Chapter 20 REYNOLD LUMIPAS pa ang ilang araw naisipan ko na pumunta sa mansion kasama ang mga bata. Tuwang-tuwa naman si Mommy dahil dinala ko ang mga bata. Pati si Lola ay tuwang-tuwa nang makita kami. "Mabuti naman naisipan ninyong pumunta rito, Apo. Nasaan si Crazy, kasama niyo ba?" tanong ni Lola sa akin matapos namin mag-bless ng mga bata sa kaniya. Hindi alam ni Lola ang tungkol sa da nangyari sa akin. Hindi sinabi nila Mommy at Daddy dahil ayaw nila na mag-alala ito. "Pasensya na po, La. Galing po kasi ako sa bakasyon La, kaya ngayon lang ako nakapunta rito," pagdadahilan ko kay Lola. "Ganoon ba? Eh, saan si Crazy? Bakit parang hindi mo na naman siya kasama?" muling tanong ni Lola tungkol sa asawa ko. "Nasa bakasyon pa si Crazy, La. Susunod po siya sa amin ng mga bata," pags