Nagising na naman si Bebe na masakit ang buong katawan. Ano pa ba ang bago? Parang na immune na siya sa pananakit ng buong kalamnan pagkatapos nilang magtalik ni Luis. Isinandal niya ang likod sa headrest ng kama saka nagpakawala ng malalim na hininga. Hinila niya ang kumot para matakpan ang hubad na katawan. Natutop niya rin ang noo, pakiramdam niya bigla siyang nahilo. Dumako ang tingin niya sa pinto ng bathroom nang bumukas iyon at iniluwa si Luis. He was shirtless at kasalukuyang nag-i-spray ng pabango sa katawan. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng pagnanasa rito. He's a hunk. Every woman desire him, at kabilang na siya roon. "Good morning," bati nito sa kaniya habang mariing nakatitig. "Akala ko umalis ka na," nagtataka niyang usal. Parang nasanay na siya na sa tuwing