Chapter 7

1129 Words
Nakakatawa! It's ridicululous! The thought was preposterous for a sane person. Pero hindi naman ako matino, kahit kailan hindi maging matino ang pag-iisip ko kapag si Kyle na ang usapan. I huffed an air out of my lungs and leaned on my table. "I'm an idiot." I murmured. Puwede naman akong tumanggi. Gusto kong tumanggi. But then he looks hopeful, and I don't want to let him down. I don't want to disappoint him. Kaya pumayag ako. God, I would trade everything just to make him smile the way he smiled when I told him I will do it. Hindi ko na rin sinabi kay Dawn 'yon dahil malamang sa malamang hindi lang sampal ang matatanggap ko, isang malupit na sermon pati. Imbes na ang mission ko lang ay Move On, nagkaroon pa ng side quest: Make Reena Fall in Love with Kyle. Parang gusto kong ihampas ang ulo ko sa mesa ko. Hindi lang ako nuknukan ng rupok sa taong 'yon, tanga rin ako. Hindi ko ba alam kung bakit patuloy pa rin ako kahit ilang beses na akong napaso. "Hanggang saan ba ang kakayanin ko?" "Chloe, kausap mo?" napataas ako nang tingin at nakita si Ate Altheyah na huminto sa harap ng cubicle ko. She gave me a soft nod, before she hurried back to her table. I watched her move, seemed to busying herself with work lately. Mukhang mas preoccupied na siya ngayon sa trabaho kumpara sa rati. Ilang linggo na rin kasing hindi nagigising si Kuya Warren, wala rin naman nagtatanong kay Ate Altheyah patungkol doon dahil ayaw naman namin siyang masaktan kapag nagkwento siya. "Ang komplikado naman ng buhay." muling bulong ko. I really don't know what to expect after that day. Lagi akong nag-aabang ng text or tawag kay Kyle. Ilang araw na rin pagkatapos ng lunch namin na 'yon. Hindi ko ba alam kung bakit gusto kong mag-text siya kahit alam kong masasaktan na naman ako. Paano nga ba maalis sa sistema mo ang isang tao? Gusto ko naman talagang makalimutan na lang siya. Mag-date ng iba tulad ng sabi ni Dawn. But the thought about completely erasing Kyle from my heart and memory brings me nothing but sadness. It's not me if he's out of the picture. Kaya siguro okay na rin kahit pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa'kin. Okay na ako kung hanggang dito na lang kami. At least, I still have a piece of him with me. "Makapagtrabaho na nga. Ang aga-aga, nagpapaka-artista ako sa drama ko rito." Saka ako nagsimulang mag-run ng Regression Resting. Five minutes into it, my phone chimed. And just like any other day, I'm hoping it was Kyle. And I wasn't disappointed. A smile crept on my lips before my trembling finger was able to tap his name on my screen. Kyle: Hi, Clo. Lunch again, today? Same place. On field kasi ako ngayon, and I'm near your office. I thought of telling you the things that happened lately. Is it, okay?" It's not okay. The sane part of me shouted. But, sh!t. Ano nga naman ang lakas kong tanggihan ang lunch kasama si Kyle? This is one of the few circumstances that I have him alone, kahit na ibang babae ang pinag-uusapan namin. I'm so desperated. But I can't help it. I don't know how to stop it. His text was enough to get me pumped up for the day. It's like an energy booster. Umaga pa lang pero alam kong marami na akong nagawa at mukhang hindi ako mapapa-overtime. I inwardly smile. See, it's not that bad seeing him. May magandang naidudulot sa akin. Bandang eleven, nagsimula akong dunungaw sa orasan maya't-maya. Nagbabantay at umasa na sa kada tingin ko ay mag-alas dose na. "Mukha kang sesentesyahan diyan sa ginagawa mo." Narinig kong tugon ni Ate Erlina nang dumaan siya sa harap ko. Tinawanan ko lang siya. Ayoko nang magsalita pa dahil baka sa sobrang sabik ko sa lunch break ay mapansin nilang may inaabangan ako. Five minutes to twelve o'clock, I switched off my unit and waved to my manager to tell her I'll be leaving for lunch. Para akong batang may field trip sa nararamdaman ko. Kulang na lang lumundag-lundag ako. When I got off from the elevator, I checked my phone to see if he texted me like the last time, but there was none. Maybe, he's busy. Sinabi naman niya na on-field siya. I hurriedly went to the restaurant. I even gave a silent thanks to God when I found our table empty. Agad naman akong binigyan ng menu nang nakaupo na ako, "Miss, pahinga pa isa. I'm dining with a friend." Tugon ko habang nakaturo sa menu. Nagtitingin ako ng makakain habang naghihintay. Bigla na rin akong nagutom dahil sobrang bango rin ng paligid. Ngunit kahit gayon, pinili kong maghintay tulad ng ginawa niya last time. O-order na lang siguro ako kapag dumating na siya. Labing-limang minuto na ang nakakalipas simula nang nakarating akong kainan ngunit wala pa rin akong natanggap na text mula sa kanya. Gusto ko siyang tawagan kaso baka maisturbo ko siya. "Maghintay pa ako ng kunti." I said to myself. Muling lumapit sa'kin ang waitress at ni-refill ang baso ng tubig na kanina ko pa ginagawang pampalipas gutom. "Ready ka na um-order, Ma'am?" she politely asked. I shook my head, "Hindi pa dumarating 'yong kasama ko, eh. Mamaya na lang, gusto ko kasi sabay kami kumain." She gave me a smile and proceeded to assist other customers. Twenty minutes later, wala pa ring Kyle na dumarating. Para nga akong pulis na nag-aabang sa lahat ng pumapasok sa entrance ng kainan. Darating pa kaya siya? Nakalimutan niya kaya? Malapit na rin matapos ang lunch break ko. Pinag-isipan ko muna na mabuti saka ko napagdesisyunan na mag-text na sa kanya. Baka kung sakaling nakalimutan niya, may kaunting oras pa kaming natitira para magkita. Tutal sinabi niya naman na nasa malapit lang siya. Me: Kyle, hello. I'm here at the Japanese place. I thought we're meeting this lunch? Ilang beses kong binasa ng paulit-ulit 'yon bago ko sinend. I don't want to come out to strong, so I have to make sure message won't miss the mark. My stomach started to make gurgling sounds. I think I should order. Wait, I can order for the both of us. Gagayahin ko na lang 'yong pinili niya from the last time. Kaso, baka hindi ko na mahintay, ten to fifteen minutes pa man din ang serving time rito. I wast still in the midst on battling with my own thoughts when my phone vibrated. Kyle: Clo, sorry for just texting now. Reena quit her job this morning and I need to be with her. I'm sorry, I can't come. I can't leave Reena alone. Really, really sorry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD