Naging abala si Samuel sa pag lipas ng mga araw sa pag aasikaso ng kaniyang negosyo. Nag dagdag din siya ng ila pang mga tao sa investigation department ng kaniyang law firm. Naisipan niya kasing mas maganda na mayroon din siyang investigation services na pwede niyang i-offer bukod sa tungkol sa mga batas lamang ang pag tutuonan niya ng pansin, at pag bibigay lamang ng mga advice sa mga kliyente tungkol sa mga legal rights, criminal defenses, intellectual properties at kung ano ano pa. Naging maayos naman ang takbo ng pag hahanap niya ng magagaling na tao sa larangan ng pag iimbistiga para mag trabaho sakaniya. Natutuwa din si Samuel na sa pag lipas nga ilang araw ay mas nagiging maayos din ang lagay ng kaniyang nanay sa ospital at ngayong araw nga ay naka takda nang pauwiin ng doctor k