Tilian ulit ng mga tao. Umatras ako ng mabilis bago ako lumapit Kay Leo dahil nasa kaniya ang bola. Sa napansin ko magaling itong magbasketball. Pinasa ni Leo ang bola sa kasama pero nakuha kaagad un ni Yuan saka walang alinlangang tumakbo ito sa court namin at tumira ng 2 points. Tumili na naman ang mga tao. Yun lang ang naganap sa laro namin. Isang oras at kalahati kaming naglaro bago kami nagpahinga. Hinihingal kaming lahat at pawisan. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko mahanap ang babaeng un. Hindi man lang nanood. Tsk! KYLEE POV. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko habang pinagmasdan ang dalawa kong kaibigan na laglag ang panga na nasa harapan ko. Laglag ang panga nilang pareho at mababakas sa mukha nila ang gulat at hindi makapaniwala. Napatigil sa pagkain si Kate at ganun di