Gumalaw ang labi nito. Hindi ako makagalaw. Nanatiling nakamulat ang mata ko habang nakatingin sa strangherong kahalikan kong nakapikit na parang nagugustuhan ang halik. Lumipat ang mata ko sa lalaking humabol sa akin na ngayoy naka hinto sa harapan namin tapos nakatingin pa.
SH*T!
Mas lalo kong niyakap ang lalaki para itago ang katawan ko. Alam kong pinag titinginan na kami ng taong dumadaan pero sa puntong un wala na akong pakealam. Pakiramdam ko pag sisihan ko ito mamaya pagkatapos. Mas lalong humigpit ang kapit ng strangherong lalaki sa bewang ko. Mula sa gilid ng mata ko nakita ko na ung lalaking nilagpasan na kami.
Sinubukan kong itulak ang babae ngunit nanghina ako. mas lalong nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang dila nitong papasok sa bibig ko. Natauhan ako at ang natitira long lakas ay tinulak ko siya palayo sa akin.
Pumula ang pisngi ko at kaagad lumipad ang hintuturo ko sa bibig ko habang nakatingin sa lalaking nakatulalang nakatingin din sa akin.
Well hindi na masama. Buti nalang gwapo ang nahila ko kong hindi, naku ewan ko nalang. Tumakbo kaagad ako ng hindi nag dalawang isip. Iniwan doon ang lalaking nakatulala. Ramdam kong kasing pula na ng kamatis ang mukha ko.
NAKAKAHIYA!
pumikit ako ng mariin para kalimutan ang halik. Wala akong experience sa halik kaya hindi ko alam na ganun pala. Hanggang ngaun naramdaman ko parin ang malambot ng labi ng lalaking un.
tumakbo na ako palabas sa arcade saka ako dumiretso sa exit. Tumingin ako sa likod ko, baka makita ko ang mga un. Ano bang nagawa ko? Ni hindi ko nabili ang mga school suplies na kailangan kong bilhin. Hinihinga ako ng makalabas ako. Hinahabul ko pa ang hininga ko ng may biglang marahas na humila sa braso ko. Napapikit ako sa gulat.
"D*MN IT? where have u been?" Napamulat ako ng marinig ko ang iritadong boses na un ng kapatid ko. Tiningnan ko ito habang hinihila ako papunta sa kotse.
"uwi na tau sky.." aya ko dito, gusto ko nalang umuwi. Hindi ko parin nakalimutan ang nagawa ko sa loob. Hindi ko na pinansin ang tanong ng kapatid.
"asan ang mga school supplies na sinasabe mo?" napatingin ako dito. Ngumuso ako ng wala akong nabili. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko alam niya ang ginawa ko
"nagbago na isip ko, sina mommy nalang bibili " nguso kong sabe. Buti nalang naka isip ako ng palusot. Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi naniniwala sa sinabe ko. Umirap ako saka nauna ng pumasok sa kotse.
SOMEONE POV.
D*MN!
Ang dami kong natikmang labi pero un ang kakaiba. Nagulat ako ng hinala ako nito at hinalikan., hindi ko inaasahan na mag tatagpo ang mga labi namin. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na hindi ko maintindihan. Wala sa sariling napangiti ako habang inaalala ang matamis na halik. Napahawak ako sa labi ko at hanggang ngaun pakiramdam ko magkahalikan parin kami.
Hindi ko maiwasang hindi makangiti habang palabas sa arcade. Pinipilig ko ang ulo ko. Ibang klasing babae, iniwan ako ng walang sinasabe. Mukhang hindi naman siya isa sa mga nagkarandapa sa akin kase iniwan akong nakatulala.
Ang lakas ng epekto ng babaeng un. Umiling ako para tanggalin ito sa isipan ko. Nasa mall kami ngaun para sana mag enjoy dahilan na pasukan na namin nextweek pero nawalan na akong gana at tanging nasa isip ko lang kailan ko ulit makikita un.
She's beautiful.
parang anghel na bumaba sa langit, pero mukhang pilyo, natawa ako sa naisip ko. Bakit ko nga ba iniisip ang babaeng un? Nag kabit balikat ako saka ako dumiretso palabas papunta sa parking lot at pumasok sa van na nakapark doon.
Sumandal kaagad ako sa backrest saka ko nilagay ang head phone ko. Matutulog nalang muna ako habang hinihintay ko ang kaibigan ko. Napadilat ako ng makita ko ang imahe ng babae. Mukhang mahihirapan akong tanggalin sa isip ang babaeng un.
D*MN GIRL!
Bumaling ako sa pintuan ng Van ng bumukas ito at tumambad sa akin ang kaibigan kong mukhang badtrip na ang pula pula ng mukha. Kumunot ang noo ko saka ko tinanggal ang headphone ko.
"Anong nangyare sa mukha mo? Bakit ka namumula? Hindi naman siguro dahil yan sa kilig?" Umiling ako dahil hindi ko maimagine ang kaibigan kong kinikilig. Bumuntong hininga ito na parang kinakalma ang sarili.
Anong nangyayare sa isang to?
Umiling ako saka ako sumandal ulit sa upuan ko. Narinig kong bumukas ang pintuan ng driver seat at narinig ko din ang mululutong nitong mura. Napaahon ulit ako at tiningnan ang kaibigan kong mababakas talaga ang inis.
"Pinatid ako.."
WHAT?
Tiningnan ko ito ng naguguluhan, hindi ko naintindihan ang sinabe nito.
Pinatid?
"Yes! Pinatid lang naman ako ng isang babae, D*MN IT. " malutong nitong mura hbang hinihimas ang ilong nitong mulala. Ilang sandali akong natulala habang pinoproseso ko sa utak ko ang sinabe nito..
Natawa ako, natatawa ako dahil hindi ko akalain na merong papatid dito sa kaibigan kong halos kilala na ng lahat.
Babae?
Babae pa talaga ang pumatid. Mas lalo akong natawa, ang lakas naman ng babaeng un. Sa buong buhay ng kaibigan ko, ni minsan hindi niya naranasang patirin bagkus para itong prinsipe na kailangan mong lumuhod sa harap nito.