Prologue
"Ang ganda ng bulaklak," manghang sabi ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga bulaklak sa kanyang kamay. Naglalakad lang silang dalawa ng kanyang nobyo sa kalawakan ng hardin na kung saan ay makikita mo ang mga iba't-ibang uri ng bulaklak.
Kinuha naman ng binata ang bulaklak mula sa kamay ng binibini at sabay sabing, "kasing ganda mo."
Hindi maitago ng binibini na namula ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabing iyon ng binata. Nilagay na rin nito ang bulaklak paipit sa tenga ng dalaga. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa mga panahong iyon, sa libo-libong taon niyang nabuhay hindi pa niya naramdaman ang ganitong klase ng kasiyahan. Lubos ang kasiyahang nadarama niya ngayon dahil nahanap niya si Yeon-min, ang kanyang iniibig. Pinagmamasdan niya naman si Yeon-min habang nakangiti ito at nakatingin sa iba't-ibang uri ng bulaklak sa harding kanilang pinagtatambayan sa mga oras na iyon.
Hanggang sa naisipan ng dalaga na kuhanin ang kamay ni Kyung-so dahilan ng pagkagulat nito. Napansin nito na may sugat siya sa kamay dahil na rin sa hindi niya tinitignan ang mga hinahawakan niya at ang tanging pokus lang niya ay sa dalaga, maski siya ay hindi napansin na dumudugo na pala ang kanyang kamay.
Tinaggal naman niya ang tali mula sa kanyang buhok at iyon ang pinangbalot niya sa kamay ng binata.
"Huwag mong hahayaang masugatan ka ulit ha?" natawa konti si Kyung-so dahil sa payong iyon ng iniibig niya na si Yeon-min.
"Konting sugat lang naman iyan. Saka madami na akong napagdaanan dito sa mundo maliban dito, ilang libong taon na akong namuhay rito. Kaya ko na ang sarili ko, huwag kang mag-alala okay?" Si Kyung-so naman ang kumuha ng kamay ni Yeon-min at hinalikan mula sa likod nito. "Proprotektahan kita hanggang sa kahulihulihan ng hininga ko," sabi pa niya pero pinigilan din siya ng dalaga sa sinabi nito sa kanya.
"Hindi, ako ang proprotekta sa 'yo," natawa nalang muli si Kyung-so pero sinamaan lang siya nito ng tingin dahilan ng pagtigil niya sa pagtawa. "Totoo nga, proprotektahan kita kahit anong mangyari," pagpumilit nito kaya napa-oo nalang si Kyung-so para hindi na sila magtalo pa.
Hanggang sa pinulupot na nga ni Yeon-min ang kanyang kamay payakap kay Kyung-so at binaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Si Kyung-so naman ay tinapik-tapik naman din ang ulo ng dalaga habang magkayakap pa rin sila.
"Manatili ka sa tabi ko ha?" sabi ng dalaga na ipinagtaka ng binata dahil wala naman siyang pupuntahang iba kung hindi sa kanya lang.
Ang iniisip niya sa mga panahong iyon ay parang namamaalam na ang kasintahan sa mga pinagsasabi nito ngayon.
"Ano bang pinagsasabi mo Yeon-min? Syempre mananatili ako sa tabi mo," pahayag nito pero hindi ito sinagot ng dalaga at naluha lang siya habang magkayakap pa rin sila at napangiti.
Doon lang sila nakarinig ng boses ng mga tao na papunta na sa direksyon nila.
"Patayin ang gumiho!" rinig ng dalawa na sigaw ng mga tao kaya napakalas sila ng yakap sa isa't-isa.
"Pano nila ako nahanap?" nagtatakang tanong nito.
Napaluha nalang muli si Yeon-min at hanggang sa natatanaw na sila ng mga tao kung saan sila nakatayo, sa gitna ng hardin.
"Hayun sila," sigaw ng mga tao nung nakita nila ang dalawa.
Hinawakan niya ang kamay ni Yeon-min para tumakas nanaman sa mga taong naghahanap sa kanya. Tumakbo man sila ng mabilis ay naabutan pa rin sila ng mga tao kaya hinarap nalang din ni Kyung-so sila at tinago si Yeon-min sa likod niya para kahit papaano ay maprotektahan niya ang kanyang mahal.
"Anak halika na, halimaw iyang iniibig mo." Napalingon siya sa mga tao at nakita niya roon ang kanyang ama.
"H-hindi," nanginginig niyang sabi. "Hindi siya halimaw ama," sabi muli nito at tinignan ng diretso ang kanyang ama. "Mahal na mahal ko siya ama!" saad pa nito sa ama niya.
Kita niya ang pagkadismaya ng kanyang ama sa kanya.
"Mapapahamak ka lang!" sigaw ng ama niya pero hindi niya ito pinakinggan at hinawakan pa niya ang kamay ng binata.
Tinignan naman siya ni Kyung-so at hindi nakita ang paparating na palaso patama sana sa kanya pero dahil sinalo ito ni Yeon-min ay sa kanya tumama ang palaso. Napalaki ang mata ni Kyung-so dahil sa kanyang ginawa. Pati ang kanyang ama ay gulat din pero hindi siya makalapit kay Kyung-so dahil ang tingin pa rin niya sa kanya ay halimaw ito at mapanganib ito kung lalapit man ito sa kanya.
"Yeon-min! H-hindi!" Napaiyak nalang siya dahil sa nangyari.
Nakahiga na ngayon si Yeon-min sa braso ni Kyung-so.
"H-hindi pwedeng mangyari 'to," iyak pa rin ni Kyung-so.
Pero nagkaroon siya ng pag-asa nang muling nagmulat ng mata si Yeon-min.
"Y-Yeon-min," banggit niya na patuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang luha.
"Kung bibigyan man ako ng pagkakataong muling mabuhay, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at mamahalin ko, paalam aking mahal," huling sabi nito at nagpakawala pa siya ng luha bago tuluyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Hindi!"