Chapter 2

2028 Words
Hindi niya mapigil na hindi kabahan habang nakaupo sa harapan ni Miss Francesca Visconde. Pakiramdam niya ay nakaharap siya sa isang napakagandang prinsesa sa balat ng lupa. Grabe ang kutis na taglay nito, na talagang mapapawow siya. Nalaos ang kanyang maputing balat ng malapit siya dito. Kung tutuusin ay mas maputi siya ng kaunti lang naman dito pero ewan ba niya kung anong klase ba ang taglay nito balat, malasutla iyon na parang napakalambot at masarap hawakan. Lalo na ang face nito wala yata kahit na isang pores, talagang alagang alaga siguro sa derma, syempre at mapera ito. Sobra talaga siyang naiistartruck sa kanyang kaharap. Actually ay hindi pa nagsisimula ang interview nito sa kanya dahil sa may kausap pa ito sa phone. Ang napakagandang pagsasalita nito ay isa rin sa matatawag niyang best asset ng kaharap niya at naaamazed siya kapag ngumingiti ito dahil nakikita niya ang mapuputi at pantay pantay na mga ngipin nito. Maliit ang mukha nito na binagayan ng matangos na ilong at makipot na labi, napakapungay din ng dalawang mata nito na parang nangungusap, kahit babae siya ay naaakit talaga siya sa kagandahan nito. Napakasopistikada nitong tignan. Kahit siguro maghapon siyang nakatanga lang dito at pinapanuod ito sa pakikipag usap sa phone ay hinding hindi siya magsasawa sa kagandahan nitong taglay. Mistula kasi itong isang diwata ng kagandahan. Tanda pa niya ng nakita niya itong nakatayo kanina ay napatanga na lang siya dahil kitang kita niya ang mahahabang biyas na taglay nito. Nakasuot ito ng puting walking short at spagetti blouse, simpleng damit pero bakit nagmistula iyon na ang napakaseksing outfit sa kanya. "Hello so you are Nathalie?" Napakurap kurap siya sa kaharap at nagising na siya sa pananaginip niya ng gising, saglit nitong binasa ang hawak na papel. "Ah yes Ma'am. Yes Ma'am." Agad na sagot niya. "I'm Nathalie Estremos." "Okay Nathalie how old are you? Mahinahong tanong nito. "I'm twenty three years old Ma'am." Wala sa loob na sagot niya at todo kasi ang pagkakangiti niya sa kaharap. "Ohh your too young huh isn't." "No Ma'am.. Ah yes Ma'am, but don't  worry po, I think that I matured enough to be your personal assistant." Mabilis na sagot niya nag alala siya kasi na baka hindi siya tanggapin nito dahil sa twenty three pa lang siya. "Are you sure of that. As you can see as a model I'm so very very busy all the time." Medyo kumukumpas pa ang isang nakinis na kamay nito. "A-and so many things that I need to comply na matapos with a not much time. Are you sure that you can help me all the time? Kasi ngayon pa lang ay sinasabi ko na hindi madali." Turan nito. "Yes Ma'am I can do everything na iuutos niyo. Kakayanin ko po Ma'am with the best of my knowledge and skills. Just give me a chance Ma'am at hindi ko po sasayangin ang oportunidad na ibibigay ninyo." Siguradong sagot niya sa kaharap na tagos sa pagkatao niya. Pauwe na siya at masayang masaya ang kanyang pakiramdam, parang lumulutang ang pakiramdam niya lalo kaninang sinasabi ni Miss Chesca na sige daw at bibigyan siya nito ng pagkakataon na sana daw ay hindi niya sayangin na walang wala talaga sa hinagap niya. Determinado talaga siya na pagbutihin ang kanyang magiging trabaho sa modelo na iyon. She wants a new life, new environment, more fantastic experience and this is the best opportunity para matupad ang lahat ng mga gusto niya. Sobra talaga siyang saya at para ngang gusto pa niyang magtatalon sa tuwa pagkatapos nitong magpaalam at tumalikod nasa kanya. May hinahabol pa daw kasi itong shoot. Basta daw mag ecpext siya ng tawag nito within this week at maghanda na raw siya at magpaalam sa parents niya. Ang sabi kasi nito ay may gaganaping shoot sa Davao at baka maisama na siya nito, kaya dapat ay handa na siya at ang mga gamit niya, anumang oras na tawagan siya. Naisipan niyang tawagan si Sheena, ibabalita niya dito ang goodnews na tanggap na nga siya. "Hello.." Narinig na niya ang pagsagot nito. "Sheena grabe. Salamat talaga fren. Tinanggap na ako ni Miss Chesca. actually ay katatapos lang ng ginawa niyang interview sa akin ngayon." Tuloy tuloy na kwento niya dito. "Talaga! Wow congrats Naths." Masayang sabi nito. "Ang bait niya pala ano, ngayon pa lang pakiramdam ko ay makakasundo ko siya fren." Sabi niya dito. "Kilala mo ba yung dati niya PA?" Naisipan niyang tanungin. "Ah si Tere ,yes yes I know her Naths, why?." "Ayaw ko man isipin ito pero nagpapasalamat ako sa kanya, kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ito." Naisip niya lang. "Na umalis siya sa trabaho niya." Dugtong nito sa sinasabi niya. "Nagtataka nga ako doon fren kasi wala naman siyang nababanggit na may balak pala siyang iwanan na ang trabaho niya kay Miss Chesca. Anyway congrats talaga sa iyo at sana ay mag enjoy ka sa trabaho mo." Dama niya ang sensiridad sa sinabi nito, masaya rin talaga ito sa kanya. Close friend talaga sila ni Sheena, dikit sila lagi noon. Ngayon lang na naging old na sila at naging mga busy sa kani kanilang buhay kaya minsan na lang ang naging communication nilang magkaibigan. "Oo nga talagang mag eenjoy ako Sheena. Salamat din sayo naging backer kita sa kanya." Pasasalamat niya dito. "Your welcome Naths. Mabait yan i Miss Chesca, medyo maarte din pero hindi naman masungit ilang beses na rin na ako ang nag ayos sa kanya." Kwento nito. "Ay ganon.. Sheena salamat talaga, napatawag lang ako para ibalita nga sa iyo na tinanggap niya ako. Pauwe na nga ako ng bahay ngayon." Sabi niya dito. "Ganon ba ingat ka sa pag uwe. Kita na lang tayo sa mga shoot marami naman ng pagkakataon na magkikita tayo niyan fren." Nagpaalam na ito sa kanya dahil daw may gagawin pa ito, siya naman ay nagpatuloy na sa paglalakad para makalabas sa Shopping Mall na iyon at balak na niyang makauwe agad. Tiyak siya na matutuwa ang kanyang nanay dahil may trabaho na siya ulit at isa pa ay alam ng kanyang ina na isa siyang frustrated model kaya iyon na lang talaga ang way para mapalapit siya sa industriya nang modelling world. Nagmulat siya ng mga mata, feeling niya ay nananaginip pa rin siya, kaya bahagya niyang pinisil ang kanyang pisngi. Umupo siya sa kama, sabay napatingin siya sa labas. Umaga na naman pala at until now ay hindi pa rin siya makaget over sa pangyayari sa buhay niya kahapon lang. Gabi na siya nakauwe kagabi dahil sa matinding trapik na sinalubong niya sa pag uwe pero kahit na ganoon ay masaya pa rin, parang wala nga siya sa sarili at patuloy na nangangarap. Naalala rin niya kasi ang sinabi ni Miss Chesca na baka isasama siya nito sa Davao para sa shoot doon. Nagpaplano na siya ng mga gagawin niya, at kung ano anong damit kaya ang mga dadalhin niya sa pag alis na iyon. Napabangon na tuloy siya ng tuluyan. Naalala niya ang bilin ng lady boss niya na kailangan ay maging handa na siya pati ang mga gamit niya at nakapagpaalam na rin siya sa kanila dahil anumang oras ay tatawag ito para makapagsimula na siya ng kanyang trabaho bilang PA dito. Pagbaba niya ay nakita niyang nagluluto ang nanay niya ng kanilang pagkain, naisip niyang igoodtime ito. Tulog na kasi ito kagabi pag uwe niya kaya hindi niya pa nasasabi ang good news. "Nay." Tawag niya dito, kumuha siya ng isang mug at magtitimpla siya ng kape. "Oh anak! Kumusta ang pangyayari kahapon?" Hindi siya umimik at pinalungkot niya ang mukha, napalingon ito sa kanya at naghihintay ng sagot niya. "Bakit negative ba?" Humarap na ito at inilapag ang pritong galunggong, nakita na nito na napakalungkot niya. "Yaan mo na anak, marami pa namang oportunidad na darating sa iyo." Malumanay na sabi nito, mukha itong nakikisimpatya sa kanya. "Hindi nay! Ayaw ko nang umasa pa.!" Puno ng pait na sagot niya dito, para pa siyang maiiyak. Umupo na siya at humigop ng kape. "Aalis na muna ako nay." Tapos ay yumuko siya ng bahagya. "Eh saan ka naman pupunta anak?" Gulat na tanong nito. "Ikaw anak malaki ka na dapat mong malaman nasa sa lahat ng pagkakataon ay hindi pwedeng lagi kang panalo, matuto kang tumanggap ng pagkatalo anak." Mukha na itong nahahighblood sa kanya. Natatawa siya pero pilit pa rin siyang umaarte, naisip niya na mabuting praktis yata iyon para matuto siyang umarte, baka someday ay maging artista naman siya. Natatawa siya sa iniisip niya tuloy. "Oy anak sumagot ka! San ka naman pupunta kung aalis ka aber!?" Napatingin siya dito, nawala saglit sa isip niya na umaarte pala siya. "Sa Davao nay. B-baka sakaling nandoon ang kapalaran ko." Seryosong sabi niya dito, akala mo ay totoo talaga. "Anoo!. At bakit doon ka naman pupunta? Wala tayong kamag anak doon o kahit na isang kilala. Ikaw na bata ka magsabi ka ng totoo may jowa ka na ba na taga doon?" Kita niya na naglalabasan na ang mga litid nito sa leeg at mukhang nagiging seryoso na ang usapan nilang mag ina. "Eh kasi nay, gusto ko lang naman magtrabaho doon kasi.." Binitin niya ang sasabihin dito. "Eh kasi ano nga anak?" Todo sibangot na ito, halatang bitin na bitin sa pinag uusapan nila. "Eh kasi nga nay may shoot na gaganapin sa Davao kaya ako pupunta doon." Yumuko siya dahil sa tinatagong ngiti sa kanyang labi, ewan ba niya kung magets iyon ng kanyang ina. "Aba bakit ka naman magshushoot doon anak.?" Saglit itong natigilan na parang nag iisip. "Teka! Ikaw na bata ka niloloko mo ba ako, sabay kuha ng sandok at ihahampas pa yata sa kanya. Bigla siyang napatayo at napatakbo palabas ng kusina. "T-teka lang nay! Nay teka lang.." Tumakbo siya paakyat. Huminto din ang nanay niya sa tapat ng hagdan. Ganito sila madalas ng nanay niya, para kasing magkasing edad lang sila. "Bumaba ka nga dito. Hindi pa tayo tapos mag usap. Pinaglololoko mo yata akobg bata ka." Pikon na ang itsura nito. "Oh sige nay bababa na po., bitawan niyo na yang hawak niyo!" Sabi niya dito natatakot siya at baka maihampas nga sa kanya iyon, mamantika pa naman. "Sumunod ka nga dito sa kusina." Sabay alis nasa hagdan. "Anong nangyayari sa inyo?" Napatingala siya sa itaas pababa ang kanyang kapatid, ang akala niya ay nasa trabaho ito, kaya naisip niya na off nito. "Nagising tuloy ako, akala ko ano ng nagyayari dito!" Nilagpasan siya nito pababa. "Si nanay ksi te." Sumbong niya sa kapatid, sumunod siya dito papuntang kusina. Balak na niyang magpakaseryoso sa pagpapaalam, ewan ba niya at naisip pa niya mang asar nahighblood pa tuloy ng nanay niya. Namimili siya ng mga maaayos na damit niya at inilalagay na niya sa medium size na travelling bag, sinusunod na niya ang bilin Ms. Chesca na get ready na siya dapat kapag pinatawag siya nito. Anytime ay makakatanggap na siya ng tawag ng boss niya para magstart na siya ng kanyang pagtatrabaho dito. Kaninang nagsabi na siya ng totoo sa pamilya niya ay wala namang pagtutol na naganap, natuwa pa nga ang kanyang ina dahil sa magandang balita, ang ikinaiinis lang nito ay pinagalit na muna niya ito sa pang aasar niya. Miski ang ate niya ay wala ring pagtutol. Nasabi na niya nasa Davao ang first destination niya at super excited na talaga siya, nahawa pa ang kanyang ina, alam niya na hilig din ng kanyang nanay ang pagtatravel pero hindi nito natupad iyon. Isa iyon sa mga reason din kaya ginusto niya ang ganoong aspeto ng trabaho, makakapagtravel siya kung saan saan at marami siyang makikita, mga makikilalang tao. She loves adventure. Napatingin siya sa kanyang phone ng tumunog iyon, excited siya na baka si Ms. Chesca na pala ang tumatawag. Pero nadismaya siya dahil si Dom na naman pala. Sagutin na lang niya para matigil na ito, after naman ng tawag na iyon ay alam niya na matagal na ulit ito mangungumusta. Nag loud speaker siya para makapag ayos pa rin siya ng kanyang mga dadalhin. "Hello." Boses ng manliligaw niya, mabait naman ito at maginoo kaya hindi niya masungitan pa rin, basta lang kapag hindi niya trip ay deadma lang sa kanya. "Oh bakit Dom?" Tanong niya. "Nangungumusta lang Nath. Busy ka ba?" Tanong nito. "Oo eh may work na kasi ako." Sagot niya dito. "Talaga! Wow congrats naman.. San yan?" Curious na agad ito. "Ahm. First destination ko ay sa Davao." Sagot niya dito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD