Sinarado ni Sven ang pinto ng sasakyan at saka muling hinarap ako. Nahihiyang sinalubong ko ang tingin n’ya. Ngumiti s’ya at saka malambing na humilig palapit sa akin at yumakap. “It was really worth it,” sambit n’ya habang nakayakap sa akin kaya kumunot ang noo ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at saka sinalubong ang tingin n’ya. “Worth it?” tanong ko. Tumango s’ya at bahagyang ngumisi sa akin. “It was worth it not to keep in touch for a few days,” sagot n’ya at mas lalong ngumisi kaya bumalandra na naman sa harapan ko ang mga dimples sa magkabilang pisngi n’ya. Napasinghap ako at saka nanliliit ang mga matang tinitigan s’ya nang tuluyang makuha kung anong ibig sabihin ng sinabi n’ya. “So, you purposely didn’t keep in touch after that night?!” namimilog ang mga matang tanong ko.