“Jen? What are you doing here? You did not even tell me that you’re coming over!”
Gulat na bulalas ng boyfriend‒este fiancé n’yang si Sven Dela Torre. Isa itong Senior Architect sa firm ng common friend nilang si Gelo Lopez, kung saan nagtatrabaho din s’ya bilang isang Engineer. They have been together for four years and just last year, they decided to tie the knot this year. At isang linggo na lang ay ikakasal na sila. Pero bakit kung kailan malapit na silang ikasal ni Sven ay kung anu-ano naman ang pumapasok sa isip n’ya. Was it because her closest friends are both married and they always rant about their marriage life? Ipinilig n’ya ang ulo at saka tiningala si Sven para salubungin ng halik sa mga labi.
Sinadya talaga n’ya talagang hindi magsabi dito na pupunta s’ya kahit alam n’yang iinom ito sa unit nito kasama ang matatalik na mga kaibigan nito.
“Nothing. I just wanted to surprise you‒”
Agad na napatigil s’ya sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sven kaya sabay pa silang napalingon doon. Ilang sandali lang ay lumabas na mula doon ang isang babaeng medyo nakapikit pa yata dahil mukhang kagagaling lang sa pagtulog!
Seriously?! Hindi makapaniwalang sigaw ng utak n’ya nang mamukhaan ang babaeng kakalabas lang doon na s’yang kaisa-isang babaeng kaibigan ng nobyo n’yang si Sven. Isa rin itong Architect kagaya ng nobyo n’ya at doon din ito nagtatrabaho sa Lopez Engineering Firm kung saan sila nagtatrabaho. Sven and Joy are best friends because their Moms are best of friends. At isa din iyon sa mga dahilan kung bakit kahit anong pilit n’yang mapalapit sa Mommy ng nobyo n’yang si Sven ay parang palagi na lang itong ilag sa kanya kahit na hindi naman nito iyon pinaparamdam sa kanya pero sadyang malakas ang pakiramdam n’yang mayroon itong hindi sinasabi sa kanya. Palagi na ay nakikita n’ya sa mga mata ng matanda na hindi s’ya nito lubusang tanggap para mapangasawa ng panganay na anak nito.
May mga pagkakataon pang kapag nag-aattend s’ya ng salu-salo sa bahay ng mga ito at nagkakataon na naroon din si Joy ay kulang na lang ay ipangalandakan nito si Joy sa mga kaibigan ni Sven. Hindi naman sa minamasama n’ya iyon pero ang pangit lang kasi ng dating sa kanya na mas proud pa ito sa ibang babae kesa sa mamanugangin nito.
Gayunpaman, kahit kailan ay hindi n’ya sinabi ang tungkol doon kay Sven kahit na maraming pagkakataon na naghihinanakit s’ya dahil sa ginagawa ng Mommy nito. Dumagdag pa ang mga sinasabi ng mga kaibigan n’ya na mga pangit na karanasan ng mga ito sa mga biyenan ng mga ito. Kaya rin siguro lately ay sobrang dami n’yang naiisip.
“Sven? I feel like throwing up. Can you make me a hangover soup, please?” narinig n’yang sabi ni Joy kaya agad na napatingala s’ya kay Sven na nakatingin na rin sa kaibigan.
“I thought, you were with Gelo and Liam? So, where are they?” sunod-sunod na tanong n’ya na sadyang hininaan lang para hindi marinig ng babae. Napalingon ulit sa kanya si Sven bago sumagot.
“They were really here. Kakaalis lang nila bago ka dumating. Naiwan lang si Joy dahil nalasing na ng maaga. So, I let her take a nap here‒”
Hindi na n’ya pinatapos ang pagpapaliwanag ni Sven at saka mabilis ang mga hakbang na pinuntahan si Joy na halos hindi pa rin maidilat ang mga mata dahil sa sobrang kalasingan pa rin siguro!
Ni hindi nga s’ya nito napansin nang dumaan s’ya sa harapan nito na prenteng nakaupo sa high chair sa gilid ng kitchen. Mabilis ang kilos na pumunta s’ya sa fridge para humanap ng pwedeng gawing soup para mawala ang hangover na sinasabi nito. Nakakita s’ya ng instant doon at iyon na lang ang pinakuluan. Kitang-kita n’ya ang pag-iling ni Sven at pagmasahe nito sa batok nang makita ang ginagawa n’ya.
“Thank you so much for always taking good care of me, Sven. You know I don’t have any friends I can rely on. At ikaw ang pinaka special sa kanila kaya salamat sa pag-aalaga…” parang nagmomonologue na sabi pa nito habang sapo-sapo ang noo at mukhang hindi pa rin alam na naroon s’ya. Nakita n’yang lalapitan ito ni Sven pero mabilis na tiningnan n’ya ito ng masama at sinenyasan na ‘wag itong iimik kundi ay malalagot ito sa kanya!
“Kung… kung wala lang siguro akong anak‒” patuloy pa rin sa pagsasalita na sabi nito at bahagyang ngumisi. “‒I wouldn’t have had to limit myself. At siguro kung wala talaga akong anak, baka pwedeng tayo‒”
“Joy, I guess you’re really drunk. Come on, I will drive you home,” narinig n’yang pigil ni Sven sa sinasabi nito kaya ang kanina pang pagtitimping pinipigilan n’ya ay ramdam na ramdam na n’ya ang pagkawala. Lumapit pa ito sa kaibigan at inalalayan pa itong tumayo. Kitang-kita n’ya ang biglaang pagkapit ng babae sa leeg ng nobyo n’ya kaya umabot na yata sa bumbunan n’ya ang inis na nararamdaman para sa babae.
“Did you know why I drank so much today, Sven?” narinig n’ya pang sabi ng babae habang sinusubsob pa ang mukha sa leeg ni Sven. Hindi n’ya alam kung paano pa s’yang nakakapagtimpi na hindi ito lapitan at sabunutan dahil sa harap-harapang ginagawa nitong panlalandi sa nobyo n’ya. Paano pala kung hindi s’ya nagdesisyon na puntahan ito sa unit nito? Hindi n’ya alam kung saan pwedeng humantong ang mga ito gayong sa itsura pa lang ng babae ay para na itong mauubusan parati ng ari ng lalaki!
“Joy, please… you’re drunk. Let’s go. Ihahatid na kita‒”
“No. I have to say it today. Ngayon lang ako may lakas ng loob. I need to say it now that I have the courage,” sabi pa nito at tiningala si Sven. Halos hindi s’ya humihinga sa panggigigil dahil mukhang alam na n’ya ang sasabihin nito. Babae s’ya at alam na alam n’ya kung kailan kaibigan lang ang tingin ng isang babae sa isang lalaki. And she always believes in her instinct. Dahil kadalasan sa mga hinala n’ya sa mga tao ay totoo! At isa na nga itong mahaderang best friend ng nobyo n’ya na alam na alam n’yang kahit kailan ay hindi s’ya tinanggap bilang girlfriend at mapapangasawa ng kaibigan nito! “You are getting married next week, Sven,” sambit pa nito.
“Joy‒”
Napatigil si Sven sa pagsasalita dahil pinukol na talaga n’ya ito ng sobrang samang tingin nang bumaling ang tingin nito sa gawi n’ya. Hindi naman iisang beses lang na pinagtalunan nila ang pagiging malapit nito sa nobyo n’ya pero sadyang mabait si Sven at pinagpipilitan nitong mali ang iniisip n’ya tungkol sa kaibigan nito. Ngayon na ang pagkakataon para mapatunayan n’yang tama s’ya sa lahat ng hinala n’ya. At iyon ay may lihim talaga itong pagnanasa sa boyfriend n’ya!
“W-will you be able to take good care of me even if… even if you’re married?” nanginginig ang boses na sabi pa nito kaya pati ang presyon n’ya ay muntik ng tumaas lalo na na sa sunod na sinabi pa nito. “I don’t want you get married‒”
“Joy, stop it!” inis na saway na ni Sven. Pero hindi na talaga n’ya kinaya ang sunod na ginawa ng babae. Humigpit ang kapit nito sa batok ni Sven kaya namilog ang mga mata n’ya at agad na naisip ang sunod na gagawin nito. Tumalikod s’ya at sa pagtalikod n’ya ay ang kakakulo lang na instant mushroom soup ang nakita ng mga mata n’ya. Hindi na s’ya nag-isip at agad na kinuha ‘yon at saka walang babalang naglakad palapit sa gawi ng mga ito.
“Jen! D-don’t do that!” mabilis na saway ni Sven sa kanya nang makita ang hawak n’yang sauce pan. Alam nito kung gaano s’ya ka-sadista kaya naiitindihan n’ya ang takot sa mga mata nito noong mga oras na ‘yon. Parang doon lang natauhan si Joy na hindi lang sila ang nandoon kaya kumunot ng todo ang noo nito nang makita s’ya.
“Engineer Mijares?” parang hindi pa makapaniwala na sambit nito at saka dahan-dahang bumitaw sa braso ni Sven. Ngumiti s’ya ng sobrang tamis.
“Yes, Architect Arevalo. This is me, ang asawa ng lalaking balak mong landiin ng harap-harapan,” ngiting-ngiting sagot n’ya.
Naramdaman n’ya ang paglapit ni Sven sa kanya pero agad na tiningnan n’ya ito ng masama kaya kagat-labing napahilot ito sa sentido at hindi nagtangkang lumapit sa kanya. Napabaling kaagad s’ya kay Joy nang marinig n’yang tumawa ito.
“There’s only a week left before your wedding,” nakakalokang sambit nito. “Are you that excited to be Sven’s wife that you are already claiming it kahit wala ka pa namang suot na singsing?” natatawang sabi nito. It was obvious that this biach is mocking her! Lalong nag-init ang ulo n’ya nang malakas na sawayin ito ni Sven. Imbes na matuwa ay lalo lang s’yang nainis dahil sa ginawa nitong paninigaw lang sa kaibigan. Mabuti sana kung kinaladkad nito ang babae at pinagtulakan sa labas dahil sa harap-harapang pambabastos nito sa kanya ay baka sakaling gumaan pa ang loob n’ya!
“How about you?” nakangising tanong n’ya dito at pilit an kinakalma ang sarili kahit na gustong-gusto na n’yang hilahin ang buhok nito dahil sa sobrang inis. “Are you excited to be Sven’s mistress kahit na hindi pa naman s’ya tuluyang natatali sa akin?”
She felt Sven’s arms reach her waist. Tiningnan n’ya ulit ito ng masama bago muling hinarap ang kaibigan nitong tumatawa pa dahil sa sinabi n’ya.
“Hangga’t hindi ka sinusuotan ng singsing, ‘wag kang kampanteng ikaw ang pipiliin‒”
“Alam ko,” mabilis na pigil n’ya sa sinasabi nito. “Kaya nga ako nandito ‘di ba? Kasi hindi ako kampanteng may ahas na nagpapanggap na lasing na umaaligid sa unit ni Sven,” she mocked. Kitang-kita n’ya ang inis sa mga mata nito na halos pilitin lang yata ang sariling magdilat ng mga mata.
“What did you say? I’m really drunk! Hindi ako nagpapanggap lang!” inis na bulalas nito. Tumaas ang kilay n’ya at nakakalokong tiningnan ito.
“Oh really? Lasing ka? My bad then!” mabilis na sabi n’ya at saka napatingin sa sauce pan na kanina n’ya pa hawak. “Anyway, since lasing ka, I’ve made a hangover soup for you. And I really hope that this will really get rid of your hangover,” nakangising sambit n’ya at walang pag-aalinlangang humakbang palapit dito at saka ibinuhos sa ulo nito ang mushroom soup na ginawa n’ya.
Ilang malulutong na mura ang narinig n’yang sinambit ni Sven nang magtitili ang babae dahil sa ginawa n’ya.