Madilim at naka simangot na mukha ni Raymond ang agad na bumungad kay Monique pag baba na pag baba niya pa lamang ng sasakyan, napairap si Monique dahil alam na alam niyang katakot takot na sermon nanaman ang matatangap niya sa oras na makalapit siya rito. Why does her kuya Raymond always makes her feel like a chattering ten-year-old? Whatever makes him think that he was so superior? She was already a grown up woman, bakit ba hindi nalang siya pabayaan ng kaniyang naka tatantandang kapatid at hayaan siyang gawin ang gusto niya? Unti unti ang pag ragasa ng inis sa kaniyang sistema nang makitang nag lakad ang kaniyang kuya papalapit sa kaniya, awra palang nito ay halata nang galit na galit, nag martsa si Monique palapit sa kaniyang kuya ngunit hindi para kausapin ito. Sa halip ay sagli