Naalimpungatan si Monique dahil sa malakas na tunog ng kaniyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama, pupungas pungas pa siyang bumangon para abutin iyon, tinatamad niyang iminulat ang kaniyang mata only to find Samuel sleeping soundly beside her. Nakapulupot ang matipuno nitong braso sa kaniyang baywang habang payapang payapa ang mukha dahil sa himbing ng pag tulog. Masyado siyang naging abala sa pag sipat sa mukha ni Samuel that she forgot about her cellphone that is still ringing, kusa pang umangat ang kaniyang kamay para haplusin ang mukha ng natutulog na si Samuel. ‘Ang gwapo mo pag tulog pero nakakanis ka kapag gising.’ Bulong ni Monique habang abala pa rin sa pag haplos sa gwapong mukha ng binata, bahagya pa siyang natawa nang sandaling nangunot ang noo