13.Flashback - Secret(WARNING)

2512 Words

XIAMARA LASING na sila Ridge, Brixton at Kade kaya mas lalo pa silang naging mas makulit ngayon at malakas na sila kung mang-asar. Pikon na pikon naman sa kanila si Tiffany na ginawa na nilang tampulan ng tukso. Habang kami naman ni Ziggy ay parehong nakahiga sa pool lounge. Nakahiga ako sa dibdib niya habang nakayakap naman ang dalawa niyang braso sa katawan ko. Pareho na rin kaming basa dahil naglublob kami kanina sa pool. Nakapasok ang isa niyang kamay sa suot kong sando at humahaplos-haplos siya doon sa tiyan ko. "Tif, sigurado akong masarap ang cookie mo kaysa sa mani mo!" hirit na naman ni Ridge sa aking kaibigan. Kanina pa nila tinutukso si Tif dahil sa cookies na ginawa nito. Double meaning raw kasi plus sa nilahok pa nito na mani. Hindi naman kasi nila natikman ang cookie na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD