Tahimik na tahimik si Sven nang pasakay na kami sa elevator kaya tiningala ko s’ya at nakitang panay ang hilot n’ya sa sentido kaya tumaas ang kilay ko. “Does your head hurt?” tanong ko. “What head?” tanong n’ya na mukhang wala pa sa sarili kaya mas lalong tumaas ang kilay ko habang nakatitig sa kanya. He looked really restless right beside me! “Your head, of course. Haplos ka nang haplos eh,” sagot ko habang hindi s’ya iniiwanan ng tingin. Maang na napatingin din s’ya sa akin pagkatapos ay kinagat ang ibabang labi at saka ibinaling ang tingin sa harapan ng elevator dahil bumukas na ‘yon. Panay ang tingin n’ya sa akin habang nakasakay kami sa elevator kaya tinaasan ko na ng kilay sa pangatlong beses na pagsulyap n’ya sa gawi ko at wala namang sinasabi. “Bakit?” hindi na nakatiis na ta