‘Lahat ng araw ng aking buhay ay sa iyo lamang i-uukol. Ikaw ang habambuhay na karugtong ng aking puso. Kung maubos man ang liwanag ng buwan o mapagod ang araw sa pagsabog ng liwanag sa sanlibutan, makakaasa kang hindi ang puso ko sa iyo.’ Tumahip ang dibdib ni Cazcoe nang mabasa ang huling mga linyang nakasulat sa libro ng magaling na manunulat, si Magnolia Crisostomo. Hindi bahagi ng kabuuang kuwento ang huling mga linyang isinusulat nito sa pinakadulo. It was, in his opinion, personal. Tila nanggagaling sa kaibuturan ng puso ni Magnolia. Lahat ng mga gawa nito ay may ganoong karugtong sa dulo pagkatapos ng pinakawakas ng kuwento. Several years ago, his team managed to contact the elusive and mysterious Magnolia Crisostomo. Ang totoo’y hindi siya ang direktang nakipag-usap sa manunulat