Kanina pa sinusubukan ni Monique ang matulog habang kasalukuyang nakahiga sa malaking kama ngunit kahit anong gulong ang gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok, balot ng makapal na kumot ang kaniyang hubad na katawan habang ang katabi niyang si Samuel ay mahimbing na ang tulog. Sinubukan ni Monique na makawala mula sa pag kakayakap ni Samuel saka mabilis na bumangon, walang pag dadalawang isip na dinampot ni Monique ang piting t-shirt ni Samuel na nasa sahig at saka iyon isinuot and as usual, nag mukha nanaman siyang turon dahil sa laki niyon. Hindi na nag abala pa si na mag suot ng kaniyang underwear sa halip ay dumiretso nalamang siya sa pinto ng kwarto ni Samuel at binuksan iyon saka nag lakad pa labas, mabuti nalang at mayroong ilaw na nag papaliwanag sa paligid at hindi niya na