Kinabukasan ay uwian na namin pabalik ng siyudad. Nakayakap si Nicco sa akin mula sa likod habang nkatanaw sa mga kasama naming nagpapaalam sa mga taong kaharutan este naging malapit na sa kanilang mga puso. Napatingin ako kina Ate Edz at Kuya Renz, katulad namin ni Nicco ay masayang pinagmamasdan sina Xymich, Sel at Ate Luz kaharap ng kani-kanilang mga partner. "Thank you for the three days, two nights, Seventeen hours, thirty one minutes and sixty nine seconds of harutan with you, babe." pamamaalam ni Xymich kay Grey, akala mo talaga seryoso, nakahawak pa talaga sa mga kamay ni Grey habang nakatitig sa mukha nito. Si Grey naman pilit na sumeryoso kahit gustong-gusto ng tumawa. "I'm gonna miss you." "I'm gonna miss you to, babe." pagkasabi'y kinintalan nito ng halik sa labi si Xymich n