Chapter 4

1240 Words
Helios has been staring at Xenova who's sitting in her desk while biting her pen. Damn, she looks hot while doing that. Tinted ang office ni Helios at sound proof kaya't 'di naririnig o nakikita ng kung sino mang nasa labas ng opisina. He's still gathering information about Lei Ong but it seems like someone has been blocking all his system hacking passwords to get through a secret website for Drug dealers. He smirked, whoever that asshole is, he or she cannot stop him from getting through that website. He created a new program that can get through any websites without any hindrance. He's also good with hacking and programming stuffs in the computer or internet, thanks to his friend –Laurence Lajarde. A CIA agent, hindi niya na alam kung saan nagpunta yung kaibigan niyang iyon. Maybe he's doing some investigations.  Napangisi siya nang tagumpay niyang napasok ang website na kung saan nakatago ang mga sikreto ng mga drug dealers. Agad niyang sinearch ang pangalan ni Lei Ong at dun lumabas ang lampak-lampak na illegal drugs and negotiations na ginawa ng lalaki. Of course he won't download the file dahil maaari siyang ma-trace, kaya't kanya nalang itong iprinint screen isa-isa. Lahat ay kanyang kinuha, from negotiations to photos and information nang may nakaagaw ng kanyang pansin –isang letrato ng batang sa tingin niya'y nasa 12 or 13 years old palang. Nakaramdam siya ng awa dahil punong-puno ang katawan nito ng malalalim na sugat. Hindi niya makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng kanyang buhok. Payat na payat ang babae at madungis. Nakalagay sa petsa ng letrato ay May 16, 2001. Napapikit siya dahil pati bata ay tino-torture ni Lei Ong. Hindi na siya naawa. Proud pang nakalagay sa information ng picture nito 'an assassin failed her mission and ended up being tortured by master Lei.'  --- Xenova hissed nang inilagay ang kanyang mesa sa labas ng opisina ni Helios. Just how the f**k can she observe that man kung tinted ang opisina nito?! "Xenova, get in." narinig niyang tawag sakanya ni Helios sa intercom. Kumatok muna siya tsaka pumasok. "Yes boss pogi?" ngingiti-ngiti pa siya nang makita niyang parang nalugi ang mukha ni Helios. "Come here." Agad naman siyang lumapit. "Print these photos." Pasimple siyang napairap. Pwedeng-pwede niyang iprint ang mga letrato ng magisa siya pero nangutos pa.  "Yes boss pogi! Saan po ang mga ipapa-print mo?" tanong niya. "Here" tinuro naman sakanya ang mga letrato at ganun nalang ang paninigas niya nang makita ang kanyang letrato noong tinotorture siya ng kanyang amain. Nanggigilid ang kanyang mga luha pero tumingala siya upang pigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. She needs to put on her childish act para 'di muli 'yon mangyari sakanya. "What's wrong?" tanong sakanya ni Helios. Umiling siya tsaka tumingin sa monitor ng laptop. "N-naaawa lang ako sa batang ito."  "Well, I feel the same. Lei Ong is really heartless. Pati ang batang iyan ay nagawa niyang itorture, I wonder if that little girl is still alive." She is, at nasa tabi mo lang siya. Lumunok siya tsaka inedit ang mga pictures at prinint. "Siguro'y namatay na yung batang iyon, sino ba namang mabubuhay pa sa ganyang estasyon?" sabi niya Helios just shrugged. --- Helios can smell Xenova's scent since he's just standing behind her. God knows how he really want to take her inside his office and make her scream his name like there's no tomorrow. "Printed na boss pogi!" tsaka sakanya inabot ang envelope na naglalaman ng mga letratong prinint-screen niya mula sa sight na iyon. Agad niya namang napansin ang pagmamadali ni Xenova na tila hindi ito kumportable sa kanya tsaka agad na umalis ng kanyang opisina. What happened to her? --- Xenova is outside Helios' hotel right now and she's planning to climb the building dahil kung papasok siya ay may possibility na mahuhuli siya ng mga CCTV's ng hotel. Nakafullbody black attire siya ngayon at naka mask na parang ninja, agad niyang inakyat ang puno tsaka tumalon sa bintana kung saan ang CCTV room. Nagtagumpay naman siya sa pagpasok doon, napangisi siya nang walang tao ang nagbabantay sa kwartong iyon kaya't dahn-dahan niyang inilock ang pintuan tsaka umupo sa harap ng mga monitors. Kinonekta niya ang kanyang flashdrive na may laman na libo-libong virus na dahilan ng pagkashut down ng mga cameras. Well, that was easy. She smirked. Lumabas na siya sa kwartong iyon gamit tsaka pumasok sa kabilang kwarto gamit ang bintana. She grinned nang walang tao sa kwartong iyon. She immediately changed her clothes tsaka naglagay ng dark make up at lumabas sa kwartong iyon. Nagdire-diretso siya patungo sa opisina ni Helios, pinihit niya ang doorknob at agad naman iyong bumukas. Ang problema kay Helios ay hindi ito nagl-lock ng pintuan. Agad niyang linapitan ang desk ni Helios tsaka muling tinype ang kanyang password sa cabinet lock, bumukas naman ito kaya't nakuha niya ang envelope na naglalaman ng letrato na kanyang iprinint sa bag na gagamitin nito bukas sa korte.  Sorry Helios but I need to do this. Nang makuha niya ang envelope ay agad siyang lumabas ng building.  --- Helios is grinning from ear to ear, nasa kanya ang mga ebidensya ng kahudasan ni Lei Ong at sigurado siyang mapapalanunan niya ang kaso. He can give justice for Zapanta's daughter. Nasa loob na sila ng korte at kasama niya ang kanyang assistant na si Xenova –na parang batang kumakain ng chewing gum. "Would you stop eating that?" pabulong niyang sigaw kay Xenova. Tinignan naman siya nito ng masama tsaka mas lalo pang linakasan ang pagnguya ng chewing gum. "Kj mo boss pogi, eh ang sarap e!" nagpout pa ito. "Hindi pwedeng kumain sa loob!" nagpout naman si Xenova tsaka linunok ang nginunguya. Napatampal siya sa noo. "Matutunaw din yon boss pogi, ayan, wala ng problema ah. Lez go!" tsaka siya nito hinila sa loob ng korte.  --- "I believe that Mr. Ong is having illegal negotiations and I have the evidence your honor." Napangisi siya. Kinuha niya naman sa kanyang bag ang envelope tsaka binuksan iyon at ganun nalang ang kanyang pagkanganga ng makita ang pictures ng mga Barbie sa loob non. "What. The. Fuck." Bumalik ang kanyang tingin sa huwes na nakakunot ang tingin sa kanya, tinignan niya naman si Xenova na palihim na ngumunguya ng chewing gum, pinandilatan niya ito, ngunit linunok lang ni Xenova ang chewing gum tsaka nagpeace sign sakanya. Napapikit siya ng mariin. Hinarap niyang muli ang huwes.  "Your honor, I think Mr. Villiarde forgot something really important here." Tinignan niya ang lawyer ng kabilang kampo na si Tode Magaspang na nakangisi. Ang yabang na ang pangit pa, ang bantot pa ng pangalan. He clenched his fist.  --- The first trial has ended pero kitang-kita parin ang galit sa mukha ni Helios. She really wants to approach Helios and give the evidences back pero hindi niya magawa. Kung gagawin niya iyon ay siya din ang mapapahamak. Nagagalit siya sa sarili niya dahil unti-unting lumalabas ang mga emotions na matagal niya ng pinatay. She shouldn't feel worried! Hindi dapat siya nag-guilty sa ginawa niya! It's her mission at dapat niyang tapusin iyon! Natigil ang kanyang pagiisip nang biglang nagring ang kanyang cellphone, agad siyang pumasok sa CR tsaka tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita niya ang pangalan ng kanyang amain at ganun nalang ang kanyang pagkakaba. "Hello Laupe?" sagot niya sa tawag. "Good job X, just keep on observing Mr. Villiarde at siguro ikaw na hindi siya kuha evidence against me." Napalunok siya. "The next trial will be two months from now. Ayus ikaw trabaho mo, or else." Then the line ended. Huminga siya nang malalim. "X, No conscience, no mercy and no love. Always put that on your mind." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD