bc

The Hottest Men

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
dark
love-triangle
possessive
sex
dominant
badboy
twisted
campus
like
intro-logo
Blurb

Arwynn Pineda and Franjie Pineda, THE HOTTEST MEN and the rivalry that started in their past. Growing up in a wealthy family could be a lucky strike for any children. Rich parents. Exclusive schools. Expensive things. But it’s different from the Pineda brothers. Their parents’ marriage is always on the rocks. Instead of being each other’s anchor, they will be separated on a very young age. Franjie will be living abroad to cure his severe illness that is not available in the Philippines during that time. He has his jealous uncle with him that will brainwash him to hate his younger brother and to get the approval of his father to be better in anything. He will know the one side of the truth that his brother is only adopted. Not knowing that Arwynn is their father’s illegitimate child.

Arwynn will be as independent as his older brother since their mother died because of cancer. Unlike his brother he will do the things that will make him happy. Until he meets the first woman that will make his heart beats. He will fall in love with Diane at a very young age. The girl is beautiful and popular in the campus but she has a lot of family issues. Arwynn will be their on her side. They will discover a lot of things together. From being innocent young individuals to liberated couples.

His relationship with her will be the start of a competition and great rivalry with his brother. Franjie also likes Diane. They will start to compete for her heart. The competitions gets tighter due to their father’s attention on who will be the deserving heir of all their businesses. Franjie will succeed in separating Arwynn and Diane. Unfortunately, Diane will not also win Franjie’s heart leaving both of them in a heartbreak. That will lead to Arwynn’s plan to get the approval of their father and everything will be on his favour.

To destroy the life of his younger brother, Franjie will hire a woman that will deceive Arwynn. He knows that Arwynn’s heart is his greatest weakness. Araceli will make him fall for her but the turns of events will be unexpected. Araceli will really fall in love with Arwynn. She will get pregnant. To make his plans work as expected, Franjie will abduct Araceli. That will actually trigger for the story of the current book of THE HOTTEST BED IN TOWN.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Brothers Code
The Hottest Men By Neri Hottest version of The Hottest Bed in Town, they are the hottest men.  Hottest content so read at your risk. Mag-ingat. Nakakapaso. Book 3: Chapter 1: The Brothers Code When Arwynn and Frangie are just four and six years old respectively... "Lampayatot! Lampayatot!"  Dahil sa patpating katawan ni Arwynn ay walang tigil na naman sa panunukso ang mga kalaro nila ng kanyang kuyang si Frangie sa kanilang village. Kahit na sila ang pinakamayaman sa village ay sila pa rin ang tampulan ng tukso. Their parents weren't respected in the place. Alam kasi ng mga kapitbahay nila na hindi naman nagmamahalan ang kanilang mga magulang na sina Arturo at Filomena Pineda. Ang mag- asawang may- ari ng Paradise Suites. Kahit sila ay alam 'yon sa murang edad pa lamang nila. Kung mag- away kasi ang mga 'to ay sa harap pa mismo nila. They were good in business. Ang kanilang mommy sa resorts samantalang sa condo and hotels ang kanilang daddy. Mga subsidiary ng Paradise Suites. But they weren't good in family matters. Magandang mansion lang ang kayang i- provide ng mga ito sa kanila. But family love? Mas mahal pa sila ng kanilang katulong na si Nanay Esme. Kaya naman silang dalawa nalang na magkapatid ang magkakampi sa mura nilang edad. At least for that time being. "Wag niyong tinutukso ang kapatid ko!" Dumating na si Frangie upang ipagtanggol siya. Grade one ito at kadarating lang galing school. Si Arwynn naman ay nasa nursery palang na nauna nang umuwi. "Ayan na ang isa pang payatot!" Saad ng isa sa mga bata nang makita ang kanyang kuya. Mas malala ang pangangatawan ng kanyang kuya. Mas payat pa ito sa kanya. Puminta naman ang ngiti sa kanyang mga labi. Sa wakas ay dumating na ang kanyang superhero. Yes, he consider him as his hero.  "Tayo Wynn..." inabot nito ang kamay sa kanya. Nakahiga kasi siya sa kalsada dahil tinulak siya ng mga bata. Kinuha niya ang kamay nito saka siya tumayo. "Salamat kuya Frangie." "Kayo huh? Ano bang problema niyo?! Hindi niyo ba talaga titigilan ang kapatid ko?! Gusto lang naman niyang makipaglaro sa inyo ah!" Saad nito. He was so amazed while looking at him. He found him really cool just like a real superhero.  "Ayaw nga naming makipaglaro sa kanya! Witch ang mommy ninyo! Devil naman ang daddy ninyo! Kaya kayo mga monster kayo! Monster! Monster!" Tugon ng isa sa mga bata. "Monster pala ah!" Saka ito tumakbo palapit sa isa at akmang susuntukin ito.  Nanlaki ang mata ng mga bata lalo na ng sinunggaban ni Frangie. Hindi naman nito tinuloy ang pagsuntok. Pero kitang- kita nila ang pagdaloy ng ihi sa shorts nito pababa sa mga hita nito. "Ganyan kaming mga monster. Kaya namin kayong paihiin ng wala sa kubeta. Umalis na kayo kung ayaw niyong kainin ko kayo!" Pananakot pa ni Frangie. Sa isang iglap ay kumaripas ng takbo ang mga bata. "Yahooooo! Ang astig mo talaga kuya Frangie! Wala na namang nagawa yung mga bully na 'yon. Naihi pa! Hahaha!" Saka niya inakbayan ang nakatatandang kapatid. "Walang pwedeng manakit sayo Wynn hangga't nandito ako. Ipagtatanggol kita. 'Yan ang ating brothers code." Umakbay din ito sa kanya.  "Kapag malaki na ako kuya ikaw naman ang ipagtatanggol ko. Wala ring mananakit sayo. Brothers code!" Tugon niya rito. Ngunit iyon na ang huling sumpaan ng magkapatid sa kanilang brother's code. Unti- unti iyong nabaon sa limot. Nang araw na iyon ay sinumpong ng malalang atake si Frangie ng severe epilepsy nito. Recently diagnosed naman ang kanilang ina ng breast cancer stage two. Nais man nitong sumama sa pagpapagamot ni Franjie sa Canada sapagkat doon may sapat na facility upang magamot ang severe epilepsy ay hindi ito nakasama. Nanghihina na kasi ito dahil sa nasimulang chemotherapy. Hindi na kayang makabyahe pa. Matindi ang epekto rito ng gamutan. Hindi rin naman makasama ang kanilang ama dahil ito ang namamalakad sa kanilang mga negosyo. Pinagkatiwala nalang nila ang panganay sa tiyuhin nitong si Armand. Kapatid sa labas ni Arturo.  Makalipas ang labindalawang taon. Sixteen years old na si Arwynn at first year college na siya taking Hotel and Restaurant Management. Si Frangie naman ay Eighteen years old na. Second year Business Administration student. Pareho silang nag- aaral sa De LaSalle University College of St Benilde. Maganda na ang pangangatawan niya at hindi na siya payat. Samantalang si Frangie naman ay mas lalong lumaki at tumaba. Wala kasi itong ginawa kundi mag- aral at kumain. Dalawang taon na mula nang bumalik ito mula sa Canada. Doon na ito nag-aral ng elementarya at high school. Magaling na rin ang epilepsy nito. Or should they say na mahirap nang ma-trigger ang sakit dahil sa mga nagging therapy at treatment sa dayuhang bansa. Kolehiyo na sila pero lapitin pa rin sila ng gulo. Ngunit marami na ang nagbago. Hindi na sila magkakampi. Hindi na tulad ng dati ang mga bagay- bagay. Nang magbalik ang mas matandang Pineda ay iba na ang trato nito sa mas nakababata. "Who did it? Sino 'yung nakipag- away sa cafe? Ikaw ba Mr. Pineda!" Tanong sa kanya ng kanilang dean.  "Siya nga sir. I saw him. I saw my brother did that. Sinuntok niya 'yung kapwa niya freshman ng walang dahilan." Saka biglang dumating si Frangie na hindi lang siya nilaglag. Marami pang dagdag sa kwento nito. "What the f**k! You're such a liar kuya!" Nagtagis ang kanyang bagang sa labis na inis sa kapatid. Nakipagtitigan pa ito sa kanya. "Hindi ko siya sinuntok ng walang dahilan. Tinutukso ka nilang tabachoy at pangit kaya nainis ako sa kanila. Nerd ka raw at nakita nilang malakas kang kumain. Ampon ka nga raw eh kuya. Hindi ko kayang marinig na sinasabihan ka nila ng ganon kaya nasuntok ko siya." Into sports na si Arwynn kaya maganda ang kanyang pangangatawan. Bagay din sa kanyang pagiging basagulero at takaw- away. Hindi na siya kailangang ipagtanggol ni Frangie dahil ito na ang pinagtatanggol niya. But in the contrary he never appreciated him anymore. Wala na siyang ginawang tama sa mata ng nakatatandang kapatid. "Mali pa rin ang ginawa mo Mr. Pineda. Hindi tamang makipagsuntukan ka kapag may narinig kang hindi maganda sa iba. Kailangan mong makipag-usap ng maayos at hindi puro gulo ang hanap mo. Pang ilang beses na bang nangyari ito? Isa pa Mr. Pineda. Isa pa. You'll be kick out in this university. Wala akong pakialam kahit ang daddy mo pa ang pinakamayamang sponsor ng school." Napilitan si Arwynn na humingi ng patawad sa nasuntok niya. Paglabas nila ng dean's office ay nag-usap sila ng masinsinan ni Frangie. "Bakit mo naman ako nilaglag kanina kuya? Nandun ka noong sinuntok ko ang gagong 'yun. Alam mong ginawa ko lang yun dahil iniinsulto ka nila. Pinagtatanggol lang kita." Panunumbat niya rito. "You know what Arwynn, hindi mo kailangang gawin 'yun. Hindi mo ako kailangang ipagtanggol. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Magmula ngayon magpapapayat na ako para hindi na nila ako kailangang insultuhin. Para hindi mo na ako kailangang ipagtanggol. I never asked for your help in the first place. I grew up in Canada. I experienced different kind of bullies. I can handle them." Saka siya nito tinalikuran. "Kuya anong nangyari? Bakit biglang naging ganito ka sa akin? Bakit biglang nagbago ang lahat? Ano ba talagang sinabi sayo ni mommy noong gabing namatay siya? Ampon ka ba talaga?" Sunud-sunod ang tanong niya rito dahilan upang mapatigil ito sa paglakad.  "Hahahaha!" Malakas na tawa ang pinakawalan nito bago humarap sa kanya. "Ako pa talaga ang ampon huh? Wag mo akong subukan Arwynn. Hindi ko lang sinasabi sayo ang totoo pero mas maraming alam si Uncle Armand. He told me a lot of things about our parents and about you. Kailangan ko munang maka-graduate. Kailangang mapatunayan ko kay daddy na sa akin niya dapat ipamana ang negosyo natin. Tutal ako naman ang tunay niyang anak!"  Natigalgal siya sa narinig. "A- anong ibig mong sabihin kuya?" 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
133.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
38.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.7K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook