Napa pikit si Monique nang agad na tumama sa mukha niya ang mainit na simoy ng hangin pag baba niya sa eroplanong nag hatid sakaniya at sa mga kapawa niya pasahero sa Pilipinas galing sa New York. Pitong taon din siyang hindi naka uwi dito sa Pilipinas kaya naninibago siya sa maraming bagay, sa klima, hangin at tanawin, sobrang ibang iba ang Pilipinas sa bansang pinang galingan niya. New York, nakaka tawa lamang at pitong taon ang nakalipas at halos ayaw niyang sumakay sa eroplanong mag hahatid sakaniya sa ibang bansa para doon siya manganak, at pag katapos ng pitong taon heto naman siya ngayon at ayaw nang bumalik sa Pilipinas at gusto nalang umatras para bumalik nalang ulit sa New York. Napa buntong hininga si Monique at kinuha ang kaniyang maleta na natanaw nang papalapit sakaniya mu