Kumunot ang noo ni Lux ng marinig ang malakas na boses na nag eeskandalo papasok sa loob ng bahay. Nasa pool area sila dahil nag swiswimming ang mga bata. Wala si Ivo pumasok kaya naiwan muna sila mag iina sa bahay. Ipapakuha nalang daw ni Ivo ang mga gamit nila sa hotel. Nagkasundo na sila na dun na muna sila mag sstay mag ina para sa papa Fausto nila. Iyon lang naman ang pakiusap ni ivo kaya pumayag na sya para na rin sa papa Fausto. “Ayan nanaman ang maligalig na babaeng yan.” ani Rosita. “Sino yun yaya?” “Ang ina ni Bea. Ayaw na nga lang patulan ni ivo at hahaba lang daw kaya hinahayaan nalang.” “Kung di nya papatulan di talaga titigil. Yaya kayo na muna mag bantay sa mga bata. ako na haharap sa kanya.” “Sigurado ka ba? maltida yun.” nag aalalang tanong ni Rosita. Ngumiti si Lux