“Oh my God Sam, I never really had a thought that your ex Monique, and my boss are the same person.” Napairap nalang si Samuel kay Charlotte, kanina pa kasi ito pa ulit ulit ng sinasabi mula pa kaninang umalis sila sa resto at pabalik palang sa hotel. Hindi niya na lamang pinapansin ang babae, naiinis parin kasi siya sa ka sweetan nina Monique at Liam kanina. Nag si-selos siya oo, at hindi niya naman iyon itatangi hindi niya nga rin iyon magawang itago kay Charlotte gayong bagong kilala palang naman nila. Ibig sabihin lang niyon ay masyado siyang nagiging transparent sa nararamdaman. Sana lang ay hindi napapansin ni Monique ang inaakto niya sa tuwing nag kikita sila, ayaw ni Samuel na isipin ng dalaga na mabuti ngang pag sisihan niya ang ginawa niyang pambabaliwala niya dito noon, na to