Queries

2270 Words
Four years ago... “Ah eh, Ma’am Jen…” Napalingon ako sa tawag ng apprentice kong si Jam. Kanina ay nagpaalam s’yang pinapatawag sa HR at kakabalik lang n’ya mula doon. “Hmm? What is it, Jam? Bakit ka daw pinatawag sa HR?” usisa ko. Isang linggo pa lang s’ya sa opisina ko dahil ngayon lang ako pumayag na magkaroon ng apprentice. My schedules for the next three months are jam packed so I decided to ask for extra manpower. Mabuti na lang at sa bawat Engineers dito sa LEF ay may naka-assign talagang apprentice kaya hindi na ako nahirapan nang sabihin ko ‘yon sa management. Naglakad s’ya palapit sa table ko bago sumagot. “Ahm.. sa office na daw po ulit ako ni Architect Sven simula bukas…” sagot n’ya kaya hindi ko na napigilan ang mapalingon ng tuluyan sa kanya. Ang alam ko ay binitawan na s’ya ng Sven Dela Torre na ‘yon kaya s’ya ang in-assign na apprentice sa akin. Tapos ngayon ay pababalikin s’ya? Aba’t? Anong tingin n’ya sa mga apprentice dito? Palaging available para sa kanya?! “Akala ko ba aalis ‘yon dahil may project na gagawin sa England?” kunot ang noong tanong ko. Bago ako nagsabi sa HR ay sinabi ko na iyong may experience sa field at hindi sakitin ang ibigay sa akin dahil mahahassle ako kung magkakasakit s’ya dahil madalas ang magiging site visit ko sa ongoing project ko ngayon. It was a renovation of a building that was abandoned because of a certain crime that happened there more than a decade ago. Sa isang linggo ni Jam na pagiging apprentice ko ay nakitaan ko kaagad s’ya ng dedication sa trabaho. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong nagsisimula pa lang ako kaya naman mabilis na nagkasundo agad kami. Pagkatapos ngayon ay aalis s’ya at kailangan ko na namang mag-adjust sa papalit? Ngayon pa lang ay naiirita na tuloy ako sa Sven Dela Torre na ‘yon. “Hindi daw po natuloy eh. Kaya nagrequest po ulit na ibalik ako sa kanya,” paliwanag n’ya. Bumuntonghinga ako at saka inis na naupo sa table ko. Kung bakit naman kasi hindi muna sinigurado na matutuloy umalis bago nagsauli ng empleyado! “Sige, Jam. I’ll be the one to talk to him. Okay ka na dito eh. Tapos aalis ka na naman?” naiinis pa rin na sambit ko. Tumawa s’ya at saka umupo sa table sa gilid ko. “Sige nga, Ma’am. Kausapin mo si Sir Sven na kumuha na lang s’ya ng iba. Mas komportable ako sa’yo eh. Tsaka…” sabi n’ya at saglit na napatigil kaya curious na napatingin ako sa kanya. “Bakit? May problema ka ba sa lalaking ‘yon?” usisa ko at agad na namilog ang mga mata nang may naisip. “Don’t tell me… sinubukan kang manyakin ng lalaking ‘yon?!” tanong ko at agad na nag-init ang ulo. Hindi ko pa nakikita ang dati n’yang Boss dahil madalas na wala sa opisina dahil sa mga business trip yata na inaattendan. Ang balita ko ay may sariling business ang pamilya no’n at mukhang nagrebelde lang kaya sa ibang kompanya nagtatrabaho. Isa pa ay wala pa naman akong dalawang buwan dito sa LEF kaya hindi ko pa gaanong kilala ang mga empleyado dito. Sunod-sunod na umiling si Jam. “Hindi, Ma’am! Mabait ‘yon si Architect. Iyong Nanay lang po n’ya ang medyo hindi maganda ang ugali…” sagot n’ya kaya lalong kumunot ang noo ko. “Anong kinalaman mo sa Nanay n’ya?” nakataas ang kilay na tanong ko. Nagkamot s’ya sa pisngi bago nagpaliwanag sa akin. “Eh kasi, Ma’am… palaging tumatawag iyong Nanay n’ya sa opisina tapos palaging tinatanong kung anong mga ginagawa ni Architect. Kung hindi ko nga lang po nakita na ‘yon na bumisita sa opisina dati eh aakalain ko pong girlfriend n’ya ang nakakausap ko sa phone araw-araw. Daig pa po ang girlfriend na selosa kung maka-monitor sa anak eh!” nakangiwing sumbong n’ya kaya imbes na damayan ko s’ya ay natawa ako sa sinabi n’ya. “Bantay sarado pala ng Nanay!” natatawang komento ko. Tumango si Jam. “Bakit? Gwapo ba ‘yung anak n’ya?” nakataas ang kilay na usisa ko. Suminghap si Jam at saka sunod-sunod na tumango. “Sobrang gwapo, Ma’am! May mga dimples sa magkabilang pisngi. Pero kahit na wala iyong dimples, gwapo talaga. Kaya hindi ko rin masisi iyong Nanay…” komento n’ya. Humalukipkip ako at na-curious sa itsura ng dating Boss n’ya. Mahilig pa naman ako sa mga lalaking may dimples… Agad na winala ko ‘yon sa isip at agad na napangiwi dahil sa kung saan ako dinala ng isip ko kaya agad na sinermonan ko ang sarili. Ni hindi ka na nga magkandaugaga sa schedules mo ay naisipan mo pa talagang makipag-date! Itigil mo ‘yan, Jen! Hindi porke gwapo at may dimples ay matino na. Diba nga, sabi ng Kuya Jared mo, humanap ka ng pangit at iyon ang ibigin mo ng tunay! Pagdating ng hapon ay naghanda na ako sa pagpunta sa opisina ng Sven Dela Torre na ‘yon para personal s’yang makausap tungkol sa apprentice kong si Jam. Habang papunta pa lang ako sa opisina n’ya ay iniisip ko na ang mga sasabihin at idadahilan ko. Siguro naman ay gentleman ang isang iyon at hahayaan na lang sa akin si Jam, tutal naman ay pwede naman s’yang mag-request ng ibang apprentice na papalit kay Jam. Kung gusto n’ya ay tutulungan ko pa s’yang magfollow up sa HR para makakuha s’ya ng bagong apprentice! Kahit sino, ‘wag lang si Jam! Dumaan muna ako sa comfort room para mag-retouch bago pumasok sa opisina n’ya. Lalaki pa rin ang Sven Dela Torre na ‘yon kaya kung tatanggi s’ya sa gusto kong sa akin na lang si Jam ay pwede ko naman s’yang daanin sa charm ko. Tutal ay doon naman ako magaling. Ang manlinlang ng mga lalaki para makuha ko ang gusto ko! Napangisi ako nang makitang maayos na maayos ang bagsak ng buhok ko. “Tingnan mo nga naman… kahit buhok ko ay nakikiayon sa gagawin kong pakikipag-usap sa’yo, Mr. Architect…” bulong ko at ilang beses na ngumiti sa salamin. Kayang-kaya kong kontrolin ang facial expressions ko kaya kayang-kaya kong itago ang totoong nararamdaman ko. Kung maiirita man ako sa lalaking ‘yon ay agad ko ‘yong itatago sa pamamagitan ng ngiti. Kung kinakailangang maakit s’ya sa akin para lang mapapayag ko s’ya sa gusto ko ay willing akong gawin kesa naman ma-hassle ang trabaho ko dahil kailangan ko pang humanap at magtrain ng panibagong apprentice. Aja, Jen! Para sa three months na maginhawang pagtatrabaho! Isang beses pa akong umikot sa harap ng salamin bago tuluyang tumuloy sa opisina ni Sven Dela Torre. Tatlong katok ang ginawa ko bago tuluyang pumasok sa opisina n’ya. Nakatalikod s’ya sa akin nang mabungaran ko at kasalukuyang may binabasa na kung ano habang nakaharap sa steel cabinet sa gilid ng table n’ya. Tumikwas agad ang kilay ko nang unang mapansin ang height n’ya. His height is around six feet, if I’m not mistaken! Bumaba pa ang tingin ko sa gawing pang-upo n’ya at agad na namangha nang makita ang hubog no’n. How did he achieve those round butts with that kind of figure? Lumingon na s’ya sa akin at mukhang naabutan pa akong naninitig sa pang-upo n’ya kaya awkward na ngumisi ako nang magtama ang mga paningin namin. “Is there anything I can help you with?” pormal na tanong n’ya at kunot ang noong tiningnan ako. Kahit na nakasuot s’ya ng reading glass ay hindi naitago ng mga ‘yon ang medyo singkitin n’yang mga mata at makakapal at itim na itim na mga kilay. Pulang-pula din ang mga labi n’ya at kitang-kita ang Adam’s apple. Handsome is an understatement to describe his whole facial features. Mukhang hindi lang gwapo ito, mukhang masarap din! Humalik! Agad na tumikhim ako dahil sa kung saan na napunta ang isip ko. Muntik ko pang makalimutan ang totoong sadya ko dahil masyado akong namangha sa itsura ng lalaking ‘to! “Hi, Architect Dela Torre. I’m Engineer Jennie Mijares,” pormal na pakilala ko habang naglalakad palapit sa kanya at mabilis na naglahad ng kamay. Binaba naman n’ya ang hawak na folder at saka tinanggap ang pakikipagkamay ko habang sinasalubong ang mga tingin n’ya. And now that I am this close to him, mas lalong nadepina ang hubog ng mga labi n’ya kaya agad na iniiwas ko doon ang tingin at ibinalik sa mga mata n’ya. “Sven Dela Torre,” pakilala n’ya at agad na kumunot ang noo at saglit na natigilan bago nakapagsalita ulit. “Engineer Mijares…” tumatangong sabi n’ya. “You are the new Boss of my apprentice…” sabi n’ya na bahagya ko pang ikinagulat kaya hindi agad ako nakapagsalita. Binawi ko agad ang kamay ko sa kanya nang ma-realized kong napatagal na ang pagkakahawak ko sa kamay n’ya. Mukhang napansin n’ya rin ‘yon kaya nakita kong umangat ang gilid ng mga labi n’ya at agad kong nakita ang pagbalandra ng dimples sa magkabilang pisngi n’ya kaya lalo akong natulala! “Is that what brought you here?” tanong n’ya pa na s’yang nagpabalik sa lumulutang kong isip! Ano ba ‘yan, Jen? Humanap ka ng pangit ‘di ba?! Tumikhim ako at agad na umayos ng tayo bago tumango sa kanya. “Ah, yeah. Actually, I came here to ask if you can just request for another person to replace her. Isang linggo na kasi s’ya sa akin at masyado akong mahahassle kung maghahanap at magtetrain ulit ng panibagong apprentice,” paliwanag ko at saka nginitian s’ya. Hindi s’ya nagsalita at nanatili lang ang titig sa akin kaya pinagbuti ko pa ang pagngiti habang naghihintay sa sagot n’ya. “Hmmm… I’m sorry, Engineer Mijares but I don’t think I can do that,” sabi n’ya at saka ngumiti rin sa akin. Agad agad na nakaramdam ako ng pagkadismaya pero hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Kaya mas lalo pa akong ngumiti at saka itinukod ang mga palad sa ibabaw ng table n’ya habang hindi inaalis ang pagkakatiig sa mga mata n’ya. Inilapit ko pa lalo ang mukha sa kanya at saka mas lalong ngumiti ng nakakaakit. “Hmmm… and may I know why you can’t do that, Architect Dela Torre?” tanong ko na hinaluan pa ng pagpapaawa na may halong pagpapa-cute ang dating ng boses. Nakita kong gumalaw ang Adam’s apple n’ya kaya gusto kong mapangisi lalo dahil alam kong apektado s’ya ng paglapit na ginawa ko. “Hmmm… because I don’t want any hassles too?” sagot n’ya na pinalambing din ang boses at lalo pang ngumiti kaya ako naman ang natulala sa mga dimples n’ya. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng kilay n’ya na mukhang alam ang ginagawa kong pang-aakit sa kanya at mukhang sinasakyan lang! Ah gano’n? Mas lalo akong ngumiti ng nakakaakit at mas inilapit pa ang mukha sa kanya. Ni hindi man lang s’ya gumalaw para umiwas sa paglapit ko kaya lalo kong pinagbuti ang pang-aakit sa kanya. “Hmm… even if you are aware that other people will be in trouble because of that, hmm?” malambing na tanong ko at sinadyang ibaba ang tingin sa mga labi n’ya. Sinadya kong kagatin ang ibabang labi ko habang ibinabalik ang tingin sa kanya. Nakita kong bumaba ang tingin n’ya sa mga labi ko kaya mas lalo pa akong nagpa-cute sa harapan n’ya. “And why would I care about other people, hmm?” malambing pa rin na tanong n’ya at sa hindi ko inasahan ang gagawin n’yang pagtukod din sa magkabilang palad sa ibabaw ng table n’ya at saka yumuko para ilapit ng todo ang mukha sa akin. He tilted his head, almost ready to kiss me! Hindi ako nakagalaw lalo na nang magsalita ulit s’ya. “I don’t usually mind other people’s business…” sambit n’ya na halos pabulong na lang. Napalunok ako at hindi na nagdalawang isip at tuluyan ko ng tinawid ang pagitan ng aming mga labi. Holyshit! Ang lambot ng lips! Saglit na saglit lang ‘yon at agad kong nilayo ang mga labi ko sa kanya. Ngumisi ako ng nakakaakit kahit na kabadong-kabado na ako dahil lang sa isang halik na ‘yon na ako pa ang nag-initiate! “Even if it involves me?” mapang-akit kong tanong at lalong niluwangan ang ngiti. Agad na napapikit ako nang s’ya naman ang humalik sa akin. At hindi lang basta basta halik katulad ng ginawa kong pagdikit ng mga labi ko sa kanya! He was kissing me thoroughly while trying to make me open my mouth and respond to his kisses! Hindi ko namalayan ang pagbuka ng bibig ko kaya malaya s’yang nakapag-explore doon at namalayan ko na lang na tinutugon ko na ang mga halik n’ya! Kung hindi pa kami parehong kinapos ng hininga ay hindi pa maghihiwalay ang aming mga labi. Humihingal na napatitig ako sa kanya. Ngumisi s’ya at pinasadahan ng dila ang ibabang labi bago nagsalita. “Yeah… I don’t mind even if it involves you. The answer is still No…” nakangising sambit n’ya bago inilayo ang mukha sa akin bago muling nagsalita. “Anyway, if you have nothing else to say, Engineer Mijares, mind if you’ll excuse me? I just closed another deal and I can’t afford to answer even the most tempting queries right now,” makahulugang sabi n’ya at umayos ng tayo na parang walang anumang namagitan sa amin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD