Yumuko ako, nanginginig ang buo kong katawan dahil sa matinding pagpigil upang hindi tuluyang lumabas ang tawa ko. Kinagat ko ang pang ibabang labe ko. Napahawak pa ako sa batok ko habang nakayuko. "Lol, baliw to." Rinig kong komento ng isa sa mga kaibigan ko. Tiningnan ko ito ng seryoso pero sa oras na un parang gustong kumawala ng ngiti ko. Umiling iling akong umiwas ng tingin bago ko binalik kay Kylee na ngayoy naka upo na sa isang upuan habang pinagitnaan ito ng dalawa niyang kaibigan. Nagtama ang mata namin! Kitang kita ko ang gulat sa mata nito. Kaagad itong umiwas ng tingin at kitang kita ko ang pasimple niyang hawak sa kwelyo ng uniform niya at tinaas ito ng bahagya upang matakpan ang pink na band aid. Hindi ko na napigilan! Humalakhak na ako! "Naka drugs kaba? Anong klasing
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books