Chapter 34 CRYSTAL Tumaas ang mga kilay ko sa tanong na iyon ni Reynold. Lumapit ako sa kaniya. Kunot ang noo niya na para bang iniisip niya kung sino ako. "Sino ka? Anong divorce ang sinasabi mo?" muli niyang tanong sa akin. Wala ba talaga siyang maalala? "Grabe ba ang pagkabagok ng ulo mo, kaya nakalimutan mo na ako?" taas ang kilay ko na tanong sa kaniya. Tumikhim ang Daddy ni Reynold, habang buhay-buhat nito si Princess. Naka-focus ang atensiyon nila Shany at ng mga magulang niya kay Princess. "Ehem, Reynold, tingnan mo ang ginawa mo. Hindi tuloy namin nakasama itong apo namin na napakaganda," sabi pa ni Daddy sa anak niya na nabagok ang ulo. Kumibot ang labi ni Reynold na nakatingin kay Daddy. "Dad, sino ba ang babaeng ito?" muli niyang tanong sa kaniyang ama. Napaawang tala