EULYN KRIS "Ano ba bitawan mo nga ako Chinito hindi ako natutuwa sa'yo!" inis na nagpapasag ako habang pasan-pasan ni boss Chinito. Gagong 'to may kasayaw kaming mga afam biglang sumulpot kasama si Theo at Sir Everette. Sarap pagbubuhulin kung makaasta ang mga gurang na ito akala mo may label kami sa kanila. "Isa ibaba mo ako, Maynard! Peste ka talagang pakialamero ka! Ibaba mo ako sabi." Gigil kong wika sa kaniya. Subalit tila wala itong narinig at tuloy-tuloy lang lumakad habang karga ako palabas ng bar na pinasukan namin. Inis na inis akong hinampas pa ang likuran niya habang binubungangaan ko siya. Ano bang drama nito gagang ito as if may karapatan siyang manghimasok sa kasiyahan ko habang nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko. Letseng 'to. "Chinito ano ba!?" Muli kong sigaw. "