Sa pagdating ni Kapitan Tiyago, may kasamang binatang tila nagdadalamhati sa kasuotan. Agad siyang bumati sa mga bisita at humalik sa kamay ng mga pari.
Nagtaka ang mga pari, lalo na si Padre Damaso, nang makilala ang binata. Inilahad ni Kapitan Tiyago na ito ay anak ng kanyang dating kaibigan na si Don Rafael Ibarra na nakapag-aral sa Europa ng pitong taon at bagong salta lamang.
Nagpakilala ang binata bilang si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin at nag-abot ng kamay, isang gawi na natutunan niya sa Alemanya.
Si Padre Damaso, halatang galit, ay tumanggi sa kanyang kamay at tinalikuran si Ibarra. Sa kabilang banda, lumapit si Tenyente Guevarra kay Ibarra at natuwa sa kanyang ligtas na pagdating. Binigyang-puri rin niya ang kabutihan ng kanyang ama na si Don Rafael, na nagdulot ng kapanatagan kay Crisostomo.
Pansin na pansin ang ligalig ni Padre Damaso habang palihim na sinusulyapan si Tenyente Guevarra, kaya’t tinapos na niya ang usapan nila ni Crisostomo Ibarra.
Nang handa na ang hapunan, imbitado ni Kapitan Tinong si Ibarra na makisalo sa kanila kinabukasan, ngunit magalang itong tinanggihan ng binata dahil magtutungo siya sa San Diego. Si Kapitan Tinong ay malapit na kaibigan ni Kapitan Tiyago at ni Don Rafael Ibarra.
Sa pahinang ito ay tatalakayin natin ang buod ng Noli Me Tangere Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra. Bukod dito, malalaman mo din kung sinu-sino ang mga tauhang nabanggit sa kabanatang ito, ang tagpuan, mga talasalitaan, pati na rin ang aral na mapupulot mo dito.