of my gratitude, I would always send him a morning text. Hindi ko rin nakakalimutang bumalik sa basics of getting to know each other part namin ni Eric no'n, I always grab a to-go cup of our favorite Caramel Macchiato for him at iiwanan 'to sa desk niya with a smiley and a signature -A. Nagawa naming puro ngitian lang ang contact sa loob ng isang linggo. So far, mukhang okay naman siya at ako ang hindi. Nakita kong kinakausap na rin niya ang iba, naging soft na siya sa mga empleyado niya, at umabot pa nga sa puntong ginawa niyang planning hours ang every afternoon para sa darating na team building ng company which is a huge surprise for everyone. Eksaktong Monday na ulit ngayon, isang linggo mula mag-umpisa ang routine naming text lang sa umaga at gabi, at saka simpleng batian sa office ang nagaganap kapag umaga. Mukhang hindi na rin papayag ang tadhana na sa liit ng mundo namin ay hindi pa kami mag-usap. Pagkarinig kong puntahan ko daw siya sa opisina niya, nabigla ako. Nagkaroon pa ng eksena sa opisina habang may pinag-uusapan sila ni Monica at halatang nagulat ang lahat sa pagiging mabait niya. Pagkalabas niya, kaliwa't-kanan agad ang bulungan ng lahat at ang iba nga, nagpasalamat pa sa'kin dahil alam nilang Ariel Effect daw 'yon. At tila teenager naman na nag-ayos kaagad ako ng station ko pati ng itsura ko. Nag-retouch pa ako at sinigurong maganda ako bago humarap sa kaniya para makipag-usap. "Hi, madam," nakangiting bati ni Medusa nang magsalubong kami malapit sa pinto ng production. At tila isang nakakahawang sakit na napangiti rin ako sa kaniya. "Hi, Sarah," bati ko rin at kinakabahang humawak sa pinto palabas. Napatigil ako saglit at sinundan ko siya ng tingin. Siguro naramdaman niya rin o naisip lang din niya pero tumigil din siya. Buti na lang hindi pa ako lumalabas kasi tumingin ulit siya pabalik sa'kin. "Uhm... Madam, can I leave these files on your desk for quality control check?" Tumango ako at muling ngumiti. Himalang ang bait-bait ng mga tao ngayon. Parang epekto ng pagiging mabait ni Eric ay nahawa ang lahat niyang empleyado. Huminga ako nang malalim bago pumasok sa opisina ni Eric. Sa totoo lang, kulang na kulang pa ang lakas ko. Minasdan ko ang sarili ko, kung sakto lang ba ang haba ng palda ko o kung tama lang ang taas ng heels ko. Inayos ko ang suot ko at tuluyan nang pumasok pagkatapos ng dalawang katok sa pinto. "Hello," nakangiting bungad niya habang nag-aangat ng tingin mula sa laptop. Parang tumigil ang buong mundo ko. Biglang bumagal ultimo paglalakad ko papunta sa upuang nasa tapat ng table niya at tanging ang puso ko lang ang mabilis na gumagana. Hindi kami nag-aalis ng tingin sa isa't-isa at nagbabadya na naman ang damdamin kong napakadaling bumigay. TAE KA TALAGANG IMPAKTO KA. BAKIT BA GANITO ANG EPEKTO MO SA'KIN?! "Gusto mo 'kong makausap?" nakangiting tanong ko. Sa kaloob-looban ko, grabe 'yung pigil kong talunin 'tong desk niya at yakapin siya nang mahigpit. "Hindi kita pipiliting sumama sa team building kung ayaw mo. Pero itatanong ko lang sana kung... Kung involved ba ako o isa ako sa mga dahilan kung bakit hindi ka sasama?" parang nahihiyang tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. Kasi sa totoo lang, tama siya. Ayokong sumama kasi naiisip kong ginawa lang niyang paraan 'yon para ma-corner niya ako. Alam niyo na, mga style ni Eric. "Bakit?" sa wakas ay nahanap ko na ang boses ko. "Kasi kung ako 'yung dahilan para hindi ka makasama, pwede namang maiwan na lang ako. Marami rin akong aasikasuhin dito and all of you guys have to be there, lalo na't unang team building mo 'to sa company natin." Seryoso ba siya?! Na magpapaiwan talaga siya dito para lang sumama ako kasi tingin niya iniiwasan ko siya? Pakiramdam ko tuloy, ang sama ko. Talaga bang gagawin niya 'yon? "'Wag kang mag-alala sa'kin, boss," sabi ko. "Ayoko talagang sumama. At isa pa, kailangan nandoon ka kasi you need this break. Para maka-bonding mo rin sila and you can get to know them." Akala ko, magpupumilit pa siya. Na gagamitan na niya ako ng mga famous domineering lines niya para ma-pwersa akong sumama. Pero laking gulat ko nang... "Okay, ako na lang ang sasama," sagot niya. "Thank you for your time." Tapos binigyan niya ulit ako ng isang totoong ngiti. Naubusan ako ng lakas para tumayo. Nakatitig lang ako sa kaniya at parang may hinihintay pa akong sabihin niya pero binalik na niya ang atensyon niya sa laptop niya. Tapos may tinitingnan-tingnan din siya sa phone niya at tae lang dahil sobrang gustung-gusto kong magtanong kung anong ginagawa niya o sinong inaabangan niyang mag-text. "Staring is rude, you know," nakangising sabi niya at saka sandaling lumingon sa'kin. Hindi ko na napigilang diretsahin siya sa mga naiisip ko. "Please, tell me you're not just pretending to be nice." Napalingon ulit siya sa'kin, sa laptop, tapos sa phone niya. Pagkasara niya ng laptop, tinitigan niya ako, eye-to-eye. "Is that how little you think of me? That I can't change into someone better?" Seryoso lang ang itsura niya at parang nagtatanong lang talaga, hindi sarcastic or what not. Lalo tuloy akong nagtataka sa inaasal niya kasi hindi naman ganito si Eric, lahat nga ay kanina pa nagtataka sa kaniya. At na-caught off guard ako sa tanong na 'yon. Ganoon nga ba ang iniisip ko? Na hindi niya kayang magbago? "Just because a person was once a stubborn son doesn't mean he can't apoligize and try to make things right for his parents. Or because he was once an awful brother to his siblings doesn't mean he can't make it up to them now. Or even because he was once a horrible boss doesn't mean he can't realize the efforts of his employees so he's trying to reach out." Natahimik ako lalo. At hindi ko na napigilan ang luha ko nang sabihin niya ang mga sumusunod na salita... "Just because a man was once a suffocating, fvcked-up control freak, obssessive-compulsive-possessive, and bipolar, doesn't mean he can't get better for the person he loves the most." Tae talagang damdamin 'to, o. Super shitness overload. Hindi ko alam kung nasasaktan ako o natutuwa. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay ko and I'm crying tears of joy and defeat. Hindi ko na talaga napigilan. Para malaman kong ginagawa niya ang lahat kasi gusto niyang maging mabuting tao ay sapat na para sakalin ako ng konsensya. Tae talagang buhay 'to. "One little baby step at a time, Ariel. And I promise you, sa oras na handa ka nang bumalik sa'kin, you never have to complain about me being sick again. This is who I am, I know. But if it takes a little change to win your heart back, ano ba naman 'yung konting adjustment, 'di ba? Parang pagluluto lang 'yan. Kapag maalat sa panlasa mo, you will not adjust the preference of your taste. You will adjust the flavor. Maybe that's the analogy I've been missing all this time." May isang mapait na tawang kumawala mula sa'kin. Lalo akong naiyak. My plans are failing. I'm failing him. "Kailangan ba talagang gawin ko pa muna 'yon bago 'to mangyari?" may bahid ng panghihinayang kong tanong. Napangiti siya. This time, it's a sad smile. "Yes," matipid niyang sagot. Mabagal akong tumango, tumayo, at naglakad papunta sa pinto. Naramdaman kong tumayo din siya. "Ariel..." narinig kong sabi niya. Naramdaman ko 'yung hininga niyang malapit sa likod ko, nasundan niya pala ako agad. Nabitin ang kamay ko sa ere. Bubuksan ko na dapat 'yung pinto pero dahil tinawag niya ako, parang nag-expect ako ng kung ano kaya humarap ako sa kaniya and for the first time today, he seems lost. After a deep sigh, he shakes his head. "Never mind. Thank you." Pero naghintay pa rin ako. Alam kong may gusto pa siyang sabihin at hindi ako lalabas dito hangga't 'di ko naririnig 'yon. "What is it?" mahinahong tanong ko. Slowly, he closes the distance between us. And as our first official physical contact after that dreadful night, hinawakan niya ako ng dalawang kamay niya sa mukha, tinitigan nang maigi, and before I know it, I have my eyes closed as I taste his lips on mine once again. Sandali lang 'yon. Parang reminder lang na despite having a gap, he still owns me. That my body only responds to his at hindi siya nagkamali do'n. "I love you. Remember that," he says at muling bumagsak na naman ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nahihiya kasi ako sa kaniya sa totoo lang. Malalalim ang hininga ko nang bitawan niya ako at nakita kong nag-aalala siya. "Don't cry again because of me. It's painful," dagdag pa niya. Imbes na tumahan, lalo pa akong naiyak at nag-iwas na ako ng tingin. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay. Siguro nahihirapan din siyang makita akong ganito kaya iiwas na lang siya kesa nga naman mapilitan siyang gawin 'yung sa tingin niyang ayaw ko. Naramdaman kong kumilos ang kamay niya para buksan ang pinto dahil nasa likod ko lang ang handrail nito. Pero bago pa niya ito mabuksan, maagap kong nahawakan ang kamay niya. Pati siya, nag-alinlangan at nalito sa ginawa ko. "Stay with me. Kahit sandali lang," mahinang pakiusap ko. Napayuko siya. Grabe na siguro 'yung sakit sa ulong binibigay ko sa kaniya para mag-react siya nang ganito na parang nahihirapang mag-desisyon kung gagawin ba o hindi 'yung sinabi ko. "Ariel..." Hindi na niya natuloy anumang sasabihin niya. Siniil ko siya nang mariing halik at halos himatayin ako nang marinig kong napaungol siya sa ginawa ko. Tae, ano bang problema ko? Bakit ba hindi na lang kami mag-usap at pagkasunduang mabuti ang dapat naming gawin? Kasi sa totoo lang, mas madali ang lahat kapag nasa tabi ko siya tapos magkasabay kaming humaharap sa problema. Now, I'm totally making it hard for us to detach. Nanibago man ang pakiramdam ng mga daliri ko sa maikli niyang buhok, o 'yung pakiramdam na wala 'yung salamin niyang tumatama sa nose bridge ko habang naghahalikan kami, hindi ko na ito masyadong napansin. Ang alam ko lang, I can't stop myself. Kasi kahit ano pang change ang gawin niya physically, he's still my one and only Prince Eric and the taste of his kiss would always be deliciously familiar. His arms are draped around my waist, his hands on my back, pulling me against his body as we kiss. Lumalim ang halik namin and I can hear myself moaning in desire. Nainis ako nang bigla siyang tumigil at nilayong bahagya ang muka niya pero nakayakap pa rin. Habol hininga kaming pareho. "You are so unfair," naiinis din na sabi niya. Napangiti na lang ako and I give him a soft kiss on his lips. "Why do you have to be so irresistable?" mahinang tanong ko habang pinaglalaruan ang buhok niya. "Why do you have to be so frustrating?" Tumaas ang isang kilay ko. "Sinong tumigil sa paghalik?" "Sinong nang-iwan?" I narrow my eyes at him and he laughs. A genuine laugh. "Get back to work or you're fired," bulong niya sa tenga ko sa malanding boses. Himalang hindi siya nagyayang umuwi. We slowly let go with stupid grins on our faces. Napahawak ako sa mga labi ko at lalong napangiti. Oh my goodness. Nakipaghalikan ako sa boss ko sa loob ng opisina. And God knows kung saan pa mapupunta 'yon kung hindi siya tumigil. Lumabas ako ng office niya pagkatapos ayusin ang damit ko na bahagyang nagulo. Bago ko isara 'yung pinto, tumingin ako sa nakangising impakto sa likuran ko. "Sumama ka sa Saturday, ha? Para sumama na rin ako. Or else talagang hindi na kita papansining impakto ka," pagbabanta ko. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin. "If you can still stand this week without even staring, I'll believe that," pilyong sabi niya sabay wink. At bago pa niya makita ang pamumula ko, tinulak ko na ang mukha niya papasok sa opisina niya at tuluyan na akong lumabas na may nakakalokong ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD