Hello there, Cara-Mac Love Team Shippers! Chos. Gusto ko lang ipaalam sa inyo kung ano ang mga na-miss niyo sa almost nine months...
Una sa lahat, sinagot ko na si Eric. Tama kayo ng basa, kami na. At walang araw ata na hindi kami nagtalo. Pero syempre kasama talaga 'yan sa perks of being James Eric Fuentebella's girlfriend— ang araw-araw na pakikipaglaban sa OCD at Bipolar disorder niya, na kabilang sa mga minahal ko na rin sa kaniya.
Si Jace at Ate Yomi naman, going strong. 'Yung two weeks na honeymoon dapat nila no'n ay naging one month. At nagtatrabaho na rin sa iisang Dentistry Firm si Jace at si Fernandez, na ngayon ay nasa ilalim din ng Fuentebella Empire.
Si Cash naman, bukod sa pagiging seryoso sa pag-aaral ay nakaipon na rin ng lakas ng loob para maipahayag sa pamilya niya ang plano niyang magpatayo ng sariling ospital sa ilalim ng Fuentebella Empire. Lately talaga, nagiging misteryo na sa'ming lahat ang pagiging seryoso at tahimik niya pero minsan naman, maingay at makulit pa rin siya. Hindi na nga lang kasing dalas no'ng dati.
Balik tayo kay Eric na hindi pa rin nawawala ang pagiging mainitin ang ulo sa iba. At least ngayon pagdating sa'kin medyo ini-easy-han na niya. Siguro hindi na rin bago sa inyo na bipolar ang impaktong 'to. Kagabi, hindi siya makatulog. Panay ang labas sa condo niya para tumanggap ng tawag tapos babalik na parang hindi mapakali. Hindi naman ako nagdududa in a way na baka may babae siya, dahil sa sobrang smooth mag-trabaho ni Eric, malamang kung mambababae 'to, hindi ko malalaman. Pero iba 'yung tiwala ko sa kaniya na binuo ng araw-araw na away-bati namin. Alam kong hindi 'yon ang dahilan. May iba pa.
Tapos nitong umaga, hindi ko naman maipaliwanag 'yung mga ngiting nakakaloko niya. Pati 'yung kakulitan niya na dapat match 'yung suot namin. Lalo na 'yung pag-insist niyang buhatin 'yung bag ko na hindi naman niya usually ginagawa. Napaka-weird. Abnormal talaga 'tong impaktong 'to. Pero mahal na mahal ko.
Napalingon ako bigla no'ng hinawakan niya 'yung kamay ko. Tae naman kasi, bukod sa nanginginig na, ang lamig pa ng kamay niya. Tapos halos ubos na ata 'yung dugo sa mukha niya sa sobrang pamumutla. Gusto ko sanang tanungin kung natatae ba siya o ano kaso mukhang seryoso siya. Pinili kong manahimik na lang.
Paglabas namin sa elevator, nagkalat sa mga dingding ang makukulay na sticky notes na kagaya no'ng minsang pinag-tripan ako ni Eric at pinalagyan ako nito sa station. Ngayon, sa mga dingding ng hallway sa opisina nakalagay 'to.
"Anong kalokohan naman 'to?" tahimik na sabi ko habang lumalapit para basahin ang nakasulat sa ilan...
Sticky Note #1: Ariel is my life...
Sticky Note #2: I believe in soulmates as I've seen mine once upon a time at a train station in Magsaysay.
Sticky Note #3: What's macchiato without his caramel?
Tumingin agad ako kay Eric at walang kahit anong makikitang reaksyon sa mukha niya. "Anong kalokohan 'to?" pag-uulit ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "Bakit ako ang pinagbibintangan mo? Kita mong magkasama tayo."
Napasimangot ako. "Ha-ha. Kilalang-kilala ko kahit tuldok ng sulat mo. Ilang beses mo 'kong ginawan ng ganito sa tanang buhay mo?"
He shrugs. Naku naman! Tiningnan ko pa 'yung ibang sticky notes...
Sticky Note #4: Naniniwala ka ba sa love at first sight? Syempre oo dahil minahal mo na ako simula talunan mo 'ko.
Wow, ha?!
Sticky Note #5: There was a point in my life when I was confused whether I love you or not. But it dawned on me, I was just afraid of rejection.
Sticky Note #6: I needed signs. I said, if Ariel loves me as much as I love her, she'll smile after reading this.
Wala sa loob, napangiti ako.
Sticky Note #7: If Ariel can't live without me, too, I'll hear her lovely giggle by now.
At kagaya kanina, ewan ko kung bakit bigla na lang akong natawa. Tae.
Sticky Note #7: Another sign, she'll keep reading on and will not get tired of reading my deadly horrible lines.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Wala pa akong nababasa na 'I love you' pero sa mga nakasulat na 'to, I feel it so much. Kung ano man ang kalokohan ng impaktong 'to, walang mawawala kung sasakay lang ako.
Sticky Note #27: Lagi lang akong nasa tabi mo kahit ipagtabuyan mo 'ko.
Sticky Note #28: Darating 'yung araw na magsasawa ka. Pero ipapaalala ko ulit sa'yo 'yung dahilan kung bakit hindi mo ako pwedeng pagsawaan.
Speaking of, bakit bigla na lang nawala 'yon? Hindi ko man lang namalayan na umalis siya. The irony. Hindi daw mawawala sa tabi ko pero bigla na lang nag-disappear ang impakto. Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa. Mostly, mga one-liner na korni pero that's Eric to you. Hindi madalas magpaka-cheesy ang impaktong 'to, he usually writes his feelings on a piece of paper tapos ipapabasa sa'kin. And right now, this is a lot of FEELS.
Sticky Note #50: Ang daming notes, 'no? Madalas ko nang ginagawa 'to simula binigay mo sa'kin ang matamis mong 'OO'.
Sticky Note #51: One of us might forget what we have now. But all we have to do is to get back to these notes and we'll remember how in love we are. And I am so in love.
Medyo nabahala ako sa #51. Isa sa pinaka-nakakatakot na mangyari sa lahat, 'yung makakalimutan ko siya. O kaya makalimutan niya ako. Ayokong makalimot. Hindi ko rin alam kung bakit pumasok sa isip niya 'yung thought na 'to.
Habang tumatagal at papalapit na ako sa pinto ng production floor namin, nagiging mabibigat ang mga linya niya. Kahit 'di niya aminin, siya lang naman ang maglalakas loob na gumawa nito sa'kin. Kung paano, hindi ko alam. But the fact that he did this?
HOLY s**t. Tinalo ko pa ang haba ng EDSA sa haba ng buhok ko.
Sticky Note #59: If you love me, you will find me.
Napailing ako habang hindi maalis ang ngiting nakakaloko. Binuksan ko ang production floor entrance at nakakapagtakang walang tao kahit isa. Pumasok ako, luminga sa paligid. Alam niyo kung ano ang mas nakakapagtaka? May isang malaking heart sa sentro ng production floor at may sticky note sa gitna. Hugis puso na gawa sa maraming-maraming Kisses! Pati sa mga dingding, puro Kisses ang nakadikit. Mas gusto ko na 'to kesa kartolina o kahit anong hindi ko naman makakain. Pucha, nasa langit ata ako.
A few stolen moments is all that we share...
Nilingon kong muli ang paligid ko dahil hindi ko malaman kung saan nanggagaling ang tugtog na 'yon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na favorite song ko 'yan. Pero mas hindi ko maintindihan kung ano ang meron ngayon at nasa gitna ako ng production floor habang naluluha. Binasa ko ang nasa sticky note at damang-dama ko ang kadramahan ko habang nakatayo sa gitna ng heart made out of Kisses...
Sticky Note #60: For the only girl of my life.
"You found me. That only means one thing..."
Hindi na ako nagulat na nagsalita siya sa likod ko. Lumingon na lang ako sa kaniya at may hawak siyang isang bouquet... NG CHOCOLATES. I know! Tae. Gusto kong tumalon sa sobrang saya. Finally, a person who knows what I want in life.
"Remember how I said this morning that I want to write my name all over your skin?"
Nakatingin lang ako sa kaniya. Tae naman kasi. Hindi ko malaman kung paano magre-react. Nangingiti ako na naiiyak na kinakabahan. Pucha kinikilig ata ako na natatae, ewan ko. Mabagal kong tinanggap ang bouquet ng langit, este, chocolates mula sa kaniya habang nakatitig kami sa mga mata ng isa't-isa. O, 'di ba? Pang-teleserye ang drama.
"I know you will not allow me to do that because it sounds stupid." Huminga siya nang pagkalalim-lalim at pati ako, lalong kinakabahan sa pinag-gagawa niya. "Jesus Christ, I didn't know it will be this hard," narinig kong sabi niya habang tinatakpan ng dalawang kamay ang mukha niya.
Lumapit ako sa kaniya at nilayo ang mga kamay niya sa mukha. Nasa gitna kami no'ng hugis puso na gawa sa kisses. "May problema ba?" mahinahong tanong ko. Kahit sa loob-loob ko, nagmumura na ako kasi hindi ko malaman kung anong klaseng kalokohan 'to.
Pagkatapos ng isa pang malalim na paghinga, hinawakan niya ang isang kamay ko. "If I can't write my name all over your skin, will you at least let me write my last name after yours?"
Nalaglag bigla ang panga ko sa sinabi niya. T-teka... Tama ba 'tong pagkakaintindi ko o nasisiraan na rin ako ng ulo?
May kinuha siya sa bulsa niya tapos lumuhod siya sa harapan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nagawa kundi tumitig sa kaniya habang pinapakawalan niya ang makapangyarihang linya na... "Ariel, will you marry me?"
Nawalan ako ng boses. Pati ng pandinig. Hindi ko rin halos mapansin ang maliit na chocolate brown velvet box na hawak niya at ang kumikinang na singsing with matching shining, shimmering, splendid na diyamanteng naka-engrave sa gitna nito. Na-focus ang paningin ko sa kaniya, sa ngiti niya, sa naluluhang mga mata niya, and without saying anything, binitawan ko ang bouquet at lumuhod kasama niya. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kasabay ng mabibilis na paghinga ko, nararamdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib niya. Kinakabahan din siya. Siguro iniisip niya kung tatanggapin ko ang hinihiling niya.
Tae. Hindi ko inaasahan 'to. Nangarap lang ako ng fairytale noon, binigyan naman ako ni Lord ng reality. At mas masarap ito sa pakiramdam kumpara sa fairytale.
"Ariel, please marry me."
Ewan ko kung bakit iyak-tawa ako habang nakayakap sa kaniya. Siguro nadala ako sa boses niya na parang nagmamakaawa. Tae talaga 'tong impakto na 'to, nahawa ata ako sa Bipolar Disorder niya. Kaya habang nakangiti, kumalas ako sa yakap niya at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi. "Write your name in every part of me. In all chapters of my life. I'm yours, Eric. Yes, I will marry you."
Hindi ko malaman kung paano ko nasabi 'to nang hindi nabubulol. Siguro dahil walang second thoughts sa isip ko at ang tanging alam ko lang, mahal ko ang impaktong 'to at wala na akong mas gugustuhin pa sa buhay kundi ang makasama siya.
"Good. You don't have any choice, you have to marry me or you're fired," pabirong sabi niya habang tumatawa at nilalagay ang singsing sa daliri ko. Nanginginig ang mga kamay niya, ganoon din ako.
Nakangiti lang ako habang nakatunghay sa kaniya. Kahit nagluluha ang mga mata ko, alam ko sa sarili kong ako ang pinaka-masayang tao sa buong mundo. "Impakto ka talaga. Paano mo naman nasukat ang daliri ko at tila saktong-sakto 'tong singsing na sinuot mo?"
"Kabisado ko bawat bahagi ng kamay mo. Lagi kong hawak 'yan," nakangising sagot niya.
Hinawakan ni Eric ang kamay ko para itayo ako. Kinuha din niya 'yung chocolates na binitawan ko kanina at inabot itong muli sa'kin. "Thank you," pa-cute na sabi ko.
Walang babala, hinalikan niya ako sa mga labi na halos ikapugto ng hininga ko. Hindi ako nakapalag. Nakabalot sa'kin ang mga braso niya. Nang bahagya siyang lumayo, nandoon na naman ang nakakalokong ngiti niya. "I love you," pabulong na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Ngumiti din ako. "I love you," malanding sagot ko naman.
"CONGRATULATIONS!"
Dito na ako pinaka-nagulat sa biglaang pagsulpot ng mga empleyado at ang pagbagsak ng mga confetti sa paligid ko. Hinayaan ko ang sarili kong maglandi at magpayakap kay Eric habang binabati siya isa-isa ng mga tao na akala mo, nanalo siya sa lotto.
Hinalikan niya ulit ako at hindi na ako nag-inarte pa. Napatili pa nga ako nang bigla niya akong buhatin habang naka-pulupot ang mga braso ko sa batok niya as we turn around. Ako naman si malandi, tawa pa nang tawa.
"Buko!"
Saka lang ako nagpumiglas nang marinig ko ang boses ni Cash. Paglingon ko, nandito din sila kasama ang buong pamilya nila at si ate Yomi. Ang mas nakakabigla? Pati ang mga kuya ko, nandito! At nakangiti silang lahat, pumapalakpak. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako kay Eric. Nakangiti siya sa'kin. Tae, paano niya ginawa lahat 'to nang hindi ko man lang napansin?
Pero kagaya nga ng sabi ko, smooth gumalaw ang impaktong 'to. Simula sorpresahin ko siya sa desisyon kong huwag tumuloy sa Australia, ilang beses niya akong binawian. He's beyond the square one, sobra. Nakabawi na, bumabawi pa.