Dahil sa sinabi ni Sven ay inabot yata ako ng isang oras sa paliligo. Lumilipad ang utak ko at hindi ako mapakali habang nakatingin sa oras. Imbes tuloy na bumaba pa ako at bumalik doon ay hindi ko na nagawa. Tinext ko na lang si Sven na pumanhik dito kapag inaantok na s’ya. Natutuliro ako at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. Ngayon lang s’ya nag-initiate na mapagsolo kami pagkatapos ng nangyari noong gabing pinakilala ko s’ya sa pamilya ko. Naiintindihan kong isang linggo s’yang mawawala kaya siguro ay gusto n’ya akong makasama ng mas matagal ngayon. Pero hindi ko mapigilang isipin ang iba pang posibleng mangyari ngayon na mapagsosolo kami dito sa kwarto ko. Muntik pa akong mapatili sa gulat nang tumunog ang phone ko para sa isang text message galing kay Jam. Napakislot ak