Sinarado ni Kuya Renz ang likod ng kotse bago niya kami iniwan na dalawa, napapangisi pa nga ito, aliw na aliw sa sinabi ni Nicco samantalang ako heto parang kamatis na sa pula ang aking mukha dahil sa hiya. Binaling ko ang tingin kay Nicco nakita ko pa siyang nakipagtitigan ni Kuya Renz habang nakangisi, duda ko may pinaplano ang dalawang ito.Kay bilis niyang nilipat ang mga mata sa akin, mas lalo lamang lumaki ang duda ko. Sinamaan ko siya ng tingin at minalditahan, tinawanan lamang niya ako na mas lalong kinainis ko. “He! Manyak! Alis!” tinulak ko siya sabay walk-out. Nagmartsa ako papunta sa pintuan ng backseat ngunit bago pa man lumapat ang kamay ko sa handle ng pintuan ay kay bilis na hinapit ni Nicco ang baywang ko, sabay hila sa akin papasok sa loob ng bahay namin. “Nicco! Put me