Episode 4

4048 Words
“Ya’ asan ang mag iina ko.” bungad agad ni Ivo pag pasok sa loob ng mansion ng salubungin sya ng yaya rosing nyang naka simangot. “Ikaw ivo e umayos. Wala kang mag iina rito. Mag asawa ka kung gusto mong merong uwian.” “Naniniwala kayo kay papa na kanya ang mga bata.” “May gusto ka ba kay Luxme.” natigilan si Ivo. “Wala.” sagot nya. Tumaas ang kilay ng matanda. “Puwes tigilan mo ang batang yun. Akala ko ng una hindi sya makakabuti sa papa mo pero habang tumatagal na nakakasama namin sya rito. Nakikita ko kung gaano sya kabait. Anak ang turing sa kanya ng papa mo kesa sa asawa kaya tigilan mo na.” “Ya’ maaga akong umuwi hindi para sermunan nyo. Gusto ko makipag laro sa kambal kung puwede pati sa mommy nila.” ngisi ni ivo habang paakyat sa hagdan. Napailing nalang naman si rosing. Iba ang kinikilos ni Ivo nitong mga nakaraang araw. Masyado nya itong kilala para hindi mapuna ang pag babago nito. Hindi lang niya tiyak kung dahil iyon sa asawa ng ama nito o dahil sa mga bata. Ilang beses rin nyang nahuli na lagi itong nakatitig kay Luxme sa tuwing hindi nakatingin ito at si Fausto. Kung nag karoon man ng relasyon noon si Luxme at Ivo. Malakas ang kutob nyang alaga lang nya ang nagkainterest kay Lux tas ni konting pag hangan wala syang nakikita sa mata ni Luxme kahit anong guwapo pa ng alaga. Habang si Ivo naman e puro kamunduhan ang nakikita nya sa mata nito. Bagay na naikakapailing nalang nya. Alam naman nya ang side na iyon ni Ivo na hindi naman talaga ito nag nonobya. Ginagawa lang nitong parausan ang mga babae. Ngunit kung inaari nitong anak nito ang kambal ibig sabihin ibang usapan si Lux. Masyadong maingat si Ivo sa babae dahil ayaw nito ng commitment pero dahil sa sinabi ni Ivo noong nakaraam na marami itong ideneposit natitiyak nyang. Meron ibang level si Lux xa buhay ni Ivo. “Maganda ang resulta ng mga counseling natin Lux. Just keep it up okay hija and here nga pala. Makakatulong rin ito sayo to keep you mind busy.” wika ng doctora na inabot sa kanya ang tatlong makakapal na libro. “Kailangan ko po ba talagang basahin to? Tamad po akong mag basa doctora.” anggal ni Lux lalo pat ang kakapal pa. Ngumiti ang matandang doctora na tinapik ang kamay nya. “Ano bang gusto mo manonood ka ng porn araw araw o magbabasa ka ng tagalog porn.” napangiwi. Sabagay nakakailang sa tuwing manonood sya ng porn. Mas okay na din sigurong mag basa nalang. “Hindi naman literally porn yan books. Actually it was a romance novel medyo marami nga lang steamy pero maganda ang story. I think makakatulong rin sayo ang mga kuwentong pag ibig with steamy hot s*x of course.” napatango tango naman si Luxme. Wala syang idea kung paano ma in love. Marami na syang lalaki dinate sa kagustuhan na rin ni don Fausto noon kaso ni isa walang nakapasa sa pang lasa nya. Kung meron man syang hinangaan lalaki noon walang iba kundi si Ivo kaso kung sasabihin tumibok naman ang puso nya para kay ivo hindi naman. Humanga lang sya sa gandang lalaki nito at sa ganda ng built ng katawan nito. Physical attraction ata ang tawag roon bukod dun wala na. “How was it your session hija.” salubong sa kanya ng matanda ng lumabas sya ng clinic ni Doc Pilar. “Improving daw po kaso po pinapabasa nya po lahat sa akin to.” binukas nya ang dalang paper. Tumawa ang matanda na kinusot ang buhok nya. “Tito Fausto.” sabay silang napalingon sa boses babaeng tumawag rito. “Bea Bianca hija. Kamusta kailan ka pa dumating?” “Kahapon lang po. Kayo po kailan pa kayo bumalik ng pilipinas? Is this for good.” tanong pa nito na nilingon lingon sya saglit. “I can’t answer your question it’s depends upon the situation.” “Hmmmm… so can i visit ivo.” “Ahh! Ikaw ang bahala alam mo naman pag dating sa taong yun ayokong makialam sa pinag kakaabalahan nya.” “Siguro na miss na rin ako ng kapre na yun. It’s been 6 years ng huli kaming mag kita. By the way who is she?” Tanong nito. “A she’s my daughter.” “Daughter?” shock ang rumihistro sa mukha ng babae. “Long story hija.” napatango nalang naman ito saka nginitian sya. “Hi! Im Bea Bianca Fuentes. Actually im a Ob gyne Doctor here.” “Luxme Montenegro.” pakilala naman nya rito mula kasi ng ikinasal si ni Don Fausto hindi na ito pumayag na hindi montenegro ang gagamitin nyang apelido. Ngumiti ang babae na nakipag shakehands pa sa kanya. “Sa wakas may mahihingian na ako ng tulong paano ko mapipikot si ivo.” Biro nito na ikinangiwi ni Lux. “Actually were not close.” wika ni Lux. Natawa naman si Bea. “Wala naman naging close na babae run maliban kay yaya rosing diba tito.” “Yes your right. So hija kailangan nanamin munang umuwi. Pumasyal ka nalang sa mansion kapag may free time ka. Were on vacation naman kaya you can visit anytime.” “Thanks tito. Nice meeting you Luxme.” tumango naman si Lux saka kumaway pa tito ng paalis na sila. Naiwan naman napasunod ng tingin si Bea sa mga ito. Napapaisip di nya alam na may anak sa labas ang ama ni Ivo. Napaka loyal nitong asawa sa ina ni Ivo kaya nakakapag taka lang na may anak ito sa labas kung pagmamasdan naman ang dalawa halatang mag ama nga ang closeness ng mga ito sa isat isa. - - - - - - - Tumaas ang kilay ni Ivo na napasimangot na natanaw ang pag pasok sa loob ng mansion ng ama at ng maganda nyang madrasta. Saan kaya galing ang dalawang to kung makangiti pa ay akala mo naman e talagang happily married. Mabibigat ang hakbang na bumaba ng hagdan si Ivo. Ang aga aga pa naman nyang umiwi dahil excited syang makipag laro sa kambal at makipag asaran sa mommy ng mga ito kaso wala naman pala syang dadatnan. “Saan galing ang lovebirds.” bungad nya habang pababa ng grand stair. “Yaya rosing tulog po ba ang kambal?” tanong ni Luxme na di pinansin ang tanong ni Ivo. “Ah oo tulog na ineng at napagod ata sa pakikipag laro sa kuya nila.” “Correction Im the Daddy not a kuya.” nakahalukipkip na wika ni Ivo. Napailing naman si Luxme napaka childish talaga nito ni hindi nya na imagine na ganito pala ugali ng lalaki ito. “Bakit ang aga mong umuwi Son.” “Na miss ko kasi bigla ang mag iina ko.” “Trinitivo.” pagalit na saway ng ama. Ngumisi naman si Ivo na tuluyan ng bumaba. Na alarma si Lux ng makitang papalapit ito sa kanya. Kumabog ang dibdib kaya mabilis syang lumapit sa ama nito. Napailing naman si Ivo mukha na ba syang monster bakit sa tuwing lalapitan nya ang babae ay ang bilis nitong magkubli sa tabi ng ama nya. Kitang kita rin sa mga mata nito ang takot na hindi man lang nito ikubli. Ano bang tingin nya sa akin Rapist!” inis na tanong nya sa sarili. “Why are keep avoiding me mommy… i want to suck a milk from you. awww!” daing ni Ivo ng kurutin na sya sa tagiliran ng yaya nya. Habang masama naman ang tingin sa kanya ng ama. “what? im just joking.. bawal na bang mag joke ngayon sa pilipinas.” “Not funny trinitivo. Let’s go ara.” wika ni Fausto na hinila na si Lux na ngumisi na nag belat pa kay Ivo. awang naman ang labi ni ivo na natawa. “Did you saw that yaya,. She’s just using my dad to annoyed me bigtime.” “Bahala ka na sa buhay mo bata ka. Ikaw e nasa tamang gulang na hindi ka naman ganyan dati.” iiling iling na wika ni Rosing saka tumalikod na.” Kanina pa palakad lakad si Ivo sa labas ng kuwarto ng ama. Gusto nyang kumatok pero nag kukuli sya. Paano kung may ginagawa ang mga ito nag hihimagsik talaga ang kalooban nya ng gigigil sya na di nya mawari. Gusto nyang kalampagin ang pinto at abalahin ang mga ito pero di rin nya alam pero parang natatakot syang makita. Umakmang kakatok na si Ivo sa pinto ng biglang bumukas iyon. Halatang nagulat si Lux ng makita sya. “Anong kailangan mo?” “Wala gusto ko lang mag goodnight.” “Goodnight then.” isasara na sana muli ni Lux ang pinto pero pinigilan nya. Nasa likod ng pinto ang babae na parang ikinukublinang katawan. Ano kaya ang suot nito. Naka lingerie kaya ito or wala itong suot na bra. Napalunok si Ivo sa isiping iyon. “Naiyak ang mga bata di sila makatulog baka gusto nila ng breastmilk.” “Hindi ako nag pa breastmilk.” “what? bakit… importante sa mga bata lalo na sa mga newborn baby ang breastmilk. “Im sick.” hindi agad nakaimik si Ivo halatang nagulat sa sinabi nya. May kinalaman kaya iyon sa mga nakita nyang pasa na lumabas sa katawan nito pero nawala rin ng may iturok dito ang ama. “Are you dying?” “Probably kung di mo ako titigilan.” kumunot ang noo ni Ivo. “Kung wala ka ng sasabihin umalis ka na.” “Hindi ka ba lalabas. Palabas ka diba?” wika ni Ivo na umalis pa sa pag kakaharang sa pinto. “Hindi bale na.” pag kasabi nun agad na nitong isinarado ang pinto. Inis na inis naman napasuntok sa hangin si Ivo. Kung di lang talaga ito kasal at asawa ng ama nya wala na syang pakialam. Hihilahin na nya ito at idederetso na sa kanyang kuwarto. Kahit naman madalas silang mag away mag ama at lagi silang nag papasaringan. Mahal pa rin nya ito. Hindi nya ito kayang tikisin kaya lang naman sila madalas mag away noon dahil sa sobrang awa nya na sa ama. Hindi biro ang pinag daanan nito sa mama nya. Nakita nya kung paano nito minahal ng sobra ang ina. Kaya tinatak nya sa isip nya na never syang tutulad sa ama na nag pakatanga dahil sa isang babae. Para sa kanya ang babae ay hinulma lang para gawin parausan ng isang lalaki at mag dugtong ng lahi sa mga kalalakihan. Love does’nt exist para lang yun sa mga bata. Hindi na sya bata kaya di nya kailangan mag mahal ng babae tama ng pag nasaan nalang nya. Si Luxme gusto lang nya ito dahil talagang iba ang datingan nito sa kanya. Ang pag kabuo ng bata ay di masabi kung ginusto ba nya o hindi. binigyan nya ito ng pills pero baka di nito ininom kaya naka buo sila pero dahil nasa harapan na nya ang bata okay na rin sa kanya. Cute naman ang mga baby nila kaya yes he loves the cuteness of the twins. “Ayoko sasama ako.” giit ni luxme. “May mga therapy ka pang kailangan tapusin hija. 1 week lang naman ako doon at babalik din ako. Si Yaya rosing na ang bahala sayo.” “Ayoko po papa sasama nalang kmi nila kambal.” ani Lux na gusto ng maiyak sa pakiusap. Napahinga naman ang Don. “Hija babalik naman si Fausto. Hindi ka naman pababayaan dito sa bahay.” ani Rosing. Sa kadahilanan na kailangan umalis ni Don Fausto. Sinabi na nito sa matandang babae ang sitwasyon nya. Kaya labis itong nag alala at kinabahan rin sa una dahil sa pasaway na si Ivo. “Pangako babalik rin ako agad hija. Make sure na kahit wala ako rito pupunta ka pa rin sa mga session mo.” “Ayoko sasama po kami ng kambal sa inyo.” “Wag matigas ang ulo arabella. Hindi puwede na katatakutan mo habang buhay si Ivo. You need to face him with courage.” humikbi si Luxme. “Mabilis lang ako roon pinaka matagal na ang 1 week.” “Paano kung may mangyaring masama sa akin wala kayo.” “Kaya nga ibinilin kita kay Rosing di ka nya pababayaan mag isa kay Ivo.” “Paano kung wala magawa si Yaya Rosing.” “Kahit ganun si Ivo takot parin sya kay Rosita.” wika ni Fausto. “At makinig ka matanda na ako. Hindi natin masasabi kung hanggang kelan pa ako mabubuhay sa mundong ito. Darating ang araw maiiwan at mamaiiwan ko kayo ng mga bata at si Ivo lang ang kaya kong pag iwanan sa inyong mag iina dahil afterall sya naman talaga ang punot dulo ng lahat ng ito.” “Mukha lang kayong matanda pero malakas pa naman kayo kesa sa kalabaw. Ayaw nyo lang kasing pumayag na kulayan natin buhok nyo. Kaya kayo nag mumukhang matanda kasi yang mga suot nyo pang matanda talaga.” reklamo ni Luxme na sabay na ikinatawa ng dalawang matanda. “Sige pag balik ko payag na akong kulayan mo ako pero kailangan pag balik ko. Hindi ka na takot kay Ivo. Slay him gaya ng mga ginagawa mo sa mga binasted mong ka blind date mo. Gamitin mo sa kanya yung mga galawan mo sa america noon.” alanganin napangiti si Lux. - - - - - - - Napabalikwas ng bangon si Lux ng pag dilat ng mata nya matanaw nyang wala ng nakahiga sa kama ni Don Fausto. Napatingin sya sa rilo hapon pa naman ang flight ni Don Fausto pero bakit wala na ito sa kama. Hindi naman ito nalabas ng silid nila hanggat tulog pa sya. Parang bata na nag tatakbo palabas ng kuwarto si Lux. “Hey slowdown.” narinig pa ni Lux ang malakas na sigaw ni Ivo na nakalingon pala nasa pang entrance ito ng pinto. “Papa!” malakas na sigaw ni Lux ng makitang nag mamadaling sumakay ng backseat si Don Fausto. Tatakbo na sana sya deretso palabas pero mabilis syang niyakap at pinigilan sa bewang ni ivo pero nag pumiglas rito. “Papa! papa.” halos mapunit na ang vocal cord ni Lux sa pag sigaw. Nag iyakan ang kambal na nagulat sa lakas ng sigaw nya habang buhat ng kanya kanyang yaya. mabilis na humarap si Luxme kay ivo at tinuhod ito sa harapan kaya nabitawan sya ng binata habang sapo nito ang alaga na napaluhod. Mabilis na tumakbo si lux at hinabol ang sasakyan ng matanda. Hindi inalintana kung nakayapak pa sya at nakaternong pajama. Sigaw sya ng sigaw habang humahagulgol. “Papa! Papa! Papa! ahhhhhh.” Bumagsak sya sa pagkakadapa malayo na ang sasakyan ng matanda ng mag angat sya ng tingin. “Luxme.” “Hija.” napalingon si Lux at nakita si Ivo at yaya rosing. Hindi na inalintana ni lux kung nakahiga syang padapa sa kalsada na parang batang umiiyak na iniwan ng inang pumunta ng palengke. “Papa.” mahinang hikbi ni Lux. “Babalik si Papa. Hindi naman sya mag tatagal dun.” ani Ivo na nilapitan sya saka inalalayan tumayo. Ayaw sana nyang mag pahawak rito pero ng hihina ang mga tuhod nya. Napaiyak pa syang lalo ng makitang dumudugo ang hinlalaki daliri nya sa paa. “Si Papa.” muling hikbi ni lux. Naramdaman naman nya ang pag buga ng hangin ni Ivo saka sya sya umangat sa ere ng buhatin sya nito. Nakatingin parin si Luxme sa kalsadang tinahak ng sasakyan ni don Fausto wala na ang sasakyan nito hindi na nya nakikita. “Papa.” “Look what you have done to your self.” palatak ni ivo. Sisigok sigok pa si Luxme habang nililinis ni Yaya rosing ang mga sugat na natamo nya sa pag kakadapa. Meron syang sugat sa siko, Kamay, Tuhod at daliri sa paa nya. “Kung makahabol ka parang di ka na babalikan. 1 week lang don si Papa.” “Hindi mo kasi ako na iintindihan. Wala kang alam.” hikbi pa ni Lux. “Hindi ko talaga mainitindihan. Ipaintindi mo sa akin. Asawa ka ba talaga ni papa o anak?” “Awww yaya.” daing ni Lux na bahagyang nailayo ang tuhod na nililinis nito. “Ano ba naman yang pinag sasabi mo ivo.” “Di nyo ba narinig kung makasigaw sya ng papa. Daig pa nya ako buti nalang walang tao sa kalsada nakakahiya kung may nakakita sa kanya.” “Tumigil ka na nga.” saway ni Rosing sa binata. Di naman umimik si Lux. Wala syang pakialam sa sasabihin nito. “Imposible naman kapatid kita. Dad never cheated mom at i already saw your marriage contract.” iling pa ni Ivo. “Papa. Tawag mo sa kanya then i heard papa called you Hija? nag lolokohan ba tayo rito. may shooting ba? Anong itinatago nyo sa akin ni papa.” muntik ng mapasubsob mapasubsob si Rosing ng aksidenteng mahila ni Lux ang matanda sa takot na baka hablutin sya ni Ivo. “What was that?” turan ni Ivo ng makita ang reaction ni lux ng hahawakan sana nya ito. Kitang kita nanaman nya ang mga takot sa mata nito. Kanina lang ay nakayakap ito sa kanya ng buhatin nya pabalik ng bahay. Ngayon heto nanaman yun nakita nyang takot simula ng magkita sila after 2 years. “Lumayo ka nalang muna Ivo. Hindi ka ba papasok sa opisina baka ma late ka.” wika ni Rossing na umayos na ulit ng upo pero hindi bumitaw si lux sa pag kakahawak sa manggas ng matanda na napansin ni Ivo pero di na sya umimik pa. - - - - - - “Ya’ si Lux.” bungad agad ni Ivo pag dating sa mansion. Kumunot naman ang noo ni rosing na napatingin sa rilo lunch palang. Hindi naman nauwi si Ivo ng tanghalian sa mansion ngayon lang ang una. “Baka nasa kuwarto nila kadarating lang nya.” kumunot ano noo ni Ivo. “Saan galing?” “Hindi ko alam inutusan ata sya ng papa mo kanina.” pag dadahilan ni Rosing pero ang totoo galing itong counseling session nito. Ayaw na sana pumunta ni Lux napagalitan lang ito ni Fausto kaya napilitang umalis kanina. “Bakit umuwi ka wala ka bang lunch meeting ngayon. Hindi ka yata busy sa opisina ngayon.” wika ni Rosing na nakasunod kay Ivo pa akyat sa 2nd floor na pinagtaka ni Ivo na nilingon ang matanda. “Are you following me yaya.” “Hindi. Tatawagin ko lang din si Luxme.” “Ako nalang po ya.” “Wag na ako na at may sasabihin din naman ako.” Wika pa ni Rosing na nag mamadaling umakyat. She’s so Beautiful usal na bulong ni Ivo habang karga karga nito si Gab na pinatutulog nito sa tapat ng dibdib nito habang mabagal itong sumasayaw. Bagay kay Luxme na maging mommy mas gumanda pa ito ng maging mommy na. Napalingon sa kanya si Lux. Ngingitian sana nya ito pero lantaran ang pag irap nito saka tumalikod sa gawi nya. “Pahiram muna sa baby ella ko.” wika nalang ni Ivo na kinuha sa isang katulong si Ella na parang ayaw matulog. Masama naman ang tingin ang pinukol sa kanya ni Luxme. “ibalik mo si Ella kay yaya Joy. Pinapatulog namin ang mga bata. Bakit ka ba nandito sa ganitong oras.” “Let’s eat together wala naman si Papa so im in charge.” “Anong pinag sasabi mo?” “Maganda ka lang pala pero mabagal ang IQ mo.” “Hindi ko lang kayang sabayan ang trip mo sa buhay.” sagot ni Luxme. “Ang sabi ko let’s eat together dahil wala si Papa ako muna ang proxy nya para may kasabay kang pagkain.” “Umuwi ka lang para sa ganun ka babaw na dahilan,” “Hindi ka babawan ang tawag dun. Ayoko ko lang may masabi sa akin si papa na pinabayaan ko ang asawa nya.” “Wag ka ng gumawa ng alibi mo. Katatapos lang namin kumain nila Yaya Rosing.” “Bakit di mo ako hinintay mag lunch.” tumaas ang kilay n Lux. “Una hindi ko alam na uuwi ka ng lunch pangalawa wala naman akong bakak kumain kasabay ka.” “Are you scared of me?” biglang tanong ni Ivo. Naging mailap naman ang mata ni Lux sabay tingin kay Yaya rosing. Hindi ata aware si Lux na masyadong madaling basahin ang mga kilos at tingin nito. Nagkatinginan sila ni Yaya Rosing. Kilala rin nya si Yaya Rosing natitiyak nyang may tinatago o inililihim ang matanda sa kanya. May alam ito na di dapat nyang malaman dahil kung wala bakit bigla parang binabantayan na nito si Lux at ganun din ang bawat kilos nya. “Bakit naman ako matatakot sayo. Ayoko lang mapalapit sayo dahil asawa na ako ng papa mo.” “Really or natatakot ka na baka mas mabaling ang atensyon mo sa akin kesa kay Papa.” “Malayong malayo ka sa papa. Hindi ko sya kailangan i compare sayo dahil masyadong syang nakakahigit sayo.” ngumisi si Ivo. “Talaga ba? Did a 79 years old grandpa can satisfied your needs in bed.” garapal na tanong ni Ivo na di na inalintana ang mga yaya’s na naroon. Mabilis na tumayo si Yaya rosing at pinalo sya sa balikat. “Ano ba yang lumalabas sa bibig mo ivo.” “Ya! walang masama sa tanong ko? it’s a natural thing. Unless nalang she take is seriously.” “Of course he did. Anong akala mo sa ama mo porket matanda na impotent na. He can still perform passionately. we didn’t f**ck! we made love.” magaspang ring sagot ni Luxme. Umigting ang panga ni Ivo na akmang lalapit kay Lux ng mabilis na niyakap sya ni Yaya Rosing at pinigilan habang si Lux naman ay mabilis na ibinaba ang bata sa crib saka nag mamadaling lumabas ng nursery room. Mabilis naman sinundan nya si Lux. Nasa pinto na ito ng silid ng ama ng abutan nya. Pilit pilit naman syang hinihila ng yaya rosing. Hindi makapasok ngayon si Lux sa kuwarto dahil hawak nya ang serandura habang kinulong nya ito sa pagitan ng kanyang dalawang braso. Ngumisi si Ivo parang dagang di mapakali si Luxme nakayuko ito at ayaw tumingin sa kanya. Kanina lang ang tapat tapang nito. “scared rat ha?” “Tigilan mo na sya ivo. Magagalit ang papa mo kapag nalaman nya tinatakot mo ang asawa nya at isusubong talaga kita.” banta ni Rosing. “Oh! come on yaya don’t be a kill joy. I was just teasing my step mom.” ani ivo na hinawakan ang baba ni Lux para itaas. “Tell me mas masarap bang ——- s**t.” bulalas ni Ivo ng biglang sinukahan sya ni Lux. Diring diri na napalayo sya rito nasa suot nyang itim na long sleeve ang lahat ng suka ni Lux na nagtatakbo papasok ng kuwarto na sinundan naman agad ni Yaya rosing. Habang sya naman ay malulutong na mura ang pinakawalan bago diring diri na hinubad ang damit doon mismo saka nag mamadaling tumakbo sa sariling silid para maligo. Di nya alam kung anong sakit ni Lux pero kung iisipin nya. Her illness trigger while his near, nasa ilalalim sya ng malamig na tubig ng shower habang isa isang hinihimay sa utak nya ang mga napuna kay Lux sapol ng dumating ito sa mansion. Ang mga kilos nitong hindi mapakali kapag malapit sya, Ang mga takot nitong kilos kapag lalapit sya, Ang pagtatago nito ng madalas sa likod ng papa nya, Ngayon kay Yaya rosing ito dumidikit dahil wala ang ama ay si Yaya rosing naman hindi ngayon umaalis sa tabi nito. “Her illnes concern me. I need to know.” usal ni Ivo habang patuloy sa pag iisip kung paano nya malalaman kung anong tinatago ni Yaya rosing sa kanya at ganun din ang papa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD