Hiyang-hiya ako pagkatapos ng nangyari sa amin ni Sven sa loob ng sinehan. Hindi ko alam kung paano pa kami nakatagal doon hanggang sa tuluyang natapos ang movie. Pagkalabas ng sinehan ay tahimik kami hanggang sa nakasakay na sa sasakyan n’ya pauwi. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya lalo na at pabalik-balik sa isip ko ang nangyari sa loob ng sinehan. We were almost making out when he asked me to stop him. Kung hindi pa s’ya tumigil at nagsabi sa akin ng gano’n ay hindi pa siguro kami titigil at baka sa kung saan pa humantong ‘yon. I admire his presence of mind in times like that. Kasi kung ako ang tatanungin ay dalang-dala na talaga ako sa ginagawa namin kanina at hindi na nag-abalang mag-isip pa! Sa sobrang tahimik namin sa sasakyan at sa sobrang lalim ng iniisip ko sa buong byah