XIAMARA "WELCOME back in Manila, Love!" bulalas ni Ziggy nang maka-landing na ang eroplano sa airport dito sa Maynila. Masamang tingin ang pinukol ko kay Zi dahil sa ginamit niyang tawag sa akin. Habang siya naman ay ngingisi-ngisi lang na tila ba nang-aasar. Kinilabutan tuloy ako at nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. "Love ka diyan!" bulong kong asik sa kanya at siniko siya sa kanyang tagiliran na ikinatawa niya lang. Bumaba ang tingin ko kay Y. Nililibot niya ang mga mata sa paligid. Ngayon lang siya nakatungtong dito sa Maynila kaya siguro ganito ang reaksyon niya. "Welcome to Manila, baby," sambit ko sa kanya. Tumingala siya sa akin nang nakangiti. "Is this Manila na po? Wow, ang ganda naman po dito!" bulalas niya. Yumuko si Zi para kargahin si Y. "Yes, baby, at ipapas