Prologue
PROLOGUE
Lily’s Pov.
Malakas na putok ng baril ang umalingawngaw na narinig ko. Narinig ko ang malakas na hagakhak na akala mo demonyo. Nagmamadali akong nagtago sa madilim para hindi niya ako makita. Diyos ko tulungan nyo po ako!’’ Sambit ko habang naka upo sa sulok.
‘’Lily! Lily! Lumabas ka na dyan mahahanap pa rin kita kahit saan ka magtago.’’ Sabi niya sa malambing na boses.
Nanginginig mga tuhod ko sa takot baka makita niya ako dito sa sulok na pinagtataguan ko.
‘’Lily lumabas ka na dyan!’’ Sigaw niya sa akin habang nanlilisik ang kanyang mata. Alam kong nandito ka lang mahahanap din kita!’’ Dagdag niya pa ito.
Tinakpan ko ang aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay. Bigla kong nakita ang kanyang paa at sinilip ko siya sa maanigan ko ng ilaw sa kinaroroonan ko. Nakita ko si Liam na may dalang baril na nanlilisik ang kanyang mga mata. Pinagpapawisan na ako sa takot ng makita siya na nakatayo sa pinagtataguan ko.
‘’Diyos ko huwag nya po sana niya akong makita dito sa kinaroroonan ko. Kailangan pa ako ng mga anak ko!’’Sambit ko habang na nanalangin na huwag makita ni Liam.
Biglang nawala si Liam sa kinatatayuan niya napasilip ako sa liwanag. Maya maya may narinig akong bagay na parang hinihila sa sahig.
‘’Ayaw mong lumabas Lily! Gusto mong makita ang asawa mong naghihingalo na!’’ Sigaw niya habang hila hila niya si Sebastian sa sahig.
Napaiyak na lang ako ng nakita ko ang asawa ko puro dugo ang kanyang mukha.
‘’Lily kahit anong mangyari wag kang lalabas tatagan mo sarili mo hayaan mo na ako. Iligtas mo na sarili mo!’’ Sigaw ni Sebastian sa akin.
‘’Tumigil ka!’’ Sigaw ni Liam sa kanyang kuya habang tinadyakan ng malakas sa tyan.
Napa ubo ng malakas si Sebastian ng tinadyakan siya ni Liam. Awang-awa na ako sa asawa ng makita ko ang umuubo na siya ng dugo.
‘’Parang awa mo na Liam pakawalan mo na si Lily may mga anak kami ako na lang saktan mo!’’ Sigaw ni Sebastian na nagmamakaawa sa kanyang kapatid.
‘’Maawa? Bakit naawa ba kayo sa akin sa ginawa ninyong pagkulong sa akin?’’ Sumbat ni Liam kay Sebastian. Idadamay ko lahat pati pamilya mo! Ayokong sumaya kayo tapos ako nagdurusa Sebastian!.’’ Sigaw ni Liam kay Sebastian.
Hinawakan ni Liam si Sebastian sa buhok at hinila ito. Ngitngit sa galit si Liam habang hawak ang baril na tinutok kay Sebastian. Tatangkain niya sanang barilin ng sumigaw ako.
‘’Wag parang awa mo na Liam wag mong gawin yan sa kuya mo! Magkapatid kayong dalawa Liam parang awa muna!’’ Sigaw ko sa kanya na nagmamakaawa.
‘’Lalabas ka din pala pero huli na Lily sa pagmamakaawa mo.’’ Wika niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
Walang awa niyang binaril sa tagiliran si Sebastian napasigaw na lang siya nang nakita niyang duguan ang kanyang asawa.
‘’Hayop ka sarili mong kuya binaril mo! Napaka hudas mong tao wala kang puso demonyo ka na talaga!’’ Sigaw ko kay Liam habang inaalalayan ko ang asawa ko habang naghihingalo na akay ko sa braso.
Iyak ako ng iyak habang nakikita kong naghihingalo na si Sebastian sa braso ko.
‘’Iligtas mo na sarili mo Lily. Ikaw na bahala sa kambal natin. Mahal na mahal kita Lily tandaan mo yan.’’ Wika niya habang malapit na siyang malagutan ng hininga
‘’Sebastian! Sebastian parang awa mo na wag mo kaming iwan ng mga anak mo. Lumaban ka para sa amin please Sebastian!’’ Hagulgol kong sabi sa kanya habang inaalalayan siya.
‘’Mahal na mahal kita Lily..’’ Sambit niya sa huling sandali ng hininga niya
Sebastian! Sebastian! Sebastian!’’ Sigaw ko habang wala ng buhay ang mahal ko.
‘’Honey! Honey! Gising binabangungot ka! Gising!’’ Gising ni Sebastian sa akin habang nakahiga ako sa tabi niya.
Nagising ako bigla ng ni yuyugyug ako ni Sebastian sa tabi nito.
‘’Honey!’’ Napasigaw ako bigla sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Pawis na pawis ako sa pagkagising ko.
‘’Grabe ungol mo ng iyak habang tulog ka mommy na gising din ako sayo.’’ Sambit ni Sebastian sa akin.
‘’Akala ko totoo lahat honey napakasama ng panaginip ko!’’ Sabi ko sa kanya agad.
‘’Ano ba panaginip mo Lily grabe pag iyak mo?’’ Tanong niya sa akin
‘’Si Liam nakita ko ikaw at ako nasa lugar na hindi ko alam basta kaunti lang liwanag ng nakikita ko. Bihag ka ng kapatid mo habang ako nagtatago sa sulok sa madilim.Tapos babarilin ka ni Liam lumabas daw ako para tulungan ka. Tapos nagmamakaawa daw ako sa kanya na huwag kang barilin pero binaril ka pa rin niya Sebastian. Iyak ako ng iyak dahil wala ka na honey.’’ Kwento ko habang umiiyak ako sa harapan ni Sebastian.
‘’Panaginip lang yun mommy hindi mangyayari yun. Hindi kita iiwan sabay tayo palakihin sila Hope at Faith.’’ Anas niya sa akin habang nakaupo kaming dalawa sa kama.
‘’Saglit kukuha ako ng maiinom mong tubig sa kusina honey.’’ Wika nya sa akin.
Bumangon si Sebastian saka lumabas ng kwarto para kumuha ng maiinom na tubig.
‘’Diyos ko po sana walang mangyari sa asawa ko.’’ Sambit ko sa sarili habang maliwanag pa sa isipan ko.
Bumalik na si Sebastian may dala dalang isang basong tubig para sa akin.
“Ito inumin mo muna honey para naman guminhawa pakiramdam mo.” Sabi niya sabay abot sa isang basong tubig.
“Salamat honey." Wika ko sa kanya.
“Ano kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Okay na ako hon salamat." Agad kong nginitian siya habang nakaharap sa akin.
“Matulog na ulit tayo anong oras pa mag alas tres pa ng madaling araw." Wika ni Sebastian sa akin.
“Sige hon tulog na tayo ulit." Sagot ko sa kanya.
Humiga na kaming dalawa sabay yakap sa akin at hinalikan sa noo. Nakatingala lang ako sa kisame habang nakayakap sa akin si Sebastian. Hinaplos ko ang buhok niya habang tulog siya sa tabi ko.
“Hindi ko kakayanin pag nawala ka Sebastian. Hindi ko talaga kakayanin." Sambit sa isipan ko habang tinititigan ko siya habang tulog.
Ipinikit ko na din ang mga mata ko at yumakap ng mahigpit sa aking asawa.
Kinabukasan nagulat na lang kaming dalawa ni Sebastian ng biglang sumakay ang dalawang bata sa kama namin habang tulog pa kami dalawa.
Mommy,daddy gising na po kayo!” Sigaw nila habang nagkakagulo ang dalawa sa paghalik sa amin.
“Hala bakit ang aga nyo naman gumising mga anak natutulog pa kami ni mommy." Sambit ni daddy Sebastian sa kanila.
“Daddy play tayo ni tito Elias sa labas please!" Pagmamakaawa sabi ni Faith sa kanyang ama.
"Baby maaga pa tulog pa si tito Elias ninyo. Baka mapagalitan tayo gisingin siya sa kwarto niya. Later pag bangon niya sasabihan natin sa kanya na gusto niyong makipaglaro sa kanya.” Paliwanag ni Sebastian sa mga bata.
"Ay ganun po ba baka matagal pang magising si tito Elias tayo na lang po. Let's go outside daddy please.” Pagmamakaawa na naman ni Faith sa kanyang daddy.
“Sige na pagbigyan mo na mga anak mo daddy. Ilang araw na lang babalik ka ng Manila na kaya sulitin mo muna habang nandito ka pa sa tabi nila." Wika ko sa kanya habang nakahiga pa kami sa kama.
Napatingin siya sa akin agad ng sinabi ko sa kanya.
“Okay maghilamos lang si daddy saka lalabas na din tayo para maglaro.” Wika niya sa dalawang bata.
"Yehey lalabas na kami para maglaro.” Masiglang sigaw nilang dalawa .
Bumangon na si Sebastian saka pumunta sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.
Tuwang tuwa ang mga bata nagtatalon ang dalawa habang hinihintay nila ang daddy nila lumabas.
"Saglit halika muna kayo aayusin ko muna mga buhok bago kayo lumabas ng bahay.” Tawag ko sa kanila
Lumapit si Faith para magpaayos ng buhok niya sa akin. Sinuklayan ko muna ang kanyang buhok saka itinali ito.
Sumunod si Hope para mag paayos ng buhok din.
"Mommy aalis ba si daddy?” Tanong ni Hope sa akin.
"Yes anak kailangan magtrabaho ni daddy sa Manila. May mga naiwan siyang business doon kaya hindi siya pwedeng magtagal dito.” Sagot ko sa kanya .
“Bumalik na kaya tayo sa Manila mommy para may kasama si daddy sa house natin." Wika ni Hope sa akin.
Biglang lumabas si Sebastian sa banyo at napatingin ako sa kanya.
“Hindi anak dito na muna kayo kay tito Elias niyo babalik naman si daddy pag wala masyadong work." Paliwanag ko sa kanila.
"Promise yan daddy babalik ka?” Malungkot na tanong ni Faith sa kanyang daddy.
"Oo promise ko yan sa inyo. Basta si daddy mag work muna para naman sa future ninyong dalawa.” Sagot ni daddy Sebastian sa kanila.
"Mamimiss ka namin daddy pag wala ka na sa tabi namin daddy.” Malungkot na sabi ni Hope sa kanyang daddy sabay yakap.
“Huwag kayong malungkot tatawag naman si daddy sa inyo. Nandyan naman si mommy at tito Elias niyo. Si tito Elias muna ang ang makakalaro ninyo habang wala si daddy." Wika ni daddy Sebastian sa kanila.
"Mga anak huwag na kayong malungkot babalik si daddy sa atin. Kailangan lang talaga mag work ni daddy para sa inyo sa atin.” Paliwanag ko sa kanila.
"Bakit po kasi tayo nandito mommy at daddy kung pwede naman doon na lang din tayo sa Manila.” Sabi ni Hope sa amin.
"Dito muna kayo sa Bohol Hope gusto kong makasama nyo din ang tito Elias nyo at makilala.” Paliwanag ni Sebastian sa kanila.
"Okay po daddy basta promise nyo daddy babalik po kayo dito.” Wika ni Faith sa kanyang daddy
"Oo naman promise babalik si daddy kaya tara na mag play na tayo outside. Diba niyayaya nyo ako?”Tanong ni daddy Sebastian sa kanila.
“Oo naman daddy let’s play na!” Pangiting sabi nila sabay hila sa kanilang daddy Sebastian.
“Tara na mommy sama ka sa amin.” Sigaw ni Hope sa akin.
“Sige na sulitin nyo daddy niyo mag laro at ako’y maghanda ng almusal.” Sabi ko sa kanila.
“Okay mommy.” Wika ng dalawang kambal
Hinila nila ang kanilang daddy saka pumunta sila sa labas para maglaro.
Nang naka labas na sila ay nagsimula na din akong mag ayos sa kwarto. Habang nag tutupi ako sa kumot ay napaisip ako sa panaginip ko kaninang madaling araw.
Nangangamba ako sa kalagayan ni Sebastian pagbalik sa Manila. Ligtas nga kami dito sa Bohol pero ang kalagayan naman ng asawa ko iniisip ko baka siya ang pag initan ni Liam. Kahit magkapatid sila ay parang wala akong tiwala na hindi niya sasaktan ang kuya niya. Natapos na akong nag tupi naghilamos muna ako at nag toothbrush. Sinuklayan ko muna ang aking buhok saka nagbihis para lumabas ng kwarto.
lumabas na ako ay pumunta na ako agad sa kusina para maghanda ng almusal.
Kumuha ako ng egg sa fridge saka kumuha din ako ng bowl at egg beater para mag batil ng egg para lutuin.
Kinuha ko din ang hotdog at tocino para lutuin na din.
Habang nagluluto ako ay bigla na lang ako na gulat lumitaw si Elias sa likod ko.
“Oh Elias nakakagulat ka naman nandyan ka pala sa likod ko.” Wika ko sa kanya.
“Sorry busy ka kasi kaya pinanood na lang kita habang nagluluto ka.” Sabi niya sa akin.
“May kailangan kang ipaluto akin na para maluto ko na dito.” Sabi ko sa kanya.
“Wala ka talagang kupas ang sipag mo talaga magluto.” Wika niya sa akin.
“Ganun ba sanay na ako dyan Elias kaya kung anong ipaluto mo akin na. Ay saglit lutuan na lang kita sa favorite mong aga-.” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.
“Hindi mo pa talaga nalilimutan lagi kong pinapaluto sayo Lily.” Sabi niya sa akin
Natameme ako habang nagluluto. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
“Ah malamang kadama niyo ako sa bahay niyo dati kaya alam ko lahat kung anong gusto nyong ipaluto sa akin.” Singgit kong sabi sa kanya
“Sige na ako na bahala anong gusto mong ulam. Pagluluto na kita.”Wika ko sa kanya
“Bakit nasaan si kuya Sebastian?” Tanong niya sa akin
“Nasa labas nag yaya maglaro ang mga bata sa kanya. Pano ayaw nilang umalis daddy nila kaya sinusulit na lang nila muna habang nandito pa si Sebastian.” Wika ko kay Elias.
“Ganun ba sige pupuntahan ko na lang muna sila sa labas.” Sabi niya sa akin.
“Mabuti pa nga habang magluluto muna ako ng almusal.” Wika ko sa kanya.
Hindi na ako lumingon at lumabas na siya sa kusina para puntahan sila Sebastian at ang mga bata.