Nakakapanibago. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko. Hindi ko alam kong bakit niya ako hinila papunta dito. Sumunod ako sa kaniya sa kusina. "bakit mo ako hinila papunta dito?.." sa wakas natanong ko rin. Tumingin sa akin si King at nahuli ko siyang kinagat ang pang ibabang labe. Nag kibit balikat ito at hindi na sumagot. Tumingin ako sa paligid at mas Lalo akong namangha dahil sa kagandahan ng kusina. Siguro si Yuan ang naging cooker nila. Bumuntong hininga ako ng biglang pumasok sa isip ko na baka dumating ang tatlo. Ano nalang ang gagawin ko at baka kong anong isipin nila. Ngumuso ako bago ko binalik ang paningin kay King na kumuha na ng bread. Nag slice ito ng gulay na pwedeng ilagay sa bread. "i don't eat vegetable!.." nakangusong sabe ko ng napagtanto kong gulay ang ilalagay n