ERA’S POV
I was once a good and obedient daughter until...
Five years ago…
BINABAGTAS pa lamang namin ng personal bodyguard slush personal driver ko na si Kuya Renz ang daan pauwi sa mansyon ay ‘di ko na mapigilan ang excitement na nadarama ko. The faculty just posted the list of graduating students for this school year. Kinakabahan pa ako noong una dahil nakailang ulit na akong naghanap ng pangalan ko sa listahan—sa baba ng mga students with flying colors—ngunit ‘di ko mabasa-basa at mahanap-hanap ang pangalan ko, 'yon pala kasali ako sa listahan ng mga graduating student with honors. Napatili ako at nagtatatakbo patungong parking lot kung saan naghihintay si Kuya Renz upang sunduin ako. I was so excited to go home to share my good news with my parents.
Pagkahinto ni Kuya Renz ng sasakyan sa driveway sa tapat ng main door ng mansion ay agad kong binuksan ang door ng backseat ng kotse. Patalon akong bumaba ng kotse habang nakasukbit ang backpack ko sa aking likuran at saka humarurot ng takbo papasok sa loob ng aming bahay.
“Mom! Dad!” I yelled. I couldn't help it. I’m just so excited to announce it to them. Nagningning ang mga mata ko nang makita ko si Daddy pababa ng hagdanan, nagmamadali, kasunod nito si Mommy, parehong nakapanglakad ang dalawa. Nasa isip ko baka kauuwi lang nila mula sa kompanyang pagmamay-ari namin. “Mom! Dad! I have good news!” I exclaimed. Kay lapad ng mga ngiti ko ngunit unti-unting nawala ito nang makita ko ang dalawang maids namin na may bitbit na bagahe kasunod ni Mommy pababa ng hagdanan. Napasulyap silang dalawa sa akin. Ang excitement ko ay dahan-dahan ding nalusaw. Ang ningning sa mga mata ko ay napalitan ng lungkot. Nawala ang sigla sa katawan ko. They're gonna leave me again.
“Can we talk about your good news when we get back home, honey?” my mom said, but her attention was not on me. Kasalukuyan nitong kinakabit ang hikaw niya sa kaliwang tainga, nagmamadali, tila may humahabol. Si Daddy nama’y tila hindi interesado sa ibabalita ko. Balisa ang mukha nito, ang dalawa’y pawang nagmamadaling umalis.
“Aalis na naman kayo?” malungkot na saad ko.
“Emergency, honey. We need to check our factory in Taiwan.” Business again. Kailan ba ako maging priority ng mga magulang ko? Nag-iisa na nga lang akong anak, nanlilimos pa rin ako ng atensyon mula sa kanila.
“I will graduate with flying colors!” masiglang anunsyo ko sa kanila, hoping it would change their mind from leaving and choose to stay for a while to celebrate my achievements. Napahinto silang dalawa, napatingin sa akin, napangiti ako, nagkaroon ako ng munting pag-asa nang makita ang reaksyon nilang dalawa. Nang tuluyan silang makababa ng hagdanan ay nilapitan nila ako. Niyakap ako ni Daddy, sumunod si Mommy.
“Congrats, anak! I’m so proud of you!” Daddy sincerely said. Naiiyak ako, ang sarap pakinggan, but when I was about to talk, his attention was diverted by the sound of his phone. Itinaas nito ang hintuturo, “A second, princess,” pagkasabi ay sinagot nito ang phone at bahagyang lumayo sa akin. Nalipat ang tingin ko kay Mommy.
“Stay please, let’s celebrate,” I pleaded, naiiyak ako ngunit pinipigilan ko lang ang sarili. Ba’t ba ako maiiyak? Dapat nasanay na ako. Ano ba’ng bago? Lagi naman nila akong iniiwan kahit pa nga noong nagkasakit ako, walang isa sa kanila ang nag-alaga sa akin. Mabuti na lamang at nand’yan si Manang Diding upang alagaan at asikasuhin ako. Malungkot na tiningnan ako ni Mommy at sandaling sinulyapan niya si Daddy.
“I love to, but we urgently need to go to Taiwan. Hope you understand, honey. Promise babawi kami ni Daddy sa pagbalik namin.” Mangangako na naman, nakailang pangako na ba siya, sila ngunit ni isa wala namang natutupad.
“But, Mom—”
“Let’s go now, sweetheart.” Sabay na nalipat ang tingin namin kay Dad. Nilapitan ako ni Daddy at kinintalan ng halik sa buhok ko. “We’ll go now, we’ll make it up to you. You have your credit card; buy anything you want. I love you,” he said before he held mom’s hand sabay hila nito papuntang pintuan.
“I love you, honey.” Mom kissed my hair bago nagpatianod kay Daddy palabas ng mansion. Paano ko ba sasabihin sa kanila na sila ang mas higit na kailangan ko at hindi ang mga materyal na bagay na binibigay nila sa akin? Walang katumbas ng kahit na anong mamahaling bagay ang maramdaman na mahal nila ako, na importante ako sa kanila.
Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan silang umalis, ni ang sulyapan sila ay ‘di ko ginawa at nang marinig ko ang ugong ng kanilang sasakyan palayo ay ‘di ko na napigilan ang isa-isang pagpatak ng mga luha ko. Kung kanina, nagniningning ang mga mata ko dahil sa galak, ngayon nagningning ang mga iyon dahil sa mga luhang nag-uunahang makatakas. It hurts, damn! It hurts to be neglected by my own parents. It hurts to feel unloved, and it hurts to feel like the very least of their priority. Napatakbo ako paakyat ng hagdanan, patakbo kong tinungo ang silid at padapang humiga sa malaki at malambot kong kama.
“I hate you! I hate you! I hate both of you!” Napahagulgol ako. Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko. Nagsisikip ang dibdib ko. They are my parents, they’re supposed to be the first person to protect my feelings, my heart, but they are the main reason why I am hurting right now, sobrang sakit lang. Hanggang kailan ba ako magmamalimos ng atensyon sa sarili kong mga magulang? Kahit mahirap pinilit kong mag-excel sa klase for this school year, nagbabakasakali na kapag nag-top ako sa klase makuha ko ang atensyon nila, but it was still the same, nothing has changed. Napunta lang sa wala ang lahat ng pinagpaguran ko.
“MELANIA.” Napahinto ako saglit nang harangan niya ang daraanan ko. Kalalabas ko lang ng library. He is Steven Jake, isa sa makulit kong manliligaw. We were friends before, before he confessed his feelings for me at mula noon ay iniiwasan ko na siya lalo na at kaibigan ko rin ang girlfriend niya. Nakailang prangka na ako na ayaw ko sa kanya. Una, dahil may girlfriend siya. Pangalawa, hindi ko siya gusto at pangatlo, wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon. Masyado pa akong bata para dito, I’m just sixteen years old. “Please, pansinin mo ‘ko kahit ‘wag mo na akong sagutin, maging friends lang tayo ulit. Nakikiusap ako.” Kahit ramdam ko ang sinseridad niya ay umiwas pa rin ako.
“Ayoko,” I coldly said bago ko siya nilagpasan at nagpatuloy sa paglalakad, ngunit laking gulat ko nang mula sa likuran ay niyakap niya ‘ko.
“Melania, please!” Nagpumiglas ako. Pinilit kong tanggalin ang mga braso niya sa baywang ko. Napatingin ako sa paligid, natatakot na may makakakita sa aming dalawa. Nakakahiya, baka kung ano’ng isipin ng ibang estudyante o kaya’y mga teacher namin, pero ang sobra kong inaalala ay ang makita kami ni Hadjar—ang girlfriend niya, baka kung ano ang isipin nito.
“Jake, ano ba! Bitiwan mo ‘ko—”
“Mga hayop kayo! You, b***h!” ‘Di na ako nakapalag pa nang bigla akong sinabunutan ni Hadjar. Nabitiwan ako ni Jake upang awatin ang girlfriend nito, ngunit dahil mahaba ang buhok ko ay nahapit pa rin ito ni Hadjar. Napaluhod ako sa lupa, hindi ako nanlaban, hindi ko alam kung paano. I have never been into a fight. Matino akong estudyante, tahimik, ayaw ko ng gulo, hindi ako marunong manlaban. Inaalagaan ko ang pangalan ko for my parents. “Akala mo kung sinong santa santita! Pero may tinatago palang kalandian sa katawan! Leach! b***h! Bakit? Masarap ba boyfriend ko, ha?”
“Stop it, Hadjar! It’s not what you think! Walang ginagawang masama si Melania!”
“Asshole! Isa ka pang hayop ka!” Narinig ko ang paglagapak ng palad nito sa kung saan.
Tinanggap ko lahat ng mga kalmot at sabunot ni Hadjar. Hinayaan ko siyang saktan ako.
“Ms. Aliman! Ms. Lardizabal! Stop it!” narinig kong sigaw ng aming librarian, ngunit si Hadjar ay tila walang narinig at patuloy pa rin sa pananakit, pananabunot, at pangangalmot sa akin hanggang sa hindi ko na maramdaman ang mga malulupit na kamay nito sa akin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin ngunit nandoon pa rin ang takot ko na baka masapo ulit ako ni Hadjar. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Kuya Renz, hinarang nito ang sarili, prinoprotektahan ako mula sa pananakit ni Hadjar.
“What’s going on here?!” Nakuha ang atensyon naming lahat ng principal naming si Ma’am Ednalyn Lamicday. Yumuko si Kuya Renz at inalalayan niya kong tumayo. “Ms. Aliman and Ms. Lardizabal, in my office, now!” Tila niyanig nito ang buong campus sa lakas ng kanyang boses. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa aming lahat. Kinakatakutan siya ng lahat ng estudyante at maging ng mga teacher dahil sa kasungitan nito. She’s so strict. I think she’s in her thirties but still she is single.
“And why are you here?” Baling ni Ma’am Lamicday kay Kuya Renz. Nasa loob na kami ng principal’s office, sinamahan ako ni Kuya Renz dahil natatakot itong saktan akong muli ni Hadjar.
“Pinoprotektahan po ang alaga ko, Kita n'yo naman po, puno ng mga kalmot ang mga braso—”
“I am not blind, mister. You can go now and don’t worry, I won’t allow violence inside my office,” maawtoridad na saad ni Ma’am Lamicday, hindi agad kumilos si Kuya Renz, nakipagtitigan pa ito kay Ma’am Lamicday. Tinaasan naman siya ng kilay ng masungit naming principal. “Is there any problem, Mr.?”
“I’m sorry, I just can’t stop myself from staring at you. Ang ganda n'yo po, ma’am, at mas t’yak ‘pag ngumiti kayo. Excuse me,” pagkasabi ay agad na tumalikod si Kuya Renz upang iwan kami. Napaawang ang mga labi kong sinundan ng tingin si Kuya Renz, pagkatapos ay binalingan ko si Ma’am Lamicday. Nakita kong napakibot ang mga labi nito sabay mataray na inayos ang nakapangkong buhok sa magkabilang gilid ng ulo gamit ang dalawa niyang mga palad. Hindi namin magawang ngumiti dahil sa nangyari, kung sana ay nasa ibang sitwasyon kami marahil ay napangiti na kami sa tinuran ni Kuya Renz.
“What are you staring at?!” mataray na saad niya sa amin, sabay naman kami ni Hadjar na napayuko.
“You both! I need to see and talk to your parents tomorrow.”
I KNOCKED three times in my parent’s room; they just got back from Taiwan. Mommy opened their door. “Yes, honey?” bungad nito sa akin. I handed her the letter that came from the principal’s office. Nakakunot ang noo niyang inabot ang binigay kong letter. ‘Di ko na siya hinintay na basahin ito. Basta ko na lamang ibinigay iyon at umalis. Tumalikod ako at tinungo kong muli ang silid ko. Umupo ako sa ibabaw ng kama, pumaloob ako sa ilalim ng aking comforter, at nagtalukbong. Hindi na ako umaasa na pupunta kahit isa sa kanila. Katulad ng nakasanayan, every PTA meeting, either it’s Mommy’s secretary or Daddy’s ang papuntahin nilang dalawa. They don’t care about me. Hangga’t nasa isipan nila na naibibigay nila lahat sa akin ay magiging okay ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, naligo, at nagbihis ng school uniform. Naglakad ako pababa, I was shocked to see my parents at the dining table. Nakasanayan ko nang kumain mag-isa dahil either tulog sila sa tuwing nagbe-breakfast ako bago pumasok ng school o kaya’y nauna ang mga itong magising at pumasok ng opisina. Dad was seated at the edge of our long table habang si Mommy ay nakaupo sa silyang malapit sa left side ni Daddy.
“Good morning, Dad.” Lumapit ako kay Daddy at hinalikan ito sa pisngi. “Mom.” I also kissed mom’s cheek before I sat beside her. Kinuha ko ang fork sa gilid, kumuha ako ng bacon at egg saka nilagay iyon sa plato. I started eating.
“We will go with you to your school.” Napatigil ako sa pagkain at napalingon kay Mommy. Hindi ko alam kung matutuwa o ikadidismaya ang sinabi niya.
“We’re just hoping Renz was telling the truth na wala ka ngang kasalanan.” Nalipat ang tingin ko kay Daddy. “We’re too busy, Melania, but because of what you did—”
“I did nothing, Dad,” I cut him off. “And what's new anyway? Lagi naman talaga kayong busy, ‘di ba?” I sarcastically asked.
“Melania!” sawa’y sa akin ni Mommy. “Kailan ka pa natutong sagot-sagutin ang daddy mo?”
“Kung alam ko lang na bibigyan n'yo ‘ko ng pansin sa bawat pagkakamali ko, sana noon ko pa ginawang makipag-away sa school. Sana hindi na lang ako nagpakabait and do well in school dahil hindi n'yo rin naman ako pinapansin—”
“Isa pa, makakatikim ka sa akin—”
“Go ahead, Dad! I don’t really care! You’re too quick to judge my mistake, just one mistake na ‘di ko naman talaga kasalanan, but did any of you remember that I’ll be graduating with honors? Wala, ‘di ba? Because you’re too busy with your business. Nag-anak pa kayo, ‘di n'yo naman kayang bigyan ng pansin, ni ang pag-aalaga ay ‘di n'yo magawa. Inaasa n'yo sa ibang tao,” pagkasabi ko’y tumayo ako at nilisan sa hapag ang mga magulang ko.
“Melania!” narinig ko ang malakas na pagtawag ni Mommy, ngunit ‘di na ako nag-abalang lingunin siya. Galit ako. Galit na galit. Dire-diretso ang mga hakbang ko palabas ng mansion. Nakita kong nakaabang na ang sasakyan at nakabukas na ang pinto, ramdam ko ang paninitig at simpatya ni Kuya Renz ngunit ‘di ko iyon pinansin. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng kotse, I sat at the backseat. Just when my tears fell, sinarado ni Kuya Renz ang pinto. Mabilis kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko.